Add parallel Print Page Options

Sa pananampalataya ay natatalastas natin na ang sanglibutan ay natatag (A)sa pamamagitan ng salita ng Dios, (B)ano pa't ang nakikita ay hindi ginawa sa mga bagay na nakikita.

Sa pananampalataya si (C)Abel ay naghandog sa Dios ng lalong mabuting hain kay sa kay Cain, sa pamamagitan nito'y sinaksihan sa kaniyang siya'y matuwid, na nagpapatotoo ang Dios tungkol sa kaniyang mga kaloob: at sa pamamagitan nito patay na siya ay nagsasalita pa.

Sa pananampalataya si (D)Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan; at hindi siya nasumpungan, sapagka't siya'y inilipat ng Dios: sapagka't bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siya'y naging kalugodlugod sa Dios:

Read full chapter