Font Size
Mga Hukom 19:22-24
Ang Biblia, 2001
Mga Hukom 19:22-24
Ang Biblia, 2001
Ang Kahalayang Ginawa sa Gibea
22 Samantalang(A) sila'y nagkakasayahan, pinalibutan ng masasamang tao sa lunsod ang bahay at pinaghahampas ang pintuan. Sinabi nila sa matandang may-ari ng bahay, “Ilabas mo ang lalaking pumasok sa iyong bahay upang makilala namin siya.”
23 At lumabas sa kanila ang lalaki, ang may-ari ng bahay at sinabi sa kanila, “Huwag, mga kapatid ko. Isinasamo ko sa inyong huwag kayong gumawa ng ganyang kasamaan; yamang ang lalaking ito'y aking panauhin, ay huwag ninyong gawin ang gayong kasamaan.
24 Narito ang aking anak na dalaga, at ang asawang-lingkod ng lalaki.[a] Ilalabas ko sila ngayon; halayin ninyo, at gawin ninyo sa kanila ang gusto ninyo. Ngunit sa lalaking ito ay huwag kayong gumawa ng anumang masama.”
Read full chapterFootnotes
- Mga Hukom 19:24 Sa Hebreo ay niya .