Font Size
Mga Hukom 8:8-10
Ang Biblia (1978)
Mga Hukom 8:8-10
Ang Biblia (1978)
8 At inahon niya mula roon ang (A)Penuel, at siya'y nagsalita sa kanila ng gayon din: at sinagot siya ng mga lalake sa Penuel na gaya ng isinagot ng mga lalake sa Succoth.
9 At sinalita niya naman sa mga lalake sa Penuel, na sinasabi, (B)Pagbabalik kong payapa, ay aking (C)ilalagpak ang moog na ito.
10 Ngayo'y si Zeba at si Zalmunna ay nasa Carcor, at ang kanilang mga hukbo na kasama nila, na may labing limang libong lalake, yaong lahat na nalabi sa buong (D)hukbo ng mga (E)anak sa silanganan: sapagka't nabuwal ang isang daan at dalawang pung libong lalake na (F)humahawak ng tabak.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978