Añadir traducción en paralelo Imprimir Opciones de la página

11 Saan nandoon ang yungib ng (A)mga leon, at ang dakong sabsaban ng mga batang leon, na nililibutan ng leon at ng babaeng leon, ng batang leon, at walang tumatakot sa kanila?

12 Ang leon ay kumakatay ng sagana para sa kaniyang mga anak, at lumalapa para sa kaniyang mga babaeng leon, at pinupuno ng huli ang kaniyang mga cueba, at ng tangay ang kaniyang mga yungib.

13 Narito, ako'y laban sa iyo, (B)sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at (C)aking susunugin ang kaniyang mga karo sa usok, at lalamunin ng tabak ang iyong mga batang leon; at aking ihihiwalay ang iyong huli sa lupa, at ang tinig ng iyong mga (D)sugo ay hindi na maririnig.

Read full chapter