Mga Hebreo 8:8-10
Ang Biblia, 2001
8 Sapagkat(A) nang makakita ang Diyos[a] ng kapintasan sa kanila, ay sinabi niya,
“Ang mga araw ay tiyak na darating, sabi ng Panginoon,
na ako'y gagawa ng isang bagong tipan sa sambahayan ni Israel
at sa sambahayan ni Juda,
9 hindi ayon sa tipang aking ginawa sa kanilang mga ninuno,
nang araw na hawakan ko sila sa kamay, upang sila'y ihatid papalabas sa lupain ng Ehipto,
sapagkat sila'y hindi nagpatuloy sa aking tipan,
kaya't ako'y hindi nagmalasakit sa kanila, sabi ng Panginoon.
10 Ito ang tipang aking gagawin sa sambahayan ni Israel
pagkatapos ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon:
ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pag-iisip,
at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang mga puso,
at ako'y magiging Diyos nila,
at sila'y magiging bayan ko.
Footnotes
- Mga Hebreo 8:8 Sa Griyego ay siya .