Font Size
Nahum 1:2-4
Ang Biblia, 2001
Nahum 1:2-4
Ang Biblia, 2001
2 Ang Panginoon ay mapanibughuin at naghihiganting Diyos,
ang Panginoon ay naghihiganti at punô ng poot;
ang Panginoon ay naghihiganti sa kanyang mga kaaway,
at siya'y naglalaan ng poot sa kanyang mga kaaway.
3 Ang Panginoon ay banayad sa galit ngunit may dakilang kapangyarihan,
at sa anumang paraan ay hindi pawawalang-sala ng Panginoon ang nagkasala.
Ang kanyang daan ay sa ipu-ipo at sa bagyo,
at ang mga ulap ay siyang alabok ng kanyang mga paa.
4 Kanyang sinasaway ang dagat at ito'y tinutuyo,
at tinutuyo niya ang lahat ng ilog,
ang Basan at Carmel ay natutuyo,
at ang bulaklak ng Lebanon ay nalalanta.