Add parallel Print Page Options

15 Na pakaingatan na baka ang sinoma'y di makaabot sa biyaya ng Dios; baka kayo'y bagabagin ng anomang ugat ng kapaitan na sumisibol, at dahil dito'y mahawa ang marami;

16 Baka magkaroon ng sinomang (A)mapakiapid, (B)o mapaglapastangan, gaya ni (C)Esau, na sa isang pinggang pagkain ay ipinagbili ang kaniyang sariling pagkapanganay.

17 Sapagka't nalalaman ninyo na bagama't pagkatapos ay ninanasa niyang magmana ng pagpapala, siya'y itinakuwil; sapagka't wala na siyang nasumpungang pagkakataon ng pagsisisi sa kaniyang ama, bagama't pinagsisikapan niyang mapilit (D)na lumuluha.

Read full chapter