Add parallel Print Page Options

Mga Pang-akit ng Pangangalunya

Anak ko, ang mga salita ko'y iyong ingatan,
    at ang aking mga utos ay iyong pahalagahan.
Sundin mo ang aking mga utos at mabubuhay ka;
    ingatan mo ang aking aral na parang itim ng iyong mata.
Sa iyong mga daliri ay iyong itali,
    sa ibabaw ng iyong puso ay isulat mo.
Sabihin mo sa karunungan, “Ikaw ay aking kapatid na babae,”
    at tawagin mong kamag-anak ang kaunawaan;
upang maingatan ka mula sa babaing masama,
    sa babaing mapangalunya na may matatamis na salita.

Sapagkat sa bintana ng aking bahay
    ay tumingin ako sa aking dungawan,
at ako'y tumingin sa mga walang muwang,
    ako'y nagmasid sa mga kabataan,
    may isang kabataang walang katinuan,
na dumaraan sa lansangan na malapit sa kanyang panulukan,
    at siya'y humayo sa daan na patungo sa kanyang bahay,
sa pagtatakipsilim, sa kinagabihan,
    sa oras ng gabi at kadiliman.

10 At, narito, siya'y sinalubong ng isang babae,
    na nakagayak tulad ng isang upahang babae, at tuso sa puso.
11 Siya'y matigas ang ulo at maingay,
    ang kanyang mga paa ay hindi tumitigil sa bahay;
12 ngayo'y nasa mga lansangan, mamaya'y nasa pamilihan,
    at siya'y nag-aabang sa bawat panulukan.
13 Sa gayo'y hinahawakan niya ang lalaki[a] at hinahagkan siya,
    at may mukhang walang hiya na nagsasabi sa kanya,
14 “Kailangan kong mag-alay ng mga handog-pangkapayapaan,
    sa araw na ito ang mga panata ko'y aking nagampanan.
15 Kaya't lumabas ako upang salubungin ka,
    masigasig kong hinanap ang iyong mukha, at natagpuan kita.
16 Ginayakan ko ng mga panlatag ang higaan ko,
    na yari sa kinulayang lino mula sa Ehipto.
17 At aking pinabanguhan ang aking kama,
    ng mira, aloe, at kanela.
18 Halika, magpakabusog tayo sa pag-ibig hanggang sa kinaumagahan;
    magpakasaya tayo sa paglalambingan.
19 Sapagkat ang aking asawa ay wala sa bahay,
    sa malayong lugar siya'y naglakbay;
20 siya'y nagdala ng isang supot ng salapi;
    sa kabilugan ng buwan pa siya uuwi.”

21 Sa maraming mapanuksong salita kanyang nahikayat siya,
    sa malumanay niyang labi siya'y kanyang nahila.
22 Pagdaka ay sumusunod siya sa kanya,[b]
    gaya ng toro na sa katayan pupunta,
o gaya ng isang nasisilong usa,[c]
23 hanggang sa ang isang palaso'y sa bituka niya tumagos,
gaya ng ibong sa bitag ay humahangos;
    na hindi nalalamang kanyang buhay ay matatapos.

24 Ngayon nga, mga anak, dinggin ninyo ako,
    sa mga salita ng aking bibig ay makinig kayo.
25 Huwag ibaling ang iyong puso sa kanyang mga lakad,
    huwag kang maliligaw sa kanyang mga landas.
26 Sapagkat napakarami na niyang itinumba,
    oo, lubhang marami na siyang naging biktima.
27 Daang patungo sa Sheol ang kanyang bahay,
    pababa sa mga silid ng kamatayan.

Footnotes

  1. Mga Kawikaan 7:13 Sa Hebreo ay siya .
  2. Mga Kawikaan 7:22 o sa babae .
  3. Mga Kawikaan 7:22 Di-tiyak ang kahulugan sa Hebreo.

Anak, sundin mo ang mga sinasabi ko sa iyo. Itanim mo ito sa iyong isipan at sundin ang mga iniuutos ko, upang humaba ang buhay mo. Ingatan mong mabuti ang mga itinuturo ko katulad ng pag-iingat mo sa mga mata mo. Itanim mo sa iyong isipan upang hindi mo makalimutan. Ituring mo na parang kapatid na babae ang karunungan at ang pang-unawa na parang isang malapit na kaibigan. Sapagkat ilalayo ka nito sa masamang babaeng nakakaakit ang pananalita.

Ang Masamang Babae

Minsan dumungaw ako sa bintana ng aming bahay. Nakakita ako ng mga kabataang lalaki na wala pang muwang sa buhay. Isa sa kanila ay talagang mangmang. Lumalakad siya patungo sa kanto kung saan naroroon ang bahay ng isang masamang babae. Takip-silim na noon at malapit nang dumilim. 10 Sinalubong siya ng isang babae na ang suot ay katulad ng suot ng isang babaeng bayaran. Nakapagplano na siya ng gagawin sa lalaking iyon. 11 Maingay siya at hindi mahiyain. Hindi siya nananatili sa bahay. 12 Madalas siyang makita sa mga lansangan, mga kanto at mga plasa. 13 Paglapit ng lalaki ay agad niya itong hinalikan at hindi nahiyang sinabi, 14 “Tinupad ko na ang pangako kong maghandog, at may mga sobrang karne doon sa bahay na mula sa aking inihandog. 15 Kaya hinanap kita at mabuti naman nakita kita. 16 Sinapinan ko na ang aking higaan ng makulay na telang galing pa sa Egipto. 17 Nilagyan ko iyon ng pabangong mira, aloe, at sinamon. 18 Kaya halika na, doon tayo magpakaligaya hanggang umaga, 19 dahil wala rito ang asawa ko. Naglakbay siya sa malayo. 20 Marami siyang dalang pera at dalawang linggo pa bago siya bumalik.”

21 Kaya naakit niya ang lalaki sa pamamagitan ng kanyang matatamis at nakakaakit na pananalita. 22 Sumunod agad ang lalaki na parang bakang hinihila papunta sa katayan, o tulad ng isang usa[a] na patungo sa bitag, 23 at dooʼy papanain siya na tatagos sa kanyang puso. Para din siyang isang ibon na nagmamadali papunta sa bitag ng kamatayan, ngunit hindi niya ito nalalaman.

24 Kaya mga anak, pakinggan ninyong mabuti ang aking mga sinasabi. 25 Huwag kayong paaakit sa ganyang uri ng babae at huwag ninyong hayaan na kayoʼy kanyang iligaw. 26 Marami na ang mga lalaking napahamak dahil sa kanya. 27 Kapag pumunta kayo sa bahay niya, para na rin kayong pumunta sa daigdig ng mga patay.

Footnotes

  1. 7:22 usa: Ito ang nasa tekstong Syriac. Sa Hebreo, mangmang.

Anak ko ingatan mo ang aking mga salita, at impukin mo sa iyo ang aking mga utos.

Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; at ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata.

Itali mo sa iyong mga daliri; ikintal mo sa iyong puso.

Sabihin mo sa karunungan, Ikaw ay aking kapatid na babae; at tawagin mong iyong kamaganak na babae ang unawa:

Upang kanilang maingatan ka sa babaing masama; sa babaing di kilala na nagtatabil ng kaniyang mga salita.

Sapagka't sa dungawan ng aking bahay tumitingin ako sa aking solihia;

At ako'y tumingin sa mga musmos, ako'y nagmasid sa mga may kabataan, sa may kabataang walang bait,

Na dumaraan sa lansangan na malapit sa kaniyang sulok, at siya'y yumaon sa daan na patungo sa kaniyang bahay;

Sa pagtatakip silim, sa kinagabihan ng araw, sa kalahatian ng gabi, at sa kadiliman.

10 At, narito, doo'y nasalubong niya ang isang babae na nakagayak ng tila isang patutot, at tuso sa puso.

11 Siya'y madaldal at matigas ang ulo; ang kaniyang mga paa ay hindi nagsisitahan sa kaniyang bahay:

12 Ngayo'y nasa mga lansangan siya, mamaya'y nasa mga luwal na dako siya, at nagaabang sa bawa't sulok,

13 Sa gayo'y hinahawakan niya siya at hinahagkan siya, at may mukhang walang hiya na nagsasabi siya sa kaniya:

14 Mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay sa akin; sa araw na ito ay tinupad ko ang aking mga panata.

15 Kaya't lumabas ako upang salubungin ka, hinanap kong masikap ang iyong mukha, at nasumpungan kita.

16 Aking inilatag ang aking higaan na may mga coltsong may burda, na yari sa guhitguhit na kayong lana sa Egipto.

17 At aking pinabanguhan ang aking higaan ng mira, mga oleo, at sinamomo.

18 Parito ka, tayo'y magpakasiya sa pagsisintahan hanggang sa kinaumagahan; magpakasaya tayo sa mga pagsisintahan.

19 Sapagka't ang lalake ay wala sa bahay, siya'y naglakbay sa malayo:

20 Siya'y nagdala ng supot ng salapi; siya'y uuwi sa bahay sa kabilugan ng buwan.

21 Kaniyang pinasusuko siya ng karamihan ng kaniyang mga matamis na salita, hinihila niya siya ng katabilan ng kaniyang mga labi.

22 Pagdaka ay sumusunod siya sa kaniya, gaya ng toro na naparoroon sa patayan, O gaya ng sa mga tanikala sa sawayan sa mangmang;

23 Hanggang sa lagpasan ng isang palaso ang kaniyang atay; gaya ng ibong nagmamadali sa bitag, at hindi nakakaalam na yao'y sa kaniyang buhay.

24 Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, at makinig kayo ng mga salita ng aking bibig.

25 Huwag humilig ang iyong puso sa kaniyang mga lakad, huwag kang lumiko sa kaniyang mga landas.

26 Sapagka't kaniyang inihiga ang maraming may sugat: Oo, lahat niyang pinatay ay isang makapangyarihang hukbo.

27 Ang kaniyang bahay ay daang patungo sa Sheol. Pababa sa mga silid ng kamatayan.

Warning Against the Adulterous Woman

My son,(A) keep my words
    and store up my commands within you.
Keep my commands and you will live;(B)
    guard my teachings as the apple of your eye.
Bind them on your fingers;
    write them on the tablet of your heart.(C)
Say to wisdom, “You are my sister,”
    and to insight, “You are my relative.”
They will keep you from the adulterous woman,
    from the wayward woman with her seductive words.(D)

At the window of my house
    I looked down through the lattice.
I saw among the simple,
    I noticed among the young men,
    a youth who had no sense.(E)
He was going down the street near her corner,
    walking along in the direction of her house
at twilight,(F) as the day was fading,
    as the dark of night set in.

10 Then out came a woman to meet him,
    dressed like a prostitute and with crafty intent.
11 (She is unruly(G) and defiant,
    her feet never stay at home;
12 now in the street, now in the squares,
    at every corner she lurks.)(H)
13 She took hold of him(I) and kissed him
    and with a brazen face she said:(J)

14 “Today I fulfilled my vows,
    and I have food from my fellowship offering(K) at home.
15 So I came out to meet you;
    I looked for you and have found you!
16 I have covered my bed
    with colored linens from Egypt.
17 I have perfumed my bed(L)
    with myrrh,(M) aloes and cinnamon.
18 Come, let’s drink deeply of love till morning;
    let’s enjoy ourselves with love!(N)
19 My husband is not at home;
    he has gone on a long journey.
20 He took his purse filled with money
    and will not be home till full moon.”

21 With persuasive words she led him astray;
    she seduced him with her smooth talk.(O)
22 All at once he followed her
    like an ox going to the slaughter,
like a deer[a] stepping into a noose[b](P)
23     till an arrow pierces(Q) his liver,
like a bird darting into a snare,
    little knowing it will cost him his life.(R)

24 Now then, my sons, listen(S) to me;
    pay attention to what I say.
25 Do not let your heart turn to her ways
    or stray into her paths.(T)
26 Many are the victims she has brought down;
    her slain are a mighty throng.
27 Her house is a highway to the grave,
    leading down to the chambers of death.(U)

Footnotes

  1. Proverbs 7:22 Syriac (see also Septuagint); Hebrew fool
  2. Proverbs 7:22 The meaning of the Hebrew for this line is uncertain.