Add parallel Print Page Options

Sa pananampalataya si (A)Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan; at hindi siya nasumpungan, sapagka't siya'y inilipat ng Dios: sapagka't bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siya'y naging kalugodlugod sa Dios:

At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap.

Sa pananampalataya si Noe, (B)nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong (C)sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay (D)hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng (E)katuwiran na ayon sa pananampalataya.

Read full chapter