Add parallel Print Page Options

24 Sapagka't hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang (A)ng tunay; kundi (B)sa talagang langit, upang humarap ngayon sa harapan ng Dios (C)dahil sa atin:

25 At siya'y hindi rin naman kailangang ihandog na madalas pa ang kaniyang sarili, na (D)gaya ng dakilang saserdote na pumapasok sa dakong banal (E)taon-taon na may dalang dugo na hindi niya sarili;

26 Sa ibang paraan ay kailangan na siya'y magbatang madalas mula nang itatag ang sanglibutan: datapuwa't ngayon ay (F)minsan siya'y nahayag (G)sa katapusan ng mga panahon (H)upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili.

Read full chapter