Font Size
Micas 4:8-10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Micas 4:8-10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
8 Ang Zion, na katulad ng mataas na bantayang tore ng mga hayop,[a] ay magiging makapangyarihang muli. Ang bayan na ito, na tinatawag ding Jerusalem ay mangungunang muli sa lahat ng bayan ng Israel katulad noon.
9-10 “Mga mamamayan ng Zion, bakit kayo dumaraing na parang babaeng manganganak na? Nandiyan pa naman ang inyong mga hari, at buhay pa ang kanyang mga tagapayo. Sige, mamilipit kayo sa sakit na parang babaeng manganganak na, dahil hindi magtatagal ay lilisanin nʼyo ang inyong lungsod at maninirahan kayo sa kaparangan, at pagkatapos ay dadalhin kayo sa Babilonia. Pero ililigtas ko kayo doon mula sa inyong mga kalaban.
Read full chapterFootnotes
- 4:8 katulad … hayop: Maaaring ang ibig sabihin, ang Zion ang siyang lugar kung saan nagbabantay ang Dios sa kanyang mga mamamayan katulad ng isang pastol na nagbabantay sa kanyang mga hayop.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®