Add parallel Print Page Options

Naaalaala ng Jerusalem sa kaarawan ng kaniyang pagdadalamhati at ng kaniyang mga karalitaan ang lahat niyang naging maligayang bagay ng mga kaarawan nang una:
Nang mahulog ang kaniyang bayan sa kamay ng kalaban, at walang sumaklolo sa kaniya,
Nakita siya ng mga kalaban, tinuya nila ang kaniyang mga pagkasira.
Ang Jerusalem ay lubhang nagkasala; kaya't siya'y naging parang maruming bagay;
Lahat ng nangagparangal sa kaniya ay humahamak sa kaniya, sapagka't (A)kanilang nakita ang kaniyang kahubaran:
Oo, siya'y nagbubuntong-hininga, at tumatalikod.
Ang kaniyang karumihan ay nasa kaniyang mga laylayan; (B)hindi niya naalaala ang kaniyang huling wakas;
Kaya't siya'y nababa ng katakataka; siya'y walang mangaaliw;
Masdan mo, Oh Panginoon, ang aking pagdadalamhati; sapagka't ang kaaway ay nagmalaki.

Read full chapter