Add parallel Print Page Options

Sapagka't ang lahat na bayan ay magsisilakad bawa't isa sa pangalan ng kanikaniyang dios: at (A)tayo'y magsisilakad sa pangalan ng Panginoon nating Dios magpakailan kailan man.

Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, (B)aking pipisanin siya na napipilay, at aking titipunin siya na natapon, at siya na aking pinagdalamhati;

At aking gagawin ang pilay na isang nalabi, at ang natapon sa malayo na isang matibay na bansa: at ang Panginoon ay (C)maghahari sa kanila sa bundok ng Sion mula ngayon hanggang sa walang hanggan.

Read full chapter