Font Size
Mga Hebreo 7:19-21
Magandang Balita Biblia
Mga Hebreo 7:19-21
Magandang Balita Biblia
19 Sapagkat walang sinumang nagiging ganap sa pamamagitan ng Kautusan ni Moises. Higit na mabuti ang bagong pag-asang tinanggap natin ngayon, sapagkat sa pamamagitan nito'y nakakalapit na tayo sa Diyos.
20 Ang Diyos ay hindi nanumpa nang gawin niyang pari ang iba, 21 ngunit(A) nanumpa siya nang gawin niyang pari si Jesus, ayon sa sinabi niya,
“Ang Panginoon ay sumumpa,
at hindi siya magbabago ng isip,
‘Ikaw ay pari magpakailanman!’”
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.