Add parallel Print Page Options

Ang Pananampalataya sa Diyos

11 Ang pananampalataya ay katiyakan na mangyayari ang ating mga inaasahan, at paninindigan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita. Kinalugdan(A) ng Diyos ang mga tao noong unang panahon dahil sa kanilang pananampalataya.

Dahil(B) sa pananampalataya, nauunawaan natin na ang sanlibutan ay nilalang sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, at ang mga bagay na nakikita ay ginawa mula sa mga hindi nakikita.

Dahil(C) sa pananampalataya sa Diyos, si Abel ay nag-alay ng mas mabuting handog kaysa sa inihandog ni Cain. Kaya naman, si Abel ay kinilalang matuwid nang tanggapin ng Diyos ang kanyang handog. Kahit patay na, nagsasalita pa siya sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.

Dahil(D) sa pananampalataya, si Enoc ay hindi nakaranas ng kamatayan. Hindi na siya nakita sapagkat kinuha siya ng Diyos. Sinasabi sa kasulatan na si Enoc ay naging kalugud-lugod bago siya kinuha ng Diyos. Hindi maaaring kalugdan ng Diyos ang walang pananampalataya sa kanya, sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos at siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya.

Dahil(E) sa pananampalataya, pinakinggan ni Noe ang babala ng Diyos tungkol sa mga bagay na mangyayari ngunit hindi pa niya nakikita. Gumawa siya ng isang malaking barko upang siya at ang kanyang pamilya ay maligtas. Sa pamamagitan nito'y nahatulan ang sanlibutan, ngunit si Noe ay ibinilang na matuwid dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos.

Dahil(F) sa pananampalataya, sumunod si Abraham nang siya'y utusan ng Diyos upang pumunta sa isang lupaing ipinangako sa kanya. Sumunod nga siya, kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta. Dahil(G) din sa kanyang pananampalataya, siya'y nanirahan bilang dayuhan sa lupang ipinangako sa kanya. Mga tolda ang naging tirahan niya, gayundin sina Isaac at Jacob na tumanggap ng ganoon ding pangako. 10 Sapagkat umasa si Abraham ng isang lungsod na may matatag na pundasyon at ang Diyos mismo ang nagplano at nagtayo.

11 Dahil(H) din sa pananampalataya, si Abraham ay nagkaroon ng kakayahang maging ama, kahit na siya'y matanda na at kahit si Sara ay hindi na maaaring magkaanak pa. Nanalig siyang tutuparin ng Diyos ang kanyang pangako.[a] 12 Kaya't(I) sa isang taong maituturing na halos patay na ay nagmula ang isang lahi na naging sindami ng bituin sa langit at ng di mabilang na buhangin sa dalampasigan.

13 Silang(J) lahat ay namatay na may pananampalataya. Hindi nila nakamtan ang mga ipinangako ng Diyos, ngunit natanaw nila iyon mula sa malayo at itinuring na natanggap na nila. Kinilala nilang sila'y mga dayuhan lamang at nangingibang-bayan dito sa lupa. 14 Ipinapakilala ng mga taong nagsasalita ng ganoon, na naghahanap pa sila ng sariling bayan. 15 Kung nasa isip nila ay ang lupaing kanilang pinanggalingan, may pagkakataon pa sana silang makabalik doon. 16 Ngunit ang hinahangad nila'y isang lungsod na higit na mabuti, ang lungsod na nasa langit. Kaya naman hindi ikinahiya ng Diyos na siya'y tawaging Diyos nila, sapagkat sila'y ipinaghanda niya ng isang lungsod.

17 Nang(K) subukin ng Diyos si Abraham, pananampalataya din ang nag-udyok sa kanya na ialay si Isaac bilang handog sa Diyos. Buong puso niyang inihandog ang kaisa-isa niyang anak, gayong ipinangako sa kanya ng Diyos 18 na(L) kay Isaac magmumula ang magiging lahi niya. 19 Naniwala siya na kaya ng Diyos na bumuhay ng patay, kaya't sa patalinghagang pangungusap, naibalik nga sa kanya si Isaac mula sa mga patay.

20 Dahil(M) sa pananampalataya, iginawad ni Isaac kina Jacob at Esau ang pagpapala para sa hinaharap.

21 Dahil(N) sa pananampalataya, iginawad ni Jacob ang pagpapala sa dalawang anak ni Jose bago siya namatay. Humawak siya sa kanyang tungkod at sumamba sa Diyos.

22 Dahil(O) sa pananampalataya, sinabi ni Jose, nang siya'y malapit nang mamatay, ang tungkol sa pag-alis ng mga Israelita sa Egipto, at ipinagbilin sa kanila na dalhin ang kanyang mga buto sa kanilang pag-alis.

23 Dahil(P) sa pananampalataya, ang mga magulang ni Moises ay hindi natakot na sumuway sa utos ng hari; nang makita nilang maganda ang sanggol, itinago nila ito sa loob ng tatlong buwan.

24 Dahil(Q) sa pananampalataya, tumanggi si Moises, nang siya'y mayroon nang sapat na gulang, na tawagin siyang anak ng prinsesang anak ng hari. 25 Inibig pa niyang makihati sa kaapihang dinaranas ng bayan ng Diyos kaysa magtamasa ng mga panandaliang aliw na dulot ng kasalanan. 26 Itinuring niyang higit na mahalaga ang pagtitiis sa hirap dahil sa Mesiyas kaysa ang mga kayamanan ng Egipto; sapagkat nakatuon ang kanyang paningin sa mga gantimpala sa hinaharap.

27 Pananampalataya din ang nag-udyok kay Moises na lisanin ang Egipto nang hindi natatakot sa galit ng hari. Matatag ang kanyang kalooban sapagkat para niyang nakita ang Diyos. 28 Dahil(R) din sa pananampalataya, itinatag niya ang Paskwa at iniutos sa mga Israelita na pahiran ng dugo ang pintuan ng kanilang mga bahay upang huwag patayin ng Anghel na Mamumuksa ang kanilang mga panganay.

29 Dahil(S) sa pananampalataya, nakatawid ang mga Israelita sa Dagat na Pula na parang lumalakad sa tuyong lupa, samantalang nalunod naman ang mga Egipcio nang ang mga ito'y tumawid.

30 Dahil(T) sa pananampalataya ng mga Israelita, gumuho ang pader ng Jerico matapos silang maglakad sa palibot nito nang pitong araw. 31 Dahil(U) sa pananampalataya, si Rahab, ang babaing nagbebenta ng aliw, ay hindi napahamak na kasama ng mga ayaw sumunod sa Diyos, sapagkat malugod niyang pinatuloy ang mga espiyang Israelita.

32 Magpapatuloy(V) pa ba ako? Kulang ang panahon para maisalaysay ko ang tungkol kina Gideon, Barak, Samson, Jefte, David, Samuel, at mga propeta. 33 Dahil(W) sa pananampalataya, nagwagi sila laban sa mga kaharian, nagpatupad ng katarungan, at nagkamit ng mga ipinangako ng Diyos. Napaamo nila ang mga leon, 34 napatay(X) ang naglalagablab na apoy, at nakaligtas sila sa mga talim ng tabak. Sila'y mahihina ngunit binigyan ng lakas upang maging magiting sa digmaan, kaya't natalo ang hukbo ng mga dayuhan. 35 Dahil(Y) sa pananampalataya, ibinalik sa ilang mga babae ang kanilang mga mahal sa buhay na namatay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay.

May mga tumangging sila'y palayain, sapagkat pinili nila ang mamatay sa pahirap upang sila'y muling buhayin at magtamo ng mas mabuting buhay. 36 Mayroon(Z) namang hinamak at hinagupit, at mayroon ding ikinadena at ibinilanggo. 37 Ang(AA) iba naman ay pinagbabato, nilagari sa dalawa, [tinukso],[b] at pinatay sa tabak. Ang iba'y nagdamit ng balat ng tupa at kambing, ang iba'y namulubi, inapi, at pinagmalupitan. 38 Hindi karapat-dapat sa kanila ang daigdig! Nagpagala-gala sila sa mga ilang at kabundukan. Nagtago sila sa mga yungib at lungga sa lupa.

39 At dahil sa kanilang pananampalataya, nag-iwan sila ng isang kasaysayang hindi makakalimutan kailanman. Ang lahat ng mga ito, bagama't may mabuting patotoo dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi tumanggap ng ipinangako, 40 sapagkat may mas magandang plano ang Diyos para sa atin, upang sila'y hindi maging ganap malibang kasama tayo.

Footnotes

  1. Mga Hebreo 11:11 Dahil din sa pananampalataya…pangako: Sa ibang matatandang manuskrito'y Dahil din sa pananampalataya sa Diyos, si Sara, kahit matanda na, ay niloob ng Diyos na magkaanak sapagkat nanalig siya na tapat ang nangako .
  2. Mga Hebreo 11:37 tinukso: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang salitang ito.

11 What is faith? It is the confident assurance that something we want is going to happen. It is the certainty that what we hope for is waiting for us, even though we cannot see it up ahead. Men of God in days of old were famous for their faith.

By faith—by believing God—we know that the world and the stars—in fact, all things—were made at God’s command; and that they were all made from things that can’t be seen.[a]

It was by faith that Abel obeyed God and brought an offering that pleased God more than Cain’s offering did. God accepted Abel and proved it by accepting his gift; and though Abel is long dead, we can still learn lessons from him about trusting God.

Enoch trusted God too, and that is why God took him away to heaven without dying; suddenly he was gone because God took him. Before this happened God had said[b] how pleased he was with Enoch. You can never please God without faith, without depending on him. Anyone who wants to come to God must believe that there is a God and that he rewards those who sincerely look for him.

Noah was another who trusted God. When he heard God’s warning about the future, Noah believed him even though there was then no sign of a flood, and wasting no time, he built the ark and saved his family. Noah’s belief in God was in direct contrast to the sin and disbelief of the rest of the world—which refused to obey—and because of his faith he became one of those whom God has accepted.

Abraham trusted God, and when God told him to leave home and go far away to another land that he promised to give him, Abraham obeyed. Away he went, not even knowing where he was going. And even when he reached God’s promised land, he lived in tents like a mere visitor as did Isaac and Jacob, to whom God gave the same promise. 10 Abraham did this because he was confidently waiting for God to bring him to that strong heavenly city whose designer and builder is God.

11 Sarah, too, had faith, and because of this she was able to become a mother in spite of her old age, for she realized that God, who gave her his promise, would certainly do what he said. 12 And so a whole nation came from Abraham, who was too old to have even one child—a nation with so many millions of people that, like the stars of the sky and the sand on the ocean shores, there is no way to count them.

13 These men of faith I have mentioned died without ever receiving all that God had promised them; but they saw it all awaiting them on ahead and were glad, for they agreed that this earth was not their real home but that they were just strangers visiting down here. 14 And quite obviously when they talked like that, they were looking forward to their real home in heaven.

15 If they had wanted to, they could have gone back to the good things of this world. 16 But they didn’t want to. They were living for heaven. And now God is not ashamed to be called their God, for he has made a heavenly city for them.

17 While God was testing him, Abraham still trusted in God and his promises, and so he offered up his son Isaac and was ready to slay him on the altar of sacrifice; 18 yes, to slay even Isaac, through whom God had promised to give Abraham a whole nation of descendants!

19 He believed that if Isaac died God would bring him back to life again; and that is just about what happened, for as far as Abraham was concerned, Isaac was doomed to death, but he came back again alive! 20 It was by faith that Isaac knew God would give future blessings to his two sons, Jacob and Esau.

21 By faith Jacob, when he was old and dying, blessed each of Joseph’s two sons as he stood and prayed, leaning on the top of his cane.

22 And it was by faith that Joseph, as he neared the end of his life, confidently spoke of God bringing the people of Israel out of Egypt; and he was so sure of it that he made them promise to carry his bones with them when they left!

23 Moses’ parents had faith too. When they saw that God had given them an unusual child, they trusted that God would save him from the death the king commanded, and they hid him for three months and were not afraid.

24-25 It was by faith that Moses, when he grew up, refused to be treated as the grandson of the king, but chose to share ill-treatment with God’s people instead of enjoying the fleeting pleasures of sin. 26 He thought that it was better to suffer for the promised Christ than to own all the treasures of Egypt, for he was looking forward to the great reward that God would give him. 27 And it was because he trusted God that he left the land of Egypt and wasn’t afraid of the king’s anger. Moses kept right on going; it seemed as though he could see God right there with him. 28 And it was because he believed God would save his people that he commanded them to kill a lamb as God had told them to and sprinkle the blood on the doorposts of their homes so that God’s terrible Angel of Death could not touch the oldest child in those homes as he did among the Egyptians.

29 The people of Israel trusted God and went right through the Red Sea as though they were on dry ground. But when the Egyptians chasing them tried it, they all were drowned.

30 It was faith that brought the walls of Jericho tumbling down after the people of Israel had walked around them seven days as God had commanded them. 31 By faith—because she believed in God and his power—Rahab the harlot did not die with all the others in her city when they refused to obey God, for she gave a friendly welcome to the spies.

32 Well, how much more do I need to say? It would take too long to recount the stories of the faith of Gideon and Barak and Samson and Jephthah and David and Samuel and all the other prophets. 33 These people all trusted God and as a result won battles, overthrew kingdoms, ruled their people well, and received what God had promised them; they were kept from harm in a den of lions 34 and in a fiery furnace. Some, through their faith, escaped death by the sword. Some were made strong again after they had been weak or sick. Others were given great power in battle; they made whole armies turn and run away. 35 And some women, through faith, received their loved ones back again from death. But others trusted God and were beaten to death, preferring to die rather than turn from God and be free—trusting that they would rise to a better life afterwards.

36 Some were laughed at and their backs cut open with whips, and others were chained in dungeons. 37-38 Some died by stoning and some by being sawed in two; others were promised freedom if they would renounce their faith, then were killed with the sword. Some went about in skins of sheep and goats, wandering over deserts and mountains, hiding in dens and caves. They were hungry and sick and ill-treated—too good for this world. 39 And these men of faith, though they trusted God and won his approval, none of them received all that God had promised them; 40 for God wanted them to wait and share the even better rewards that were prepared for us.

Footnotes

  1. Hebrews 11:3 things that can’t be seen. Perhaps the reference is to atoms, electrons, etc.
  2. Hebrews 11:5 God had said, implied.