Font Size
Mateo 26:30-35
Magandang Balita Biblia
Mateo 26:30-35
Magandang Balita Biblia
30 At pagkaawit ng isang himno, sila'y nagpunta sa Bundok ng mga Olibo.
Paunang Sinabi ang Pagkakaila ni Pedro(A)
31 Sinabi(B) ni Jesus sa kanila, “Sa gabing ito, ako'y iiwan ninyong lahat, gaya ng sinasabi sa Kasulatan, ‘Papatayin ko ang pastol at magkakawatak-watak ang mga tupa.’ 32 Ngunit(C) pagkatapos na ako'y muling mabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea.”
33 Sumagot si Pedro, “Kahit na po kayo iwan ng lahat, hindi ko kayo iiwan.”
34 Sumagot si Jesus, “Tandaan mo, sa gabi ring ito, bago tumilaok ang manok, tatlong beses mo akong ikakaila.” 35 Ngunit sinabi ni Pedro, “Kahit na ako'y patayin kasama ninyo, hindi ko kayo ikakaila.” Ganoon din ang sinabi ng lahat ng alagad.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.