Add parallel Print Page Options

Dinggin ninyo ito, isinasamo ko sa inyo, ninyong mga pangulo sa sangbahayan ni Jacob, at mga pinuno sa sangbahayan ni Israel, na nangapopoot sa kahatulan, at nangagbabaluktot ng matuwid.

10 (A)Kanilang itinatayo ang Sion sa pamamagitan ng (B)dugo, at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kasamaan.

11 Ang mga pangulo niya'y nagsisihatol dahil sa (C)suhol, at ang mga saserdote, (D)niya'y nangagtuturo dahil sa upa, at ang mga propeta niya'y nanganghuhula dahil sa salapi: gayon ma'y sila'y (E)sasandal sa Panginoon, at mangagsasabi, Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang darating sa akin.

Read full chapter