Add parallel Print Page Options

At sinalita niya naman sa mga lalake sa Penuel, na sinasabi, (A)Pagbabalik kong payapa, ay aking (B)ilalagpak ang moog na ito.

10 Ngayo'y si Zeba at si Zalmunna ay nasa Carcor, at ang kanilang mga hukbo na kasama nila, na may labing limang libong lalake, yaong lahat na nalabi sa buong (C)hukbo ng mga (D)anak sa silanganan: sapagka't nabuwal ang isang daan at dalawang pung libong lalake na (E)humahawak ng tabak.

11 At si Gedeon ay umahon sa daan ng mga tumatahan sa mga tolda sa silanganan ng (F)Noba at Jogbea, at sinaktan ang (G)hukbo; sapagka't ang hukbo ay tiwasay.

Read full chapter