Add parallel Print Page Options

Kaya ang mga mamamayan ng Israel ay ipapaubaya ng Panginoon sa kanilang mga kaaway hanggang sa maisilang ng babaeng namimilipit sa sakit[a] ang sanggol na lalaki na mamumuno sa Israel. Pagkatapos, ang mga kababayan ng pinunong ito na nabihag ng ibang bansa ay babalik sa kanilang mga kapwa Israelita. Pamamahalaan niya ang mga mamamayan ng Israel sa pamamagitan ng lakas at kapangyarihan ng Panginoon. Ang katulad niyaʼy isang pastol na nagbabantay ng kanyang kawan. Kaya mamumuhay sila nang mapayapa dahil kikilalanin ng mga tao sa buong mundo[b] ang kanyang kadakilaan. Bibigyan niya ng mabuting kalagayan[c] ang kanyang mga mamamayan.

Kalayaan at Kapahamakan

Kapag sinalakay ng mga taga-Asiria ang ating bansa at pasukin ang matitibay na bahagi ng ating lungsod, lalabanan natin sila sa pangunguna ng ating mga mahuhusay na pinuno.

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:3 babaeng namimilipit sa sakit: Maaaring ang tinutukoy ay ang Jerusalem (tingnan sa 4:9-10). Sa panahong pinamumunuan ng mga kalaban ang mga Israelita, ipinanganak ang kanilang pinuno na magliligtas sa kanila.
  2. 5:4 buong mundo: sa literal, pinakadulo ng mundo.
  3. 5:5 mabuting kalagayan: Ang salitang Hebreo nito ay “shalom” na ang ibig sabihin ay kapayapaan, kaunlaran, mabuting relasyon, kagalakan at tagumpay.