Mikas 2
Magandang Balita Biblia
Sumpa sa mga Mapang-api
2 Kakila-kilabot ang mangyayari sa mga hindi na natutulog dahil sa pagbabalak ng kasamaan at maagang bumabangon upang agad itong isagawa sa sandaling magkaroon ng pagkakataon. 2 Kapag nagustuhan nila ang lupa ng may-lupa, kinakamkam nila ito. Inaapi nila ang mga tao sa pamamagitan ng pandaraya upang maalipin nila ang pamilya ng mga ito at masamsam ang kanilang mga ari-arian.
3 Kaya nga, sinasabi ni Yahweh, “Paparusahan ko ang sambahayang ito, at walang sinumang makakatakas dito. Hindi na kayo muling makapagmamataas pagkaraan ng araw ng inyong kapahamakan. 4 Sa araw na iyon ay kukutyain kayo ng inyong mga kaaway sa pamamagitan ng pag-awit tungkol sa inyong kasawian:
‘Ganap na kaming nawasak;
inalis na ni Yahweh ang aming karapatan sa mga lupaing bahagi ng aming sambahayan
at pinaghati-hati ang mga ito sa mga bumihag sa amin.’”
5 Kaya't kapag dumating na ang panahong ibabalik na ni Yahweh ang lupain sa kanyang bayan, wala na kayong bahagi dito.
6 Sasabihin nila, “Huwag kang magpahayag. Huwag mong ipahayag ang gayong mga bagay. Hindi kami ilalagay ng Diyos sa kahihiyan. 7 Sa palagay mo ba'y hinahatulan ang sambayanan ng Israel? Ubos na ba ang pasensiya ni Yahweh? Talaga bang magagawa niya iyon? Hindi ba't mabait siya sa mga gumagawa ng matuwid?”
8 Sumagot si Yahweh, “Subalit sinasalakay ninyo na parang kaaway ang aking bayan. Nagsisiuwi sila mula sa digmaan na ang akala'y ligtas sila sa kanilang bayan. Ngunit naroon pala kayo at naghihintay upang sila'y hubaran.
9 “Itinaboy ninyo ang mga kababaihan ng aking bayan mula sa kanilang mga tahanang pinagyayaman. Lubusan ninyong pinagkait ang aking pagpapala sa kanilang mga anak. 10 Maghanda kayo at umalis dito; hindi na ligtas ang dakong ito para sa inyo. Sinumpa na ng inyong mga kasalanan ang dakong ito at ito'y wawasakin.
11 “Ang gusto nilang propeta ay iyong nagpapahayag ng kasinungalingan at pandaraya at nagsasabing, ‘Sasagana kayo sa alak.’
12 “Gayunman, darating ang panahon na kayong mga naiwan sa Israel ay titipunin ko. Pagsasama-samahin ko kayo, tulad ng mga tupa sa kawan. Gaya ng pastulang puno ng mga tupa, ang inyong lupain ay mapupuno ng mga tao.”
13 Magbubukas ang Diyos ng daan para sa kanila at palalayain sila mula sa pagkabihag. Magtatakbuhan silang palabas sa mga pintuang lunsod at magiging malaya. Si Yahweh mismo na kanilang hari ang sa kanila'y mangunguna.
Mikas 2
Ang Biblia (1978)
Sa aba ng matatakaw na mapagpahirap.
2 Sa aba nila na humahaka ng kasamaan, at (A)nagsisigawa ng kasamaan sa kanilang mga higaan! pagliliwanag sa umaga, ay kanilang isinasagawa, sapagka't nasa kapangyarihan ng kanilang kamay.
2 At sila'y nangagiimbot ng mga bukid, (B)at kanilang inaangkin; at ng mga bahay, at inaalis: at kanilang pinipighati ang isang tao at ang kaniyang sangbahayan, ang tao, at ang kaniyang mana.
3 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, laban sa angkang ito ay humahaka (C)ako ng isang kasamaan na doo'y hindi ninyo maaalis ang inyong mga leeg, ni makalalakad man ng kahambugan; sapagka't isang masamang panahon.
4 Sa araw na yaon (D)ay magsisisambit sila ng (E)talinhaga laban sa inyo, at mangananaghoy ng kakilakilabot na panaghoy, at mangagsasabi, Kami ay lubos na nasira: kaniyang binabago ang bahagi ng aking bayan; ano't inilalayo niya sa akin! sa mga manghihimagsik kaniyang binahagi ang aming mga bukid.
5 Kaya't mawawalan ka na ng maghahagis ng (F)pisi na panukat sa pamamagitan ng sapalaran sa kapisanan ng Panginoon.
6 Huwag kayong manganghuhula, ganito sila nanganghuhula. Hindi sila manganghuhula sa mga ito: ang mga kakutyaan ay hindi mapapawi.
7 Sasabihin baga Oh sangbahayan ni Jacob, Ang Espiritu baga ng Panginoon ay nagipit? ang mga ito baga ang kaniyang mga gawa? Di baga ang aking mga salita ay nagsisigawa ng mabuti sa nagsisilakad ng matuwid?
8 Nguni't kamakailan na ang aking bayan ay bumangon na wari kaaway: inyong hinuhubad ang suot na kalakip ng balabal sa nagsisidaang tiwasay na parang mga lalaking nagsisipanggaling sa digma.
9 Ang mga babae ng aking bayan ay inyong pinalalayas sa kanilang mga masayang bahay; sa kanilang mga bata ay inyong inaalis ang aking kaluwalhatian magpakailan man.
10 Kayo'y magsibangon, at magsiyaon; sapagka't hindi ito (G)ang inyong kapahingahan; dahil sa karumihan na lumilipol sa makatuwid baga'y sa mahigpit na paggiba.
11 Kung ang isang taong lumalakad sa espiritu ng kabulaanan ay nagsisinungaling, na nagsasabi, Ako'y manghuhula sa iyo tungkol sa alak at matapang na inumin; (H)siya nga'y magiging propeta sa bayang ito.
12 Walang pagsalang aking pipisanin, Oh Jacob, ang lahat ng (I)iyo; aking pipisaning walang pagsala ang nalabi sa Israel: akin silang ilalagay na magkakasama na (J)parang mga tupa sa (K)Bosra, na parang kawan sa gitna ng pastulan sa kanila; sila'y magkakaingay ng di kawasa dahil sa karamihan ng tao.
13 Nangunguna sa kanila yaong nagbubukas ng daan: sila'y nagbukas ng daan at nagsidaan sa pintuang-bayan, at nagsilabas doon; at ang kanilang (L)hari ay nagpauna sa kanila, at ang Panginoon (M)sa unahan nila.
Micah 2
New International Version
Human Plans and God’s Plans
2 Woe to those who plan iniquity,
to those who plot evil(A) on their beds!(B)
At morning’s light they carry it out
because it is in their power to do it.
2 They covet fields(C) and seize them,(D)
and houses, and take them.
They defraud(E) people of their homes,
they rob them of their inheritance.(F)
3 Therefore, the Lord says:
“I am planning disaster(G) against this people,
from which you cannot save yourselves.
You will no longer walk proudly,(H)
for it will be a time of calamity.
4 In that day people will ridicule you;
they will taunt you with this mournful song:
‘We are utterly ruined;(I)
my people’s possession is divided up.(J)
He takes it from me!
He assigns our fields to traitors.’”
False Prophets
6 “Do not prophesy,” their prophets say.
“Do not prophesy about these things;
disgrace(M) will not overtake us.(N)”
7 You descendants of Jacob, should it be said,
“Does the Lord become[a] impatient?
Does he do such things?”
“Do not my words do good(O)
to the one whose ways are upright?(P)
8 Lately my people have risen up
like an enemy.
You strip off the rich robe
from those who pass by without a care,
like men returning from battle.
9 You drive the women of my people
from their pleasant homes.(Q)
You take away my blessing
from their children forever.
10 Get up, go away!
For this is not your resting place,(R)
because it is defiled,(S)
it is ruined, beyond all remedy.
11 If a liar and deceiver(T) comes and says,
‘I will prophesy for you plenty of wine and beer,’(U)
that would be just the prophet for this people!(V)
Deliverance Promised
12 “I will surely gather all of you, Jacob;
I will surely bring together the remnant(W) of Israel.
I will bring them together like sheep in a pen,
like a flock in its pasture;
the place will throng with people.(X)
13 The One who breaks open the way will go up before(Y) them;
they will break through the gate(Z) and go out.
Their King will pass through before them,
the Lord at their head.”
Footnotes
- Micah 2:7 Or Is the Spirit of the Lord
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

