Add parallel Print Page Options

18 At bago dumilim nang ikapitong araw, ang mga taga-Timna ay nagpunta kay Samson at kanilang sinabi,

“May tatamis pa ba sa pulot-pukyutan?
At may lalakas pa ba sa leon?”

Sinabi sa kanila ni Samson,

“Kung ang aking asawa'y di ninyo tinakot,
hindi sana nalaman ang tamang sagot.”

19 At si Samson ay pinalakas ng Espiritu[a] ni Yahweh. Nagpunta siya sa Ashkelon at pumatay ng tatlumpung kalalakihan. Kinuha niya ang magagarang kasuotan ng mga ito at ibinigay sa mga nakasagot sa kanyang bugtong. Pagkatapos, umuwi siyang galit na galit dahil sa nangyari. 20 At ang asawa naman niya'y ibinigay sa pangunahing abay na lalaki.

Read full chapter

Footnotes

  1. 19 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .