Add parallel Print Page Options

12 Pinatay na ng leon ang kanyang biktima
    at nilapa ito para sa kanyang asawa at mga anak;
    napuno ng nilapang hayop ang kanyang tirahan.

13 “Ako ang kalaban mo,” sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. “Susunugin ko ang iyong[a] mga karwahe at mamamatay sa digmaan ang mga kawal mo. Kukunin ko sa iyo ang lahat ng iyong sinamsam sa iba. Ang tinig ng iyong mga sugo ay hindi na maririnig kailanman.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Nahum 2:13 iyong: Sa ibang manuskrito'y kanyang .