Mikas 2:2-4
Ang Biblia (1978)
2 At sila'y nangagiimbot ng mga bukid, (A)at kanilang inaangkin; at ng mga bahay, at inaalis: at kanilang pinipighati ang isang tao at ang kaniyang sangbahayan, ang tao, at ang kaniyang mana.
3 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, laban sa angkang ito ay humahaka (B)ako ng isang kasamaan na doo'y hindi ninyo maaalis ang inyong mga leeg, ni makalalakad man ng kahambugan; sapagka't isang masamang panahon.
4 Sa araw na yaon (C)ay magsisisambit sila ng (D)talinhaga laban sa inyo, at mangananaghoy ng kakilakilabot na panaghoy, at mangagsasabi, Kami ay lubos na nasira: kaniyang binabago ang bahagi ng aking bayan; ano't inilalayo niya sa akin! sa mga manghihimagsik kaniyang binahagi ang aming mga bukid.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978