Add parallel Print Page Options

Ang Pagkawasak ng Nineve

Mga taga-Nineve, sinasalakay na kayo ng inyong mga kalaban na magpapangalat sa inyo. Kaya guwardyahan ninyo ang pader ng inyong lungsod at bantayan ang mga daan. Tipunin ninyo ang inyong mga sundalo at humanda kayo sa digmaan. Kahit na nilipol ninyo ang Israel at Juda[a] na parang mga tanim na ubas[b] na pinatay, ibabalik ng Panginoon ang kanilang kapangyarihan.

Pula ang kalasag at damit ng mga sundalo ng inyong kalaban. At sa oras ng kanilang pagsalakay kumikislap ang metal ng kanilang mga karwahe at nagtatatakbo ang kanilang mga kabayo.[c] Humahagibis ang kanilang mga karwahe sa mga lansangan, parooʼt parito na sumusugod sa mga plasa. Nagliliwanag ang mga ito na parang sulo, at kumikislap na parang kidlat. Inuutusan ng hari ang mga opisyal ng mga kawal. Nagkakandarapa sila papunta sa mga pader para maglagay ng mga pananggalang para sa mga sundalong wawasak ng pader. Mabubuksan ang mga pintuan ng inyong lungsod sa bandang ilog at magigiba ang palasyo. Naipahayag na, na bibihagin kayo[d] at dadalhin sa ibang bayan. Uungol ang inyong mga utusang babae na parang kalapati habang dinadagukan nila ang kanilang dibdib dahil sa kalungkutan. Ang mga taong tumatakas mula sa Nineve ay parang tubig na umagos mula sa nawasak na imbakan ng tubig. Ang mga tumatakas ay pinapabalik ng kanilang mga kasama pero wala ni isa mang bumalik.

Kayong mga sumasalakay sa Nineve, kunin ninyo ang mga pilak at ginto ng lungsod na ito dahil puno ito ng kayamanan. 10 Malilipol, mawawasak at magiging mapanglaw na ang Nineve! Kaya natatakot ang mga mamamayan nito, nanghihina ang buong katawan nila, nanginginig ang kanilang mga tuhod, at namumutla silang lahat. 11-12 Ang Nineve ay parang yungib na tinitirhan ng mag-asawang leon at ng mga anak nito. Walang pwedeng manakit sa kanila sa yungib. Pinapatay at nilalapa ng lalaking leon ang kanyang biktima at ibinibigay sa kanyang asawa at mga anak. Pinupuno niya ang kanyang yungib ng karne ng kanyang mga biktima.[e] Pero ngayon, ang Nineve ay wawasakin na. 13 Sapagkat sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan, “Makinig kayong mga taga-Nineve! Kalaban ko kayo! Kaya susunugin ko ang inyong mga karwahe at mamamatay sa digmaan ang inyong mga kawal.[f] Wawakasan ko na ang inyong pambibiktima sa lupain. Hindi na kayo makapagpapadala ng mga mensahero sa ibang bansa.”

Footnotes

  1. 2:2 Israel at Juda: sa Hebreo, Jacob at Israel.
  2. 2:2 na parang … ubas: o, at nawala ang kanilang mga awit.
  3. 2:3 nagtatatakbo ang kanilang mga kabayo: Ito ang nasa Septuagint at sa Syriac. Sa Hebreo, iwinawagayway nila ang kanilang mga (sibat na gawa sa) kahoy na sipres.
  4. 2:7 bibihagin kayo: sa literal, huhubaran kayo.
  5. 2:11-12 Ang ibig sabihin nito ay nag-iisip ang mga taga-Nineve na walang gagalaw sa kanila. Sinasalakay nila ang ibang mga bansa, sinasamsam ang mga ari-arian nito at dinadala sa kanilang lugar para ang kanilang mga mamamayan ay makinabang.
  6. 2:13 mga kawal: sa literal, mga batang leon.

Nineveh to Fall

[a]An attacker(A) advances against you, Nineveh.
    Guard the fortress,
    watch the road,
    brace yourselves,
    marshal all your strength!

The Lord will restore(B) the splendor(C) of Jacob
    like the splendor of Israel,
though destroyers have laid them waste
    and have ruined their vines.

The shields of the soldiers are red;
    the warriors are clad in scarlet.(D)
The metal on the chariots flashes
    on the day they are made ready;
    the spears of juniper are brandished.[b]
The chariots(E) storm through the streets,
    rushing back and forth through the squares.
They look like flaming torches;
    they dart about like lightning.

Nineveh summons her picked troops,
    yet they stumble(F) on their way.
They dash to the city wall;
    the protective shield is put in place.
The river gates(G) are thrown open
    and the palace collapses.
It is decreed[c] that Nineveh
    be exiled and carried away.
Her female slaves moan(H) like doves
    and beat on their breasts.(I)
Nineveh is like a pool
    whose water is draining away.
“Stop! Stop!” they cry,
    but no one turns back.
Plunder the silver!
    Plunder the gold!
The supply is endless,
    the wealth from all its treasures!
10 She is pillaged, plundered, stripped!
    Hearts melt,(J) knees give way,
    bodies tremble, every face grows pale.(K)

11 Where now is the lions’ den,(L)
    the place where they fed their young,
where the lion and lioness went,
    and the cubs, with nothing to fear?
12 The lion killed(M) enough for his cubs
    and strangled the prey for his mate,
filling his lairs(N) with the kill
    and his dens with the prey.(O)

13 “I am against(P) you,”
    declares the Lord Almighty.
“I will burn up your chariots in smoke,(Q)
    and the sword(R) will devour your young lions.
    I will leave you no prey on the earth.
The voices of your messengers
    will no longer be heard.”(S)

Footnotes

  1. Nahum 2:1 In Hebrew texts 2:1-13 is numbered 2:2-14.
  2. Nahum 2:3 Hebrew; Septuagint and Syriac ready; / the horsemen rush to and fro.
  3. Nahum 2:7 The meaning of the Hebrew for this word is uncertain.