Add parallel Print Page Options

14 Nang sila'y ikasal na, inutusan ni Otniel si Acsa[a] na humingi ng bukirin sa kanyang amang si Caleb. Kaya, nagpunta si Acsa kay Caleb. Pagdating doon, tinanong naman siya agad nito kung ano ang kailangan niya. 15 “Bigyan mo po sana ako ng lugar na may tubig. Ang lupang ibinigay mo sa akin ay walang mapagkukunan ng tubig,” sabi ni Acsa. At ibinigay sa kanya ni Caleb ang mga balon sa gawing itaas at ibaba.

Ang mga Tagumpay ng Lipi nina Juda at Benjamin

16 Ang angkan ni Hobab na isang Cineo, na kamag-anak ng biyenan ni Moises, ay sumama sa lipi ni Juda mula sa Jerico, ang Lunsod ng mga Palma, hanggang sa ilang ng Juda, sa timog ng Arad. Nanirahan silang kasama ng mga Amalekita.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Hukom 1:14 inutusan ni Otniel si Acsa: Sa ibang manuskrito'y inutusan ni Acsa si Otniel .
  2. Mga Hukom 1:16 Amalekita: Sa ibang manuskrito'y tao .