Add parallel Print Page Options

22 Ang mabuti ay nagiiwan ng mana sa mga anak ng kaniyang mga anak;
(A)At ang kayamanan ng makasalanan ay nalalagay na ukol sa matuwid.
23 Maraming pagkain ang nasa pagsasaka ng dukha:
Nguni't may napapahamak dahil sa kawalan ng kaganapan.
24 (B)Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak:
Nguni't siyang umiibig ay nagpaparusang maminsanminsan.

Read full chapter