Add parallel Print Page Options

Ang Paratang ng Panginoon Laban sa mga Israelita

Sinabi ni Micas: Pakinggan ninyo ang sasabihin ng Panginoon sa inyo:

“Sige na, ilahad ninyo ang inyong kaso; iparinig ninyo sa mga bundok at mga burol[a] ang inyong sasabihin. At kayong mga bundok na matitibay na pundasyon ng mundo, pakinggan ninyo ang paratang ng Panginoon laban sa mga Israelita na kanyang mga mamamayan.”

Sinabi ng Panginoon, “Mga mamamayan ko, ano ang nagawa kong kasalanan sa inyo? Pinahirapan ko ba kayo? Sagutin ninyo ako.

Read full chapter

Footnotes

  1. 6:1 iparinig … burol: Ang mga bundok ay nagsisilbing mga saksi sa kaso.