Mikas 7
Ang Biblia, 2001
Ang Pagkabulok ng Lipunan
7 Kahabag-habag ako! Sapagkat ako'y naging gaya
nang tipunin ang mga bunga sa tag-init,
gaya nang pulutin ang ubas sa ubasan,
walang kumpol na makakain
walang unang hinog na bunga ng igos na aking kinasabikan.
2 Ang mabuting tao ay namatay sa lupa,
at wala nang matuwid sa mga tao;
silang lahat ay nag-aabang upang magpadanak ng dugo;
hinuhuli ng bawat isa ang kanyang kapatid sa pamamagitan ng lambat.
3 Ang kanilang mga kamay ay nasa kasamaan upang sikaping isagawa;
ang pinuno at ang hukom ay humihingi ng suhol;
at ang dakilang tao ay nagsasalita ng masamang pagnanasa ng kanyang kaluluwa,
ganito nila ito pinagtatagni-tagni.
4 Ang pinakamahusay sa kanila ay parang dawag;
ang pinakamatuwid sa kanila ay gaya ng bakod na tinikan.
Ang araw ng kanilang mga bantay, ang araw ng kanilang kaparusahan ay dumating;
ngayo'y dumating na ang kanilang pagkalito.
5 Huwag kayong magtitiwala sa kapitbahay;
huwag kayong magtiwala sa kaibigan;
ingatan mo ang mga pintuan ng iyong bibig
sa kanya na humihiga sa iyong sinapupunan,
6 sapagkat(A) lalapastanganin ng anak na lalaki ang ama,
ang anak na babae ay titindig laban sa kanyang ina,
ang manugang na babae ay laban sa kanyang biyenang babae;
ang mga kaaway ng tao ay ang kanyang sariling kasambahay.
Ang Panginoon ay Magdadala ng Kaligtasan
7 Ngunit sa ganang akin, ako'y titingin sa Panginoon;
ako'y maghihintay sa Diyos ng aking kaligtasan;
papakinggan ako ng aking Diyos.
8 Huwag kang magalak laban sa akin, O aking kaaway;
kapag ako'y nabuwal, ako'y babangon;
kapag ako'y naupo sa kadiliman,
ang Panginoon ay magiging aking ilaw.
9 Aking papasanin ang galit ng Panginoon,
sapagkat ako'y nagkasala laban sa kanya,
hanggang sa kanyang ipagsanggalang ang aking usapin,
at lapatan ako ng hatol.
Kanyang ilalabas ako sa liwanag,
at aking mamasdan ang kanyang pagliligtas.
10 Kung magkagayo'y makikita ng aking kaaway,
at kahihiyan ang tatakip sa kanya na nagsabi sa akin,
“Nasaan ang Panginoon mong Diyos?”
Makikita ng aking mga mata ang nais ko sa kanya;
siya'y yayapakan
na parang putik sa mga lansangan.
11 Isang araw para sa pagtatayo ng iyong mga kuta!
Sa araw na iyon ay palalawakin ang iyong hangganan.
12 Sa araw na iyon ay pupunta sila sa iyo
mula sa Asiria at sa mga lunsod ng Ehipto,
at mula sa Ehipto hanggang sa Ilog,
at mula sa dagat hanggang sa dagat, at mula sa bundok hanggang sa bundok.
13 Ngunit masisira ang lupa
dahil sa kanila na naninirahan doon,
dahil sa bunga ng kanilang mga gawa.
Ang Pagkahabag ng Panginoon sa Israel
14 Pastulin mo ang iyong bayan sa pamamagitan ng iyong tungkod,
ang kawan na iyong mana,
na mag-isang naninirahan sa gubat
sa gitna ng mabungang lupain;
pakainin mo sila sa Basan at sa Gilead,
gaya ng mga araw noong una.
15 Gaya ng mga araw nang ikaw ay lumabas sa lupain ng Ehipto
ay pagpapakitaan ko sila ng mga kagila-gilalas na bagay.
16 Makikita ng mga bansa at mapapahiya
sa lahat nilang kapangyarihan;
kanilang ilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig,
ang kanilang mga tainga ay mabibingi.
17 Hihimurin nila ang alabok na parang ahas;
gaya ng gumagapang na mga hayop sa lupa;
sila'y lalabas na nanginginig mula sa kanilang mga kulungan;
sila'y lalapit na may takot sa Panginoon nating Diyos
at sila'y matatakot dahil sa iyo.
18 Sino ang Diyos na gaya mo, na nagpapatawad ng kasamaan,
at pinalalampas ang pagsuway ng nalabi sa kanyang mana?
Hindi niya pinananatili ang kanyang galit magpakailanman,
sapagkat siya'y nalulugod sa tapat na pag-ibig.
19 Siya'y muling mahahabag sa atin;
kanyang tatapakan ang ating kasamaan.
Kanyang ihahagis ang lahat nating kasalanan
sa mga kalaliman ng dagat.
20 Igawad mo ang katotohanan kay Jacob,
at tapat na pag-ibig kay Abraham,
na iyong isinumpa sa aming mga ninuno
mula pa nang unang panahon.
Micah 7
New International Version
Israel’s Misery
7 What misery is mine!
I am like one who gathers summer fruit
at the gleaning of the vineyard;
there is no cluster of grapes to eat,
none of the early figs(A) that I crave.
2 The faithful have been swept from the land;(B)
not one(C) upright person remains.
Everyone lies in wait(D) to shed blood;(E)
they hunt each other(F) with nets.(G)
3 Both hands are skilled in doing evil;(H)
the ruler demands gifts,
the judge accepts bribes,(I)
the powerful dictate what they desire—
they all conspire together.
4 The best of them is like a brier,(J)
the most upright worse than a thorn(K) hedge.
The day God visits you has come,
the day your watchmen sound the alarm.
Now is the time of your confusion.(L)
5 Do not trust a neighbor;
put no confidence in a friend.(M)
Even with the woman who lies in your embrace
guard the words of your lips.
6 For a son dishonors his father,
a daughter rises up against her mother,(N)
a daughter-in-law against her mother-in-law—
a man’s enemies are the members of his own household.(O)
7 But as for me, I watch(P) in hope(Q) for the Lord,
I wait for God my Savior;
my God will hear(R) me.
Israel Will Rise
8 Do not gloat over me,(S) my enemy!
Though I have fallen, I will rise.(T)
Though I sit in darkness,
the Lord will be my light.(U)
9 Because I have sinned against him,
I will bear the Lord’s wrath,(V)
until he pleads my case(W)
and upholds my cause.
He will bring me out into the light;(X)
I will see his righteousness.(Y)
10 Then my enemy will see it
and will be covered with shame,(Z)
she who said to me,
“Where is the Lord your God?”(AA)
My eyes will see her downfall;(AB)
even now she will be trampled(AC) underfoot
like mire in the streets.
11 The day for building your walls(AD) will come,
the day for extending your boundaries.
12 In that day people will come to you
from Assyria(AE) and the cities of Egypt,
even from Egypt to the Euphrates
and from sea to sea
and from mountain to mountain.(AF)
13 The earth will become desolate because of its inhabitants,
as the result of their deeds.(AG)
Prayer and Praise
14 Shepherd(AH) your people with your staff,(AI)
the flock of your inheritance,
which lives by itself in a forest,
in fertile pasturelands.[a](AJ)
Let them feed in Bashan(AK) and Gilead(AL)
as in days long ago.(AM)
15 “As in the days when you came out of Egypt,
I will show them my wonders.(AN)”
16 Nations will see and be ashamed,(AO)
deprived of all their power.
They will put their hands over their mouths(AP)
and their ears will become deaf.
17 They will lick dust(AQ) like a snake,
like creatures that crawl on the ground.
They will come trembling(AR) out of their dens;
they will turn in fear(AS) to the Lord our God
and will be afraid of you.
18 Who is a God(AT) like you,
who pardons sin(AU) and forgives(AV) the transgression
of the remnant(AW) of his inheritance?(AX)
You do not stay angry(AY) forever
but delight to show mercy.(AZ)
19 You will again have compassion on us;
you will tread our sins underfoot
and hurl all our iniquities(BA) into the depths of the sea.(BB)
20 You will be faithful to Jacob,
and show love to Abraham,(BC)
as you pledged on oath to our ancestors(BD)
in days long ago.(BE)
Footnotes
- Micah 7:14 Or in the middle of Carmel
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

