Font Size
Mga Hukom 14:18-20
Magandang Balita Biblia
Mga Hukom 14:18-20
Magandang Balita Biblia
18 At bago dumilim nang ikapitong araw, ang mga taga-Timna ay nagpunta kay Samson at kanilang sinabi,
“May tatamis pa ba sa pulot-pukyutan?
At may lalakas pa ba sa leon?”
Sinabi sa kanila ni Samson,
“Kung ang aking asawa'y di ninyo tinakot,
hindi sana nalaman ang tamang sagot.”
19 At si Samson ay pinalakas ng Espiritu[a] ni Yahweh. Nagpunta siya sa Ashkelon at pumatay ng tatlumpung kalalakihan. Kinuha niya ang magagarang kasuotan ng mga ito at ibinigay sa mga nakasagot sa kanyang bugtong. Pagkatapos, umuwi siyang galit na galit dahil sa nangyari. 20 At ang asawa naman niya'y ibinigay sa pangunahing abay na lalaki.
Read full chapterFootnotes
- Mga Hukom 14:19 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.