Add parallel Print Page Options

Ang kapanglawan ng Sion ay nagmumula sa Panginoon.

(A)Ano't tinakpan ng Panginoon ang anak na babae ng Sion ng alapaap sa kaniyang galit!
(B)Kaniyang inihagis mula sa langit hanggang sa lupa (C)ang kagandahan ng Israel,
At hindi inalaala ang kaniyang (D)tungtungan ng paa sa kaarawan ng kaniyang galit.
Nilamon ng Panginoon ang lahat na tahanan ng Jacob, at siya'y hindi naawa:
Kanyang ibinagsak sa kaniyang poot ang mga katibayan ng anak na babae ng Juda;
Kaniyang inilugmok ang mga yaon sa lupa: (E)kaniyang ipinahamak ang kaharian at ang mga prinsipe niyaon.
Kaniyang inihiwalay sa pamamagitan ng mabangis na galit ang buong (F)sungay ng Israel;
(G)Kaniyang iniurong ang kaniyang kanang kamay sa harap ng kaaway:
At kaniyang sinilaban ang Jacob na parang maalab na apoy, na namumugnaw sa palibot.
Kaniyang iniakma ang kaniyang busog na parang kaaway, (H)kaniyang iniyamba ang kaniyang kanan na parang kalaban,
At pinatay ang lahat na maligaya sa mata:
Sa tolda ng anak na babae ng Sion ay kaniyang ibinuhos ang kaniyang kapusukan na parang apoy.
Ang Panginoon ay naging parang kaaway, kaniyang nilamon ang Israel;
Kaniyang nilamon ang lahat niyang palacio, kaniyang iginiba ang kaniyang mga katibayan;
At kaniyang pinarami sa anak na babae ng Juda ang panangis at panaghoy.
At (I)kaniyang inalis na may karahasan ang tabernakulo niya na gaya ng nasa halamanan; kaniyang sinira ang kaniyang (J)mga dako ng kapulungan:
Ipinalimot ng Panginoon ang takdang kapulungan at (K)sabbath sa Sion,
At (L)hinamak sa pagiinit ng kaniyang galit ang hari at ang saserdote.
Iniwasak ng Panginoon ang kaniyang dambana, kaniyang kinayamutan ang kaniyang santuario;
Kaniyang ibinigay sa kamay ng kaaway ang mga pader ng kaniyang mga palacio:
(M)Sila'y nangagingay sa bahay ng Panginoon, na parang kaarawan ng takdang kapulungan.
Ipinasiya ng Panginoon na gibain ang kuta ng anak na babae ng Sion;
(N)Kaniyang iniladlad ang lubid, hindi niya iniurong ang kaniyang kamay sa paggiba:
At kaniyang pinapanaghoy ang moog at ang kuta; (O)nanganglulupaypay kapuwa.
Ang kaniyang mga pintuangbayan ay nangabaon sa lupa; kaniyang giniba at nasira ang kaniyang mga halang:
(P)Ang kaniyang hari at ang kaniyang mga prinsipe ay nangasa gitna ng mga bansa na (Q)hindi kinaroroonan ng kautusan;
Oo, (R)ang kaniyang mga propeta ay hindi nangakakasumpong ng pangitaing mula sa Panginoon.
10 Ang mga matanda ng anak na babae ng Sion ay nangauupo sa lupa, (S)sila'y nagsisitahimik;
(T)Sila'y nangagsabog ng alabok sa kanilang mga ulo; sila'y nangagbigkis ng kayong magaspang:
Itinungo ng mga dalaga sa Jerusalem ang kanilang mga ulo sa lupa.
11 Pinangangalumata ng mga luha ang aking mga mata, namamanglaw ang aking puso,
Ako'y lubhang nahahapis, (U)dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan,
Dahil sa ang mga bata at ang mga pasusuhin ay nanganglulupaypay sa mga langsangan ng bayan.
12 Kanilang sinasabi sa kanilang mga ina,
Saan nandoon ang trigo at alak?
Pagka sila'y nanganglulupaypay na parang sugatan sa mga lansangan sa bayan,
Pagka ang kanilang kaluluwa ay nanglulupaypay sa kandungan ng kanilang mga ina.
13 Ano ang aking patototohanan sa iyo? (V)sa ano kita iwawangis, Oh anak na babae ng Jerusalem?
Ano ang ihahalintulad ko sa iyo, upang maaliw kita, Oh anak na dalaga ng Sion?
Sapagka't ang iyong sira ay (W)malaking parang dagat: sinong makapagpapagaling sa iyo?
14 Ang iyong mga propeta ay (X)nakakita para sa iyo ng mga pangitain na walang kabuluhan at kamangmangan;
At hindi nila (Y)inilitaw ang iyong kasamaan, (Z)upang bawiin ang iyong pagkabihag,
Kundi nakarinig para sa iyo ng mga hulang (AA)walang kabuluhan at mga kadahilanan ng pagkatapon.
15 Lahat na nangagdaraan ay (AB)ipinapakpak ang kanilang kamay sa iyo;
Sila'y nagsisisutsot at iginagalaw ang kanilang ulo sa anak na babae ng Jerusalem, na sinasabi,
Ito baga ang bayan na tinatawag ng mga tao (AC)Ang kasakdalan ng kagandahan, Ang kagalakan ng buong lupa?
16 Ibinukang maluwang ng (AD)lahat mong kaaway ang kanilang bibig laban sa iyo:
Sila'y nagsisisutsot at nagsisipagngalit ng ngipin; kanilang sinasabi, Aming nilamon siya;
Tunay na ito ang kaarawan na aming hinihintay; aming nasumpungan, (AE)aming nakita.
17 Ginawa ng Panginoon ang (AF)kaniyang ipinasiya; kaniyang tinupad ang kaniyang salita na kaniyang iniutos (AG)nang mga kaarawan nang una;
Kaniyang ibinagsak, at hindi naawa:
At kaniyang pinapagkatuwa sa iyo ang kaaway; kaniyang pinataas ang (AH)sungay ng iyong mga kalaban.
18 Ang kanilang puso ay nagsisidaing sa Panginoon:
(AI)Oh kuta ng anak na babae ng Sion, dumaloy ang mga luha na parang ilog araw at gabi;
Huwag kang magpahinga; huwag maglikat (AJ)ang itim ng iyong mata.
19 Bumangon ka, humiyaw ka sa gabi, sa pasimula ng (AK)mga pagpupuyat;
(AL)Ibuhos mo ang iyong puso na parang tubig sa harap ng mukha ng Panginoon:
Igawad mo ang iyong mga kamay sa kaniya dahil sa buhay ng (AM)iyong mga batang anak, na nanglulupaypay sa gutom sa dulo ng lahat na lansangan.
20 Tingnan mo, Oh Panginoon, at masdan mo, kung kanino mo ginawa ang ganito!
(AN)Kakanin baga ng mga babae ang kanilang ipinanganak, ang mga anak na kinakalong sa mga kamay?
Papatayin baga ang saserdote at ang propeta sa santuario ng Panginoon?
21 Ang binata at ang matanda ay humihiga (AO)sa lupa sa mga lansangan;
Ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay nangabuwal sa tabak:
Iyong pinatay sila sa kaarawan ng iyong galit; (AP)iyong pinatay at hindi ka naawa.
22 Tinawag mo, gaya ng sa kaarawan ng takdang kapulungan, ang aking mga kakilabutan ay sa bawa't dako;
At walang nakatanan, o nalabi sa kaarawan ng galit ng Panginoon:
Yaong aking mga kinalong at pinalaki ay nilipol ng aking kaaway.

Sa galit ng Panginoon, tinakpan niya ng makapal na ulap ang Jerusalem.[a] Ibinagsak niya ang karangalan ng Israel, na parang itinapon mula sa langit papunta sa lupa. At dahil sa kanyang galit, pinabayaan niya ang kanyang templo sa Jerusalem. Walang awa rin niyang sinira ang lahat ng tahanan sa Israel. Sa galit niyaʼy giniba niya ang mga pader na nakapalibot sa Jerusalem. Ibinagsak niya at inilagay sa kahihiyan ang kaharian pati na ang mga pinuno nito. Sa tindi ng kanyang poot, inalis niya ang lahat ng kapangyarihan ng Israel. Hindi niya ito tinulungan nang salakayin ng mga kaaway. Para siyang apoy na tumutupok sa mga lahi ng Israel at sa lahat ng bagay sa paligid nito.

Iniumang niya ang kanyang pana sa mga mamamayan niyang naging parang mga kaaway niya. Pinatay ang lahat ng ipinagmamalaki nitong mga mamamayan. Ibinuhos na parang apoy ang kanyang matinding galit sa mga mamamayan ng Jerusalem. Winasak ng Panginoon ang Israel na parang isang kaaway. Sinira niya ang lahat ng mga pader sa bayan at mga palasyo. Dinagdagan ang kanilang pagdadalamhati at pag-iyak. Winasak niya ang templo na parang isang halamanan lang. Binura niya sa alaala ng mga taga-Jerusalem ang itinakdang mga pista at ang Araw ng Pamamahinga. Sa kanyang matinding galit, itinakwil niya ang hari at pari. Itinakwil din ng Panginoon ang kanyang altar at templo. Ipinagiba sa kamay ng mga kaaway ang mga pader nito at nagsigawan ang mga ito sa templo ng Panginoon na parang nagdaraos ng pista.

Nagpasya ang Panginoon na ipagiba ang mga pader na nakapalibot sa lungsod ng Jerusalem. Plinanong mabuti ang paggiba at hindi pinigilan ang sarili na gawin iyon. Kaya nagiba nga ang mga pader na bumabakod doon. Bumagsak sa lupa ang mga pintuang bayan ng Jerusalem. Sinira at binali ng Panginoon ang mga saraduhan nito. Binihag ang hari at mga pinuno at dinala sa malayong mga bansa. Hindi na rin itinuturo ang kautusan at wala na ring mensahe o pangitain ang Panginoon sa kanyang mga propeta. 10 Ang mga tagapamahala ng Jerusalem ay tahimik na nakaupo sa lupa, naglagay ng abo sa ulo at nagdamit ng sako para ipakita ang kanilang pagdadalamhati. At ang mga dalaga sa Jerusalem ay nakayuko sa lupa dahil sa hiya. 11 Namugto ang mga mata ko sa kaiiyak. Labis na nababagabag at parang sasabog na ang dibdib ko sa kapahamakang sinapit ng aking mga kalahi. Nawalan ng malay sa mga lansangan ang mga bata at mga sanggol. 12 Umiiyak silaʼt humihingi ng pagkain at maiinom sa kanilang mga ina. Nawalan sila ng malay tulad ng mga sugatang sundalo sa mga lansangan ng lungsod hanggang sa unti-unting mamatay sa kanlungan ng kanilang ina. 13 O Jerusalem,[b] ano pa bang masasabi ko sa iyo? Saan pa ba kita maihahambing? Kasinlalim ng dagat ang sugat mo. Paano kita maaaliw? Sino ang makapagpapagaling sa iyo? 14 Ang pangitaing nakita ng iyong mga propeta ay hindi totoo, walang kabuluhan at mapanlinlang. Ang mga kasalanan moʼy hindi nila inihayag sa iyo upang hindi kayo mabihag.

15 Ang lahat ng dumadaaʼy pumapalakpak, sumusutsot at nangungutya. Sinasabi nila, “Ito ba ang lungsod na sinasabing ‘Pinakamaganda at kagalakan ng buong mundo?’ ” 16 Kinukutya ka ng lahat ng kaaway mo. Sumusutsot at pinangangalit ang mga ngipin nila at sinabi, “Tuluyan na nating nawasak ang Jerusalem! Ito na ang araw na ating pinakahihintay. At ngayon ngaʼy nakita na natin ito!”

17 Ginawa ng Panginoon ang kanyang plano. Tinupad niya ang sinabi niya noon. Walang awa ka niyang giniba, O Jerusalem! Binigyan niya ng kagalakan ang mga kaaway mo at hinayaan silang ipagyabang ang kanilang kapangyarihan. 18 Mga taga-Jerusalem, tumawag kayo sa Panginoon. Umiyak kayo araw at gabi at paagusin ang inyong mga luha na parang ilog. Huwag kayong tumigil sa pag-iyak. 19 Bumangon kayo sa gabi at humingi ng tulong sa Panginoon. Ibuhos ninyo sa kanya ang laman ng inyong mga puso, na para kayong nagbubuhos ng tubig. Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa pananalangin para sa inyong mga anak na nawawalan ng malay sa mga lansangan dahil sa gutom.

20 Masdan nʼyo po kami Panginoon. Isipin nʼyo kung sino ang pinaparusahan nʼyo ng ganito. Dahil sa labis na pagkagutom, kinain ng mga ina ang mga anak nila na kanilang inaalagaan. Ang mga pari at ang mga propeta ay pinapatay sa inyong templo. 21 Nakahambalang sa mga lansangan ang mga bangkay ng mga bata at matatanda. Namamatay sa digmaan ang mga kabataang lalaki at babae. Sa inyong galit, walang habag nʼyo silang pinatay. 22 Niyaya nʼyo ang mga kaaway para kabi-kabilang salakayin ako, para kayong nagyayaya sa kanila sa handaan. Sa araw na iyon na ibinuhos nʼyo ang inyong galit, walang nakatakas o natirang buhay. Pinatay ng aking mga kaaway ang aking mga anak na isinilang at pinalaki.

Footnotes

  1. 2:1 Jerusalem: sa Hebreo, anak na babae ng Zion.
  2. 2:13 O Jerusalem: sa Hebreo, anak na babae ng Jerusalem … birhen na anak na babae ng Zion.

[a]How the Lord has covered Daughter Zion
    with the cloud of his anger[b]!(A)
He has hurled down the splendor of Israel
    from heaven to earth;
he has not remembered his footstool(B)
    in the day of his anger.(C)

Without pity(D) the Lord has swallowed(E) up
    all the dwellings of Jacob;
in his wrath he has torn down
    the strongholds(F) of Daughter Judah.
He has brought her kingdom and its princes
    down to the ground(G) in dishonor.

In fierce anger he has cut off
    every horn[c][d](H) of Israel.
He has withdrawn his right hand(I)
    at the approach of the enemy.
He has burned in Jacob like a flaming fire
    that consumes everything around it.(J)

Like an enemy he has strung his bow;(K)
    his right hand is ready.
Like a foe he has slain
    all who were pleasing to the eye;(L)
he has poured out his wrath(M) like fire(N)
    on the tent(O) of Daughter Zion.

The Lord is like an enemy;(P)
    he has swallowed up Israel.
He has swallowed up all her palaces
    and destroyed her strongholds.(Q)
He has multiplied mourning and lamentation(R)
    for Daughter Judah.(S)

He has laid waste his dwelling like a garden;
    he has destroyed(T) his place of meeting.(U)
The Lord has made Zion forget
    her appointed festivals and her Sabbaths;(V)
in his fierce anger he has spurned
    both king and priest.(W)

The Lord has rejected his altar
    and abandoned his sanctuary.(X)
He has given the walls of her palaces(Y)
    into the hands of the enemy;
they have raised a shout in the house of the Lord
    as on the day of an appointed festival.(Z)

The Lord determined to tear down
    the wall around Daughter Zion.(AA)
He stretched out a measuring line(AB)
    and did not withhold his hand from destroying.
He made ramparts(AC) and walls lament;
    together they wasted away.(AD)

Her gates(AE) have sunk into the ground;
    their bars(AF) he has broken and destroyed.
Her king and her princes are exiled(AG) among the nations,
    the law(AH) is no more,
and her prophets(AI) no longer find
    visions(AJ) from the Lord.

10 The elders of Daughter Zion
    sit on the ground in silence;(AK)
they have sprinkled dust(AL) on their heads(AM)
    and put on sackcloth.(AN)
The young women of Jerusalem
    have bowed their heads to the ground.(AO)

11 My eyes fail from weeping,(AP)
    I am in torment within(AQ);
my heart(AR) is poured out(AS) on the ground
    because my people are destroyed,(AT)
because children and infants faint(AU)
    in the streets of the city.

12 They say to their mothers,
    “Where is bread and wine?”(AV)
as they faint like the wounded
    in the streets of the city,
as their lives ebb away(AW)
    in their mothers’ arms.(AX)

13 What can I say for you?(AY)
    With what can I compare you,
    Daughter(AZ) Jerusalem?
To what can I liken you,
    that I may comfort you,
    Virgin Daughter Zion?(BA)
Your wound is as deep as the sea.(BB)
    Who can heal you?

14 The visions of your prophets
    were false(BC) and worthless;
they did not expose your sin
    to ward off your captivity.(BD)
The prophecies they gave you
    were false and misleading.(BE)

15 All who pass your way
    clap their hands at you;(BF)
they scoff(BG) and shake their heads(BH)
    at Daughter Jerusalem:(BI)
“Is this the city that was called
    the perfection of beauty,(BJ)
    the joy of the whole earth?”(BK)

16 All your enemies open their mouths
    wide against you;(BL)
they scoff and gnash their teeth(BM)
    and say, “We have swallowed her up.(BN)
This is the day we have waited for;
    we have lived to see it.”(BO)

17 The Lord has done what he planned;
    he has fulfilled(BP) his word,
    which he decreed long ago.(BQ)
He has overthrown you without pity,(BR)
    he has let the enemy gloat over you,(BS)
    he has exalted the horn[e] of your foes.(BT)

18 The hearts of the people
    cry out to the Lord.(BU)
You walls of Daughter Zion,(BV)
    let your tears(BW) flow like a river
    day and night;(BX)
give yourself no relief,
    your eyes no rest.(BY)

19 Arise, cry out in the night,
    as the watches of the night begin;
pour out your heart(BZ) like water
    in the presence of the Lord.(CA)
Lift up your hands(CB) to him
    for the lives of your children,
who faint(CC) from hunger
    at every street corner.

20 “Look, Lord, and consider:
    Whom have you ever treated like this?
Should women eat their offspring,(CD)
    the children they have cared for?(CE)
Should priest and prophet be killed(CF)
    in the sanctuary of the Lord?(CG)

21 “Young and old lie together
    in the dust of the streets;
my young men and young women
    have fallen by the sword.(CH)
You have slain them in the day of your anger;
    you have slaughtered them without pity.(CI)

22 “As you summon to a feast day,
    so you summoned against me terrors(CJ) on every side.
In the day of the Lord’s anger
    no one escaped(CK) or survived;
those I cared for and reared(CL)
    my enemy has destroyed.”

Footnotes

  1. Lamentations 2:1 This chapter is an acrostic poem, the verses of which begin with the successive letters of the Hebrew alphabet.
  2. Lamentations 2:1 Or How the Lord in his anger / has treated Daughter Zion with contempt
  3. Lamentations 2:3 Or off / all the strength; or every king
  4. Lamentations 2:3 Horn here symbolizes strength.
  5. Lamentations 2:17 Horn here symbolizes strength.