Add parallel Print Page Options

Ang Ipinangakong Pinuno mula sa Betlehem

Sinabi ng Panginoon, “Betlehem Efrata, kahit na isa ka sa pinakamaliit[a] na bayan sa Juda, manggagaling sa iyo ang taong maglilingkod sa akin bilang pinuno ng Israel. Ang kanyang mga ninuno ay kilalang-kilala noong unang panahon.”

Kaya ang mga mamamayan ng Israel ay ipapaubaya ng Panginoon sa kanilang mga kaaway hanggang sa maisilang ng babaeng namimilipit sa sakit[b] ang sanggol na lalaki na mamumuno sa Israel. Pagkatapos, ang mga kababayan ng pinunong ito na nabihag ng ibang bansa ay babalik sa kanilang mga kapwa Israelita. Pamamahalaan niya ang mga mamamayan ng Israel sa pamamagitan ng lakas at kapangyarihan ng Panginoon. Ang katulad niyaʼy isang pastol na nagbabantay ng kanyang kawan. Kaya mamumuhay sila nang mapayapa dahil kikilalanin ng mga tao sa buong mundo[c] ang kanyang kadakilaan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:2 pinakamaliit: o, pinakaaba.
  2. 5:3 babaeng namimilipit sa sakit: Maaaring ang tinutukoy ay ang Jerusalem (tingnan sa 4:9-10). Sa panahong pinamumunuan ng mga kalaban ang mga Israelita, ipinanganak ang kanilang pinuno na magliligtas sa kanila.
  3. 5:4 buong mundo: sa literal, pinakadulo ng mundo.