Add parallel Print Page Options

Payo sa mga Kabataang Lalaki

Anak ko, ang aral ko ay huwag mong lilimutin,
    lahat ng aking utos sa isipan mo'y itanim;
upang araw mo'y tumagal, humaba ang iyong buhay,
    at maging masagana sa lahat ng kailangan.

Pananalig at katapata'y huwag mong tatalikuran,
    ikuwintas sa iyong leeg at itanim sa isipan.
Sa(A) gayon, malulugod sa iyo ang Diyos,
    at kikilalanin ka ng mga tao.

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan,
    at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.
Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin,
    upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.
Huwag(B) mong ipagyabang ang iyong nalalaman;
    igalang mo't sundin si Yahweh, at lumayo ka sa kasamaan.
Sa gayon, ikaw ay lalakas at magiging matatag,
    mawawala ang pighati, gagaling ang iyong sugat.

Parangalan mo si Yahweh sa pamamagitan ng iyong mga kayamanan,
    at mula sa iyong mga pinakamainam na ani, siya ay iyo ring handugan.
10 Sa gayon, kamalig mo ay lagi nang aapaw,
    sisidlan ng inumin ay hindi nga matutuyuan.

11 Aking(C) (D) anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin,
    at ang kanyang pagtutuwid ay huwag mong itakwil,
12 pagkat(E) lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan,
    tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang.

13 Mapalad ang isang taong nakasumpong ng karunungan,
    at ang taong nagsisikap, unawa ay nagtatamo.
14 Higit pa sa pilak ang pakinabang dito,
    at higit sa gintong lantay ang tubo nito.
15 Sa alinmang alahas ay higit ang karunungan,
    at walang kayamanang dito ay maipapantay.
16 Mahabang buhay ang dulot ng kaalaman,
    may taglay na kayamanan at may bungang karangalan.
17 Maaliwalas ang landas ng taong may kaalaman,
    at puno ng kapayapaan ang lahat niyang araw.
18 Mapalad nga ang taong may taglay na karunungan,
    para siyang punongkahoy na mabunga kailanman.

19 Karunungan ang ginamit ni Yahweh sa paglikha sa daigdig,
    sa pamamagitan ng talino, inayos niya ang buong langit.
20 Dahil sa kaalaman niya'y umaagos itong tubig,
    pumapatak nga ang ulan mula doon sa langit.

Ang Matiwasay na Pamumuhay

21 Aking anak, karunungan at hinahon ay huwag mong iwawala,
    huwag babayaang makaalpas sa isipan at gunita.
22 Pagkat dulot nito'y masagana at marangal na pamumuhay.
23 At kung magkagayo'y lalakad kang matiwasay,
    sa landas mo'y hindi ka matatalisod.
24 Sa lahat ng iyong lakad wala kang aalalahanin,
    at lahat ng pagtulog mo ay masarap at mahimbing.
25 Kahit hampas nitong bagyo ay dumating nang biglaan,
    hindi ka mababagabag tulad ng mga mangmang.
26 Pagkat tiwala kang si Yahweh ang kaagapay mo,
    at di niya hahayaang sa bitag ika'y masilo.

27 Ang(F) kagandahang-loob ay huwag ipagkait sa kapwa,
    kung ika'y may kakayahan na ito ay magawâ.
28 Kung mayroon ka ngayon ng kanyang kailangan,
    huwag nang sasabihing, “Bumalik ka't bukas ibibigay.”
29 Huwag gagawan ng masama ang iyong kaibigan
    na sa iyo'y umaasa, at may tiwalang lubusan.
30 Huwag makikipag-away nang walang sapat na dahilan,
    kung hindi ka ginagawan ng anumang kasamaan.
31 Huwag kang maiinggit sa taong marahas
    ni lalakad man sa masama niyang landas.
32 Pagkat si Yahweh ay nasusuklam sa mga isipang baluktot,
    ngunit nalulugod siya sa taong sa kanya ay may takot.
33 Ang sumpa ni Yahweh ay di lalayo sa masama,
    ngunit ang mga banal ay kanyang pinagpapala.
34 Ang(G) mga palalo'y kanyang kinasusuklaman,
    ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban.
35 Ang taong matalino'y magkakamit-karangalan,
    ngunit puro kahihiyan ang aanihin ng mangmang.

My son, forget not my law; but let thine heart keep my commandments:

For length of days, and long life, and peace, shall they add to thee.

Let not mercy and truth forsake thee: bind them about thy neck; write them upon the table of thine heart:

So shalt thou find favour and good understanding in the sight of God and man.

Trust in the Lord with all thine heart; and lean not unto thine own understanding.

In all thy ways acknowledge him, and he shall direct thy paths.

Be not wise in thine own eyes: fear the Lord, and depart from evil.

It shall be health to thy navel, and marrow to thy bones.

Honour the Lord with thy substance, and with the firstfruits of all thine increase:

10 So shall thy barns be filled with plenty, and thy presses shall burst out with new wine.

11 My son, despise not the chastening of the Lord; neither be weary of his correction:

12 For whom the Lord loveth he correcteth; even as a father the son in whom he delighteth.

13 Happy is the man that findeth wisdom, and the man that getteth understanding.

14 For the merchandise of it is better than the merchandise of silver, and the gain thereof than fine gold.

15 She is more precious than rubies: and all the things thou canst desire are not to be compared unto her.

16 Length of days is in her right hand; and in her left hand riches and honour.

17 Her ways are ways of pleasantness, and all her paths are peace.

18 She is a tree of life to them that lay hold upon her: and happy is every one that retaineth her.

19 The Lord by wisdom hath founded the earth; by understanding hath he established the heavens.

20 By his knowledge the depths are broken up, and the clouds drop down the dew.

21 My son, let not them depart from thine eyes: keep sound wisdom and discretion:

22 So shall they be life unto thy soul, and grace to thy neck.

23 Then shalt thou walk in thy way safely, and thy foot shall not stumble.

24 When thou liest down, thou shalt not be afraid: yea, thou shalt lie down, and thy sleep shall be sweet.

25 Be not afraid of sudden fear, neither of the desolation of the wicked, when it cometh.

26 For the Lord shall be thy confidence, and shall keep thy foot from being taken.

27 Withhold not good from them to whom it is due, when it is in the power of thine hand to do it.

28 Say not unto thy neighbour, Go, and come again, and to morrow I will give; when thou hast it by thee.

29 Devise not evil against thy neighbour, seeing he dwelleth securely by thee.

30 Strive not with a man without cause, if he have done thee no harm.

31 Envy thou not the oppressor, and choose none of his ways.

32 For the froward is abomination to the Lord: but his secret is with the righteous.

33 The curse of the Lord is in the house of the wicked: but he blesseth the habitation of the just.

34 Surely he scorneth the scorners: but he giveth grace unto the lowly.

35 The wise shall inherit glory: but shame shall be the promotion of fools.