Add parallel Print Page Options

16 At naparoon si Samson sa Gaza, at nakakita roon ng isang patutot at sinipingan.

At ibinalita sa mga taga Gaza na sinasabi, Si Samson ay naparito. At kanilang kinulong siya, at binakayan siya buong gabi sa pintuang-bayan, at tahimik buong gabi, na sinasabi, Maghintay tayo hanggang magbukang liwayway, saka natin patayin siya.

At si Samson ay humiga hanggang hating gabi, at bumangon sa hating gabi at humawak sa mga pinto ng pintuang-bayan, at sa dalawang haligi, at kapuwa binunot, pati ng sikang, at pinasan sa kaniyang mga balikat, at isinampa sa taluktok ng bundok na nasa tapat ng Hebron.

At nangyari pagkatapos, na siya'y suminta sa isang babae sa libis ng Sorec, na ang pangala'y Dalila.

At inahon ng mga pangulo ng mga Filisteo ang babae, at sinabi sa kaniya: Dayain mo siya, at tingnan mo kung saan naroon ang kaniyang dakilang kalakasan, at sa anong paraan mananaig kami laban sa kaniya upang aming matalian at mapighati siya: at bibigyan ka ng bawa't isa sa amin ng isang libo't isang daang putol na pilak.

At sinabi ni Dalila kay Samson, Saysayin mo sa akin, isinasamo ko sa iyo, kung saan naroon ang iyong dakilang kalakasan, at kung paanong matatalian ka upang pighatiin ka.

At sinabi ni Samson sa kaniya, Kung tatalian nila ako ng pitong sariwang yantok na kailan man ay hindi natuyo, ay hihina ako, at ako'y magiging gaya ng alinmang tao.

Nang magkagayo'y nagdala ang mga pangulo ng mga Filisteo sa kaniya ng pitong sariwang yantok na hindi pa natutuyo, at ipinagtali niya sa kaniya.

Ngayo'y may mga bakay na sa silid sa loob. At sinabi niya sa kaniya, Narito na sa iyo ang mga Filisteo, Samson. At kaniyang pinatid ang mga yantok, na tulad sa taling estopa pagka nadidikitan ng apoy. Sa gayo'y hindi naalaman ang kaniyang lakas.

10 At sinabi ni Dalila kay Samson, Narito, pinaglaruan mo ako, at pinagbulaanan mo ako: isinasamo ko ngayon sa iyo na saysayin mo sa akin kung paano matatalian ka.

11 At sinabi niya sa kaniya, Kung tatalian lamang nila ako ng mga bagong lubid na hindi pa nagagamit, ay hihina nga ako at magiging gaya ng alinmang tao.

12 Sa gayo'y kumuha si Dalila ng mga bagong lubid, at itinali sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Narito na sa iyo ang mga Filisteo, Samson. At ang mga bakay ay nangasa silid sa loob. At pawang pinatid niya sa kaniyang mga bisig na parang sinulid.

13 At sinabi ni Dalila kay Samson, Hanggang dito'y pinaglaruan mo ako, at pinagbulaanan mo ako: saysayin mo sa akin kung paanong matatalian ka. At sinabi niya sa kaniya, Kung iyong hahabihin ang pitong tirintas sa aking ulo ng hinabing kayo.

14 At kaniyang pinagtibay ng tulos, at sinabi sa kaniya, Narito na sa iyo ang mga Filisteo, Samson. At siya'y gumising sa kaniyang pagkakatulog, at binunot ang tulos ng panghabi, at ang hinabi.

15 At sinabi niya sa kaniya, Bakit nasasabi mo, na iniibig kita, sa bagay ang iyong puso ay hindi sumasaakin? pinaglaruan mo akong makaitlo, at hindi mo isinaysay sa akin kung saan nagpapahinga ang iyong dakilang kalakasan.

16 At nangyari, nang kaniyang igiit araw araw, at kaniyang ipilit sa kaniya, na ang kaniyang loob ay naligalig sa ikamamatay.

17 At isinaysay niya sa kaniya ang kaniyang buong taglayin sa kaniyang puso, at sinabi sa kaniya, Walang pangahit na nagdaan sa aking ulo; sapagka't ako'y naging Nazareo sa Dios mula sa tiyan ng aking ina: kung ako'y ahitan, hihiwalay nga sa akin ang aking lakas, at ako'y hihina, at magiging gaya ng alinmang tao.

18 At nang makita ni Dalila na sinaysay sa kaniya, ang buong taglayin niya sa kaniyang puso, ay nagsugo siya at tinawag ang mga pangulo ng mga Filisteo, na sinasabi, Ahunin pa ninyong minsan, sapagka't sinaysay niya sa akin ang buong taglayin niya sa kaniyang puso. Nang magkagayo'y inahon siya ng mga pangulo ng mga Filisteo, at nagdala ng salapi sa kanilang kamay.

19 At pinatulog niya siya sa kaniyang mga tuhod; at nagpatawag siya ng isang lalake, at inahit ang pitong tirintas sa kaniyang ulo; at pinasimulan niyang pighatiin siya, at ang kaniyang lakas ay nawala.

20 At sinabi niya, Narito na sa iyo ang mga Filisteo, Samson. At siya'y gumising sa kaniyang pagkakatulog, at sinabi, Ako'y lalabas na gaya ng dati, at ako'y magpupumiglas. Nguni't hindi niya talos na ang Panginoo'y humiwalay sa kaniya.

21 At hinuli ng mga Filisteo, at dinukit ang kaniyang mga mata; at inilusong nila sa Gaza, at tinalian siya ng mga pangaw na tanso; at siya'y gumiling sa bilangguan.

22 Gayon ma'y nagpasimulang tumubo uli ang buhok ng kaniyang ulo, pagkatapos na siya'y maahitan.

23 At nagpipisan ang mga pangulo ng mga Filisteo upang maghandog ng isang dakilang hain kay Dagon na kanilang dios, at mangagalak: sapagka't kanilang sinabi, Ibinigay ng ating dios si Samson na ating kaaway sa ating kamay.

24 At nang makita siya ng bayan, ay kanilang pinuri ang kanilang dios: sapagka't kanilang sinabi, Ibinigay ng ating dios sa ating kamay ang ating kaaway, at ang mangwawasak sa ating lupain, na pumatay sa marami sa atin.

25 At nangyari, nang masayahan ang kanilang puso, na kanilang sinabi, Tawagin si Samson, upang siya'y ating mapaglaruan. At tinawag nga si Samson mula sa bilangguan; at siya'y pinaglaruan nila. At kanilang inilagay sa pagitan ng mga haligi:

26 At sinabi ni Samson sa bata na umaakay sa kaniya sa kamay, Ipahipo mo sa akin ang mga haliging pumipigil ng bahay, upang aking mangahiligan.

27 Ang bahay nga ay puno ng mga lalake at babae, at ang lahat ng mga pangulo ng mga Filisteo ay nandoon; at sa bubungan ay may tatlong libong lalake at babae, na nanonood samantalang pinaglalaruan si Samson.

28 At tumawag si Samson sa Panginoon, at sinabi, Oh Panginoong Dios, idinadalangin ko sa iyo na alalahanin mo ako, at idinadalangin ko sa iyong palakasin mo ako, na minsan na lamang, Oh Dios, upang maiganti kong paminsan sa mga Filisteo ang aking dalawang mata.

29 At si Samson ay pumigil sa dalawang gitnang haligi na pumipigil ng bahay, at isinuhay sa mga yaon, ang isa sa kaniyang kanang kamay, at ang isa'y sa kaniyang kaliwa.

30 At sinabi ni Samson, Mamatay nawa akong kasama ng mga Filisteo, At iniubos niya ang kaniyang buong lakas; at ang bahay ay bumagsak sa mga pangulo, at sa buong bayan na nandoon sa loob. Sa gayo'y ang nangamatay na kaniyang pinatay sa kaniyang kamatayan ay higit kay sa pinatay niya sa kaniyang kabuhayan.

31 Nang magkagayo'y lumusong ang kaniyang mga kapatid at ang buong sangbahayan ng kaniyang ama, at kinuha siya, at iniahon siya, at inilibing siya sa pagitan ng Sora at Esthaol sa libingan ni Manoa na kaniyang ama. At siya'y naghukom sa Israel na dalawang pung taon.

Pumunta si Samson sa Gaza

16 1-2 Isang araw, pumunta si Samson sa Gaza na isang lungsod ng Filisteo. May nakilala siya roon na isang babaeng bayaran, at sumiping siya sa babaeng iyon. Nalaman ng mga taga-Gaza na naroon si Samson, kaya pinalibutan nila ang lungsod at binantayan ang pintuan ng lungsod buong gabi. Hindi sila lumusob nang gabing iyon. Nagpasya sila na papatayin nila si Samson nang madaling-araw. Pero sumiping si Samson sa babae hanggang hatinggabi lang. Bumangon siya at pumunta sa may pintuan ng lungsod. Hinawakan niya ang pintuan at binunot, at natanggal ito pati ang mga kandado at haligi nito. Pagkatapos, pinasan niya ito at dinala sa tuktok ng bundok na nakaharap sa Hebron.

Si Samson at si Delaila

Isang araw, nagkagusto si Samson sa isang dalaga na nakatira sa Lambak ng Sorek. Ang pangalan niyaʼy Delaila. Pinuntahan ng limang pinuno ng mga Filisteo si Delaila at sinabi, “Kumbinsihin mo siya na ipagtapat sa iyo ang sekreto ng lakas niya at kung paano siya matatalo, para maigapos at mabihag namin siya. Kung magagawa mo ito, ang bawat isa sa amin ay magbibigay sa iyo ng 1,100 pilak.”

Kaya tinanong ni Delaila si Samson. Sinabi niya, “Ipagtapat mo sa akin ang sekreto ng lakas mo. Kung may gagapos o huhuli sa iyo, paano niya ito gagawin?” Sumagot si Samson, “Kung gagapusin ako ng pitong sariwang bagting ng pana,[a] magiging katulad na lang ng karaniwang tao ang lakas ko.”

Nang malaman ito ng mga pinuno ng Filisteo, binigyan nila si Delaila ng pitong sariwang bagting ng pana at iginapos niya si Samson. May ilang mga Filisteo na nakatago noon sa kabilang kwarto. Pagkatapos, sumigaw si Delaila, “Samson, may dumating na mga Filisteo para hulihin ka!” Pero nilagot ni Samson ang tali na parang lubid na nadarang sa apoy. Kaya hindi pa rin nila nalaman ang sekreto ng kanyang lakas.

10 Sinabi ni Delaila kay Samson, “Niloko mo lang ako; nagsinungaling ka sa akin. Sige na, ipagtapat mo sa akin kung paano ka maigagapos.” 11 Sinabi ni Samson, “Kapag naigapos ako ng bagong lubid na hindi pa nagagamit, magiging katulad na lang ng karaniwang tao ang lakas ko.”

12 Kaya kumuha si Delaila ng bagong lubid na hindi pa nagagamit at iginapos niya si Samson. May ilang mga Filisteo na nakatago noon sa kabilang kwarto. Pagkatapos, sumigaw si Delaila, “Samson, may dumating na mga Filisteo para dakpin ka!” Pero nilagot ni Samson ang tali sa kanyang braso na parang sinulid lang.

13 Kaya sinabing muli ni Delaila kay Samson, “Hanggang ngayon, niloloko mo pa rin ako at nagsisinungaling ka. Sige na, ipagtapat mo na kung paano ka maigagapos.” Sinabi ni Samson, “Kung itatali mo ng pitong tirintas ang buhok ko sa teral[b] at ipinulupot sa isang tulos, magiging katulad na lang ng karaniwang tao ang lakas ko.”

14 Kaya nang nakatulog si Samson, itinali ni Delaila ng pitong tirintas ang buhok ni Samson sa teral, at sumigaw agad, “Samson, may dumating na mga Filisteo para dakpin ka!” Nagising si Samson at mabilis niyang tinanggal ang buhok niya sa teral.

15 Kaya sinabi ni Delaila sa kanya, “Sabi mo mahal mo ako, pero hindi mo ako pinagkakatiwalaan. Tatlong beses mo na akong niloko. Hindi mo talaga ipinagtapat sa akin kung saan nanggagaling ang lakas mo.” 16 Araw-araw niyang tinatanong si Samson hanggang sa bandang huli ay nakulitan din ito. 17 Kaya ipinagtapat na lang ni Samson sa kanya ang totoo. Sinabi ni Samson, “Hindi pa nagugupitan ang buhok ko kahit isang beses lang. Sapagkat mula pa sa kapanganakan ko, itinalaga na ako sa Dios bilang isang Nazareo. Kaya kung magugupitan ang buhok ko, magiging katulad na lang ng karaniwang tao ang lakas ko.”

18 Naramdaman ni Delaila na nagsasabi si Samson ng totoo. Kaya nagpautos siya na sabihin sa mga pinuno ng mga Filisteo na bumalik dahil nagtapat na sa kanya si Samson. Kaya bumalik ang mga pinuno, dala ang perang ibabayad kay Delaila. 19 Pinatulog ni Delaila si Samson sa hita niya, at nang makatulog na ito, tumawag siya ng isang tao para gupitin ang pitong tirintas ng buhok ni Samson. Kaya nanghina si Samson, at ipinadakip siya ni Delaila. 20 Sumigaw si Delaila, “Samson, may dumating na mga Filisteo para hulihin ka!” Pagbangon ni Samson akala niyaʼy makakawala pa rin siya tulad ng ginagawa niya noon. Pero hindi niya alam na hindi na siya tinutulungan ng Panginoon. 21 Dinakip siya ng mga Filisteo at dinukit ang kanyang mga mata. Pagkatapos, dinala siya sa Gaza at kinadenahan ng tanso. Pinagtrabaho nila siya sa loob ng bilangguan bilang tagagiling ng trigo. 22 Pero unti-unting tumubo ulit ang kanyang buhok.

Ang Pagkamatay ni Samson

23 Muling nagkatipon ang mga pinuno ng mga Filisteo para magdiwang at mag-alay ng maraming handog sa kanilang dios na si Dagon. Sa pagdiriwang nila ay nag-aawitan sila: “Pinagtagumpay tayo ng dios natin laban sa kalaban nating si Samson.” 24-25 Labis ang kanilang kasiyahan at nagsigawan sila, “Dalhin dito si Samson para magbigay aliw sa atin!” Kaya pinalabas si Samson sa bilangguan. At nang makita ng mga tao si Samson, pinuri nila ang kanilang dios. Sinabi nila, “Pinagtagumpay tayo ng dios natin sa ating kalaban na nangwasak sa lupain natin at pumatay ng marami sa atin.” Pinatayo nila si Samson sa gitna ng dalawang haligi at ginawang katatawanan. 26 Sinabi ni Samson sa utusan[c] na nag-aakay sa kanya, “Pahawakin mo ako sa haligi ng templong ito para makasandal ako.” 27 Siksikan ang mga tao sa templo. Naroon ang lahat ng pinuno ng mga Filisteo. Sa bubungan ay may 3,000 tao, lalaki at babae. Nagkakasayahan silang nanonood kay Samson.

28 Nanalangin si Samson, “O Panginoong Dios, alalahanin nʼyo po ako. Kung maaari, ibalik nʼyo po ang lakas ko kahit minsan pa para makaganti po ako sa mga Filisteo sa pagdukit nila sa mga mata ko.” 29 Kumapit si Samson sa dalawang haliging nasa gitna ng templo na nakatukod sa bubungan nito. Ang kanan niyang kamay ay nasa isang haligi at ang kaliwa naman ay nasa kabilang haligi. 30 Pagkatapos, sumigaw siya, “Mamamatay akong kasama ng mga Filisteo!” At itinulak niya ang dalawang haligi nang buong lakas at gumuho ang templo at nabagsakan ang mga pinuno at ang lahat ng tao roon. Mas maraming tao ang napatay ni Samson sa panahong iyon kaysa noong nabubuhay pa siya.

31 Ang bangkay ni Samson ay kinuha ng mga kapatid at kamag-anak niya at inilibing sa pinaglibingan ng ama niyang si Manoa, doon sa gitna ng Zora at Estaol. Pinamunuan ni Samson ang Israel sa loob ng 20 taon.

Footnotes

  1. 16:7 bagting ng pana: sa Ingles, “bowstring.”
  2. 16:13 teral: Ingles ay “loom.”
  3. 16:26 utusan: o, binatilyo.

16 Also Samson went into Gaza, and he saw there a woman whore, and he entered to her. (And one day Samson went to Gaza, and he saw a whore-woman there, and he slept with her.)

And when the Philistines had seen this, and it was published among them, that Samson had entered into the city, they compassed him (about), (and with) the keepers set in the gates of the city; and the Philistines (were) abiding there all that night privily, that in the morrowtide they should kill Samson going out. (And when the Philistines had seen this, and it was published among them, that Samson had come into the city, they surrounded him, and had guards set at the city gates; for the Philistines had decided to secretly wait there all that night, so that in the morning they could kill Samson when he came out.)

And Samson slept till to midnight (But Samson stayed only until midnight); and (then) he rose up to go (from) thence, and he took both the closings, or the leaves, of the (city) gate, with the posts and the lock; and he bare those gates upon his shoulders, to the top of the hill that beholdeth Hebron.

(And) After these things Samson loved a woman that dwelled in the valley of Sorek, and she was called Delilah.

And the princes of the Philistines came to her, and said, Deceive thou him, and learn thou of him, in what thing he hath so great strength, and how we may overcome him, and torment him when he is bound; the which thing if thou doest, we shall give to thee, each man, a thousand and an hundred pieces of silver. (And the rulers of the Philistines came to her, and said, Deceive thou him, and learn thou from him, by what thing he hath so great strength, and how we can overcome him, and torment him when he is bound; and if thou doest that, each one of us shall give thee a thousand and a hundred pieces of silver.)

Then Delilah spake to Samson, (and said,) I beseech thee, say thou to me, wherein is thy greatest strength, and what is that thing, with which if thou were bound, thou mayest not break (it)?

To whom Samson answered, If I be bound with seven cords of moist sinews not yet dry, I shall be (made as) feeble as other men.

And the princes of [the] Philistines brought to her seven cords, as he had said; with which she bound him,

while ambushments were hid at her, and abided in a closet the end of the thing. And she cried to him, Samson, the Philistines be upon thee! And he brake those bonds, as if a man breaketh a thread of hards (of flax), thrown with spittle, when it hath touched the heat of fire; and (so) it was not yet known wherein his strength was. (while the ambushers were hid with her, and waited in a closet for the end of it all. And she cried to him, Samson, the Philistines be upon thee! And he broke those bonds, like a man breaketh a flaxen thread, thrown with spittle, when it hath touched the heat of the fire; and so it was not yet known where his strength lay.)

10 And Delilah said to Samson, Lo! thou hast scorned me, and thou hast spoken false(ly); nevertheless now show thou to me, with what thing thou shouldest be bound.

11 To whom he answered, If I be bound with new cords, that were not yet in work, I shall be feeble, and like other men (I shall be made as feeble as other men).

12 With the which Delilah bound him again, and she cried, Samson, the Philistines be upon thee! the while ambushments were made ready in a closet (while the ambushers were waiting in the closet). And Samson brake his bonds as (if they were the) threads of (spider) webs.

13 And Delilah said again to him, How long shalt thou deceive me, and speak false(ly)? Show thou to me, with what thing thou shalt be bound. To whom Samson answered, he said, If thou pleatest (the) seven gobbets of (the) hair of mine head with a strong bond (To whom Samson answered, and said, If thou pleatest the seven locks of the hair of my head into thy loom),

14 and fastenest (in)to the earth a nail bound about with these hairs, I shall be (made) feeble. And when Delilah had done this, she said to him, Samson, the Philistines be upon thee! And he rose from sleep, and he drew out the nail, with the hairs and a strong bond tied thereto. (and tightenest the hair, bound in the loom, with a peg, I shall be made as feeble as other men. And when Delilah had done this, she said to him, Samson, the Philistines be upon thee! And he arose from sleep, and he drew out the peg, with his hair tightly tied to it, in a strong bond.)

15 And Delilah said to him, How sayest thou, that thou lovest me, since thine inward affection is not with me? By three times thou hast lied to me, and wouldest not say to me, wherein is thy most strength (where thy great strength lieth).

16 And when she was dis-easeful to him, and cleaved to him continually by many days, and to him gave no space to rest, his life failed, and was made weary unto the death. (And when she had made his life miserable, and continually cleaved to him for many days, and gave him no time for any rest, his strength, or his resolve, failed, and he was made weary unto the death.)

17 (And) Then he opened the truth of the thing, and said to her, Iron came never yet upon mine head (No iron hath ever yet touched my head), for I am a Nazarite, that is, hallowed to the Lord, from my mother’s womb; if mine head be shaven, my strength shall go away from me, and I shall fail, and I shall be (made as feeble) as other men.

18 And she saw that he [had] acknowledged to her all his will, either heart; and she sent to the princes of Philistines, and commanded, Go ye up yet (at) once, for now he hath opened his heart to me. The which went up, the money taken with them that they promised. (And she saw that he had spoken to her with all his heart; and she sent for the rulers of the Philistines, saying, Come ye up at once, for he hath now opened up all his heart to me. And they came to her immediately, bringing the money that they had promised.)

19 And she made him sleep upon her knees, and to lay his head in her bosom; and (then) she called (for) a barber, and he shaved (the) seven (locks of the) hairs of him; and (then) she began to shove him away, and to put him (off) from her; for at once the strength went away from him.

20 And she said, Samson, the Philistines be upon thee! And he rose (up) from sleep, and said in his soul, I shall go out, as I did before, and I shall shake me from these bonds; and he knew not, that the Lord had gone away from him.

21 And when the Philistines had taken him, anon they put out his eyes, and led him bound with chains to Gaza, and they closed him in prison, and made him to grind. (And when the Philistines had taken hold of him, at once they put out his eyes, and led him bound with chains to Gaza, and there they enclosed him in prison, and made him to grind with a wheel.)

22 And then his hairs began to grow again;

23 and [the] princes of (the) Philistines came together to offer great sacrifices to Dagon, their god, and they made feasts and ate, saying, Our god hath betaken Samson, our enemy, into our hands.

24 And the people seeing also this thing praised their god (And the people seeing this thing also praised their god), and said the same things, (Yea,) Our god hath betaken our adversary into our hands, which did away our land, and killed full many men.

25 And they were glad(dened) by (the) making of feasts, and then when they had eaten, they commanded that Samson should be called, and (to) play before them; the which was led out of (the) prison, and played before them; and they made him stand betwixt two pillars.

26 And Samson said to the boy that governed his steps, Suffer thou me, that I touch the pillars on which all the house standeth (Allow me to touch the pillars on which the whole house standeth), (so) that I (may) be bowed upon those, and rest a little.

27 And the house was full of men and of women, and (all) the princes of the Philistines were there, and about three thousand of men and of women (and also about three thousand men and women), beholding from the roof, and from the solar, (while) Samson (was) playing.

28 And he called inwardly the Lord, and said, My Lord God, have mind on me, and my God, yield thou now to me the former strength, that I venge me of mine enemies, and that I take one vengeance for the loss of my two eyes. (And he inwardly called upon the Lord, and said, Lord my God, remember me, and my God, yield thou now to me the former strength, so that I can avenge myself on my enemies, and so that I can now take one vengeance for the loss of my two eyes.)

29 And he took both [the] pillars, on which the house stood, and he held the one of those in his right hand, and the tother in his left hand; (And he took hold of both of the pillars, on which the house stood, and he held onto one of them with his right hand, and the other one with his left hand;)

30 and he said, My life die with the(se) Philistines! And when the pillars were shaken (al)together strongly, the house felled upon all the princes, and upon the multitude that was there; and Samson dying killed many more, than he alive had slain before. (and he said, Let me die with these Philistines! And when the pillars were altogether strongly shaken, the house fell on all the rulers, and on all the multitude of people who were there; and in dying, Samson killed many more than he had killed when he was alive.)

31 And his brethren and all his kindred came down, and took his body, and they buried it betwixt Zorah and Eshtaol, in the sepulchre of Manoah, his father; and he deemed Israel twenty years (and he had ruled Israel for twenty years).