Add parallel Print Page Options

Si Jefta at ang Lipi ni Efraim

12 Ang mga kalalakihan ng Efraim ay tinipon upang makipagdigma. Sama-sama silang tumawid ng Ilog Jordan at nagpunta sa Zafon upang kalabanin si Jefta. Itinanong nila sa kanya, “Bakit hindi mo kami tinawag bago ka nakipagdigma sa mga taga-Ammon? Dahil sa ginawa mong iyan, susunugin namin ang bahay mo at itatambak ka namin doon.”

Sumagot si Jefta, “Kami at ang mga Ammonita ay nagkaroon ng matinding alitan. Humingi kami ng tulong sa inyo ngunit hindi ninyo kami pinansin. Kaya, itinaya ko na ang buhay ko sa pakikipagdigma sa kanila. Pinagtagumpay naman ako ni Yahweh. Bakit gusto ninyo akong salakayin ngayon?” Tinipon ni Jefta ang kanyang mga tauhan at nilabanan ang mga taga-Efraim sapagkat sinabi ng mga ito, “Kayong mga taga-Gilead, mga takas lang kayo mula sa Efraim! Nakikitira lang kayo sa Efraim at Manases!” Ang mga taga-Efraim ay tinalo ng mga taga-Gilead. Binantayan nila ang mga lugar ng Ilog Jordan na maaaring tawiran ng tao upang hindi makatawid ang mga taga-Efraim. Ang sinumang nais tumawid ay tinatanong nila kung taga-Efraim. Kapag sumagot ng, “Hindi,” ipinapasabi nila ang salitang, “Shibolet.” Kung hindi ito mabigkas nang tama at sa halip ay sinasabing, “Sibolet,” papatayin nila ito sa may tawiran ng Ilog Jordan. At nang panahong iyon, umabot sa 42,000 taga-Efraim ang kanilang napatay.

Si Jefta ay anim na taóng naging hukom at pinuno ng Israel. Nang siya'y mamatay, inilibing siya sa kanyang sariling bayan sa Gilead.[a]

Sina Ibzan, Elon at Abdon

Nang mamatay si Jefta, si Ibzan na taga-Bethlehem naman ang naging hukom at pinuno ng Israel. Animnapu ang kanyang anak: tatlumpung lalaki at tatlumpung babae. Ang pinili niyang maging asawa ng kanyang mga anak ay pawang di kabilang sa kanilang angkan. Pitong taon siyang naging hukom at pinuno ng Israel. 10 Nang siya'y mamatay, inilibing siya sa Bethlehem.

11 Nang mamatay si Ibzan, si Elon na taga-Zebulun naman ang naging hukom at pinuno ng Israel sa loob ng sampung taon. 12 Nang siya'y mamatay, inilibing siya sa Ayalon, sakop ng Zebulun.

13 Pagkatapos, ang sumunod na naging hukom at pinuno ng Israel ay si Abdon na anak ni Hillel na taga-Piraton. 14 Ang mga anak niyang lalaki ay apatnapu at siya'y may tatlumpung apo; bawat isa sa kanila'y may sari-sariling asno. Siya ay naging hukom at pinuno ng Israel sa loob ng walong taon. 15 Nang siya'y mamatay, inilibing siya sa Piraton, sakop ng Efraim, sa kaburulang sakop ng mga Amalekita.

Footnotes

  1. Mga Hukom 12:7 kanyang…sa Gilead: Sa ibang manuskrito'y sa mga bayan ng Gilead .

Jephthah and Ephraim

12 The Ephraimite forces were called out, and they crossed over to Zaphon.(A) They said to Jephthah,(B) “Why did you go to fight the Ammonites without calling us to go with you?(C) We’re going to burn down your house over your head.”

Jephthah answered, “I and my people were engaged in a great struggle with the Ammonites, and although I called, you didn’t save me out of their hands. When I saw that you wouldn’t help, I took my life in my hands(D) and crossed over to fight the Ammonites, and the Lord gave me the victory(E) over them. Now why have you come up today to fight me?”

Jephthah then called together the men of Gilead(F) and fought against Ephraim. The Gileadites struck them down because the Ephraimites had said, “You Gileadites are renegades from Ephraim and Manasseh.(G) The Gileadites captured the fords of the Jordan(H) leading to Ephraim, and whenever a survivor of Ephraim said, “Let me cross over,” the men of Gilead asked him, “Are you an Ephraimite?” If he replied, “No,” they said, “All right, say ‘Shibboleth.’” If he said, “Sibboleth,” because he could not pronounce the word correctly, they seized him and killed him at the fords of the Jordan. Forty-two thousand Ephraimites were killed at that time.

Jephthah led[a] Israel six years. Then Jephthah the Gileadite died and was buried in a town in Gilead.

Ibzan, Elon and Abdon

After him, Ibzan of Bethlehem(I) led Israel. He had thirty sons and thirty daughters. He gave his daughters away in marriage to those outside his clan, and for his sons he brought in thirty young women as wives from outside his clan. Ibzan led Israel seven years. 10 Then Ibzan died and was buried in Bethlehem.

11 After him, Elon the Zebulunite led Israel ten years. 12 Then Elon died and was buried in Aijalon(J) in the land of Zebulun.

13 After him, Abdon son of Hillel, from Pirathon,(K) led Israel. 14 He had forty sons and thirty grandsons,(L) who rode on seventy donkeys.(M) He led Israel eight years. 15 Then Abdon son of Hillel died and was buried at Pirathon in Ephraim, in the hill country of the Amalekites.(N)

Footnotes

  1. Judges 12:7 Traditionally judged; also in verses 8-14