Add parallel Print Page Options

Siya'y(A) hahatol sa gitna ng maraming bayan,
    at magpapasiya para sa malalakas na bansa sa malayo;
at kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging sudsod,
    at ang kanilang mga sibat upang maging karit;
ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa,
    ni magsasanay para sa pakikidigma.
Kundi(B) bawat isa'y uupo sa ilalim ng kanyang punong ubas at sa ilalim ng kanyang punong igos;
    at walang tatakot sa kanila;
    sapagkat sinalita ng bibig ng Panginoon ng mga hukbo.

Sapagkat ang lahat ng bayan ay lalakad
    bawat isa sa pangalan ng kanya-kanyang diyos,
ngunit tayo'y lalakad sa pangalan ng Panginoon nating Diyos
    magpakailanpaman.

Read full chapter