Add parallel Print Page Options

17 At binilang ang mga lalake sa Israel, bukod pa ang sa Benjamin, ay (A)apat na raang libong lalake na humahawak ng tabak: lahat ng mga ito ay mga lalaking mangdidigma.

18 At bumangon ang mga anak ni Israel, at (B)nagsiahon sa Beth-el upang (C)sumangguni sa Dios; at kanilang sinabi, Sino ang unang aahon sa amin upang makibaka laban sa mga anak ni Benjamin? At sinabi ng Panginoon, Ang Juda ang unang aahon.

19 At nagsibangon ang mga anak ni Israel sa kinaumagahan, at humantong laban sa Gabaa.

Read full chapter