Font Size
Mikas 4:4-6
Ang Biblia, 2001
Mikas 4:4-6
Ang Biblia, 2001
4 Kundi(A) bawat isa'y uupo sa ilalim ng kanyang punong ubas at sa ilalim ng kanyang punong igos;
at walang tatakot sa kanila;
sapagkat sinalita ng bibig ng Panginoon ng mga hukbo.
5 Sapagkat ang lahat ng bayan ay lalakad
bawat isa sa pangalan ng kanya-kanyang diyos,
ngunit tayo'y lalakad sa pangalan ng Panginoon nating Diyos
magpakailanpaman.
Ang Israel ay Babalik mula sa Pagkabihag
6 Sa araw na iyon, sabi ng Panginoon,
titipunin ko ang pilay,
at titipunin ko ang mga itinapon,
at ang aking mga pinahirapan.