Add parallel Print Page Options

15 “Bigyan mo po sana ako ng lugar na may tubig. Ang lupang ibinigay mo sa akin ay walang mapagkukunan ng tubig,” sabi ni Acsa. At ibinigay sa kanya ni Caleb ang mga balon sa gawing itaas at ibaba.

Ang mga Tagumpay ng Lipi nina Juda at Benjamin

16 Ang angkan ni Hobab na isang Cineo, na kamag-anak ng biyenan ni Moises, ay sumama sa lipi ni Juda mula sa Jerico, ang Lunsod ng mga Palma, hanggang sa ilang ng Juda, sa timog ng Arad. Nanirahan silang kasama ng mga Amalekita.[a] 17 Ang lipi naman ni Simeon ay tinulungan ng lipi ni Juda sa pagsakop sa Lunsod ng Sefat. Winasak nila ito nang husto at pinangalanang Horma.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 16 Amalekita: Sa ibang manuskrito'y tao .
  2. 17 HORMA: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito'y “pagkawasak”.