Print Page Options

10 Yamang ang kautusan ay anino lamang ng mabubuting bagay na darating, at hindi ang tunay na larawan ng mga bagay na ito, kailanman ay hindi nito mapapasakdal ang mga lumalapit sa pamamagitan ng gayunding mga alay na laging inihahandog taun-taon.

Sapagkat kung di gayon, hindi ba sana ay itinigil nang ihandog ang mga iyon? Kung ang mga sumasamba na nalinis nang minsan, sana ay hindi na sila nagkaroon pa ng kamalayan sa kasalanan.

Ngunit sa pamamagitan ng mga handog na ito ay may pagpapaalala ng mga kasalanan taun-taon.

Sapagkat hindi maaaring mangyari na ang dugo ng mga toro at ng mga kambing ay makapag-alis ng mga kasalanan.

Kaya't(A) pagdating ni Cristo[a] sa sanlibutan ay sinabi niya,

“Hindi mo nais ang alay at handog,
    ngunit ipinaghanda mo ako ng isang katawan;
sa mga handog na sinusunog at sa mga handog para sa mga kasalanan
    ay hindi ka nalugod.
Kaya't sinabi ko, ‘Narito, ako'y dumating upang gawin ang iyong kalooban, O Diyos,’
    sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.”

Nang sabihin niya sa itaas na, “Hindi mo ibig at hindi mo rin kinalugdan ang alay at mga handog, at mga buong handog na sinusunog at mga alay para sa kasalanan” na inihahandog ayon sa kautusan,

pagkatapos ay idinagdag niya, “Narito, ako'y dumating upang gawin ang iyong kalooban.” Inalis niya ang una, upang maitatag ang ikalawa,

10 at sa pamamagitan ng kalooban niya tayo'y ginawang banal sa pamamagitan ng pag-aalay ng katawan ni Cristo minsan magpakailanman.

11 At(B) bawat pari ay tumatayo araw-araw na naglilingkod at paulit-ulit na nag-aalay ng gayunding mga handog na kailanman ay hindi nakapag-aalis ng mga kasalanan.

12 Ngunit(C) nang makapaghandog si Cristo[b] ng isa lamang alay para sa mga kasalanan para sa lahat ng panahon, siya ay umupo sa kanan ng Diyos,

13 at buhat noon ay naghihintay hanggang sa ang kanyang mga kaaway ay maging tuntungan ng kanyang mga paa.

14 Sapagkat sa pamamagitan ng isang pag-aalay ay kanyang pinasakdal para sa lahat ng panahon ang mga pinababanal.

15 At ang Espiritu Santo ay nagpapatotoo rin sa atin, sapagkat pagkatapos niyang sabihin,

16 “Ito(D) ang tipan na aking gagawin sa kanila,
    pagkatapos ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon;
ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang mga puso,
    at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang pag-iisip,”

17 sinabi(E) rin niya,

“At ang kanilang mga kasalanan at mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa.”

18 Kung saan may kapatawaran ng mga ito, ay wala ng pag-aalay para sa kasalanan.

Lumapit Tayo sa Diyos

19 Kaya, mga kapatid, yamang mayroon tayong pagtitiwala na pumasok sa santuwaryo sa pamamagitan ng dugo ni Jesus,

20 na kanyang binuksan para sa atin ang isang bago at buháy na daan, sa pamamagitan ng tabing, samakatuwid ay sa kanyang laman,

21 at yamang mayroon tayong isang pinakapunong pari sa bahay ng Diyos,

22 tayo'y(F) lumapit na may tapat na puso sa lubos na katiyakan ng pananampalataya, na ang mga puso ay winisikang malinis mula sa isang masamang budhi at nahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig.

23 Panghawakan nating matatag ang pagpapahayag ng ating pag-asa nang walang pag-aalinlangan, sapagkat siya na nangako ay tapat.

24 At ating isaalang-alang kung papaano gigisingin ang isa't isa sa pag-ibig at sa mabubuting gawa,

25 na huwag nating pabayaan ang ating pagtitipon, gaya ng ugali ng iba, kundi palakasin ang loob ng isa't isa, lalung-lalo na kapag inyong nakikita na papalapit na ang Araw.

26 Sapagkat kung sinasadya nating magkasala, matapos nating tanggapin ang lubos na pagkakilala sa katotohanan, ay wala ng natitira pang alay para sa mga kasalanan,

27 kundi(G) isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang naglalagablab na apoy na tutupok sa mga kaaway.

28 Ang(H) sumuway sa kautusan ni Moises, sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay walang awang namamatay.

29 Gaano(I) pa kayang higpit na parusa sa akala ninyo, ang nararapat sa kanila na yumurak sa Anak ng Diyos at lumapastangan sa dugo ng tipan na nagpabanal sa kanila, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya?

30 Sapagkat(J) kilala natin ang nagsabi, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti.” At muli, “Huhukuman ng Panginoon ang kanyang bayan.”

31 Isang kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Diyos na buháy.

32 Subalit alalahanin ninyo ang mga nakaraang araw, na pagkatapos na kayo'y maliwanagan, ay nagtiis kayo ng matinding pakikipaglaban na may pagdurusa,

33 na kung minsan ay hayagang inilalantad sa pag-alipusta at pag-uusig, at kung minsan ay nagiging mga kabahagi ng mga nagdaranas ng gayon.

34 Sapagkat kayo'y nahabag sa mga bilanggo, at tinanggap ninyo nang buong galak ang pagkasamsam sa inyong mga ari-arian, palibhasa'y inyong nalalamang mayroon kayong isang pag-aaring higit na mabuti at tumatagal.

35 Kaya't huwag ninyong itakuwil ang inyong pagtitiwala na may dakilang gantimpala.

36 Sapagkat kailangan ninyo ng pagtitiis, upang kapag inyong nagampanan ang kalooban ng Diyos ay tanggapin ninyo ang pangako.

37 Sapagkat(K) “sa sandaling panahon,
    ang siyang dumarating ay darating, at hindi maaantala.
38 Ngunit ang aking matuwid na lingkod ay mabubuhay sa pananampalataya.
    Ngunit kung siya'y tumalikod, ang aking kaluluwa ay hindi malulugod sa kanya.”

39 Ngunit tayo'y hindi kabilang sa mga umuurong kaya't sila'y napapahamak, kundi kabilang sa mga may pananampalataya kaya't naliligtas.

Footnotes

  1. Mga Hebreo 10:5 Sa Griyego ay niya .
  2. Mga Hebreo 10:12 Sa Griyego ay siya .

Ang Hain ni Cristo ay Minsanan Lang

10 Ang kautusan ay isang anino ng mabubuting bagay na darating. Hindi iyon ang wangis ng mga tunay na bagay. Bawat taon patuloy silang naghahandog ng gayunding mga handog na kailanman ay hindi nagpapaging-ganap sa kanila na lumalapit.

Hindi ba sila ay titigil na sa paghahandog ng mga handog? Kung minsan sila ay naghandog ng mga hain na maglilinis sa mga sumasamba, hindi na sila kailanman uusigin ng kanilang mga kasalanan. Subalit sa bawat taon ang mga haing iyon ay nagpapaala-ala sa kanila ng kanilang mga kasalanan. Sapagkat hindi maaaring maalis ng dugo ng mga baka at kambing ang mga kasalanan.

Kaya nga, nang dumating siya sa sanlibutan, sinabi niya:

Hindi mo inibig ang mga handog at mga hain. Ngunit naghanda ka ng katawan para sa akin.

Hindi ka nalugod sa mga handog na susu­nugin at mga hain para sa mga kasalanan. Pagkatapos nito, sinabi ko: Narito, dumarating ako sa balumbon ng aklat na nasulat patungkol sa akin, upang sundin ang iyong kalooban, O Diyos.

Una, sinabi niya:

Hindi mo inibig ang mga handog at mga hain. Hindi ka nalulugod sa mga handog na susu­nugin at mga hain para sa kasalanan. Ang mga ito ay hinihingi ng kautusan na ihandog.

Pagkatapos sinabi niya:

Narito, ako ay naparito upang gawin ang iyong kalooban, O Diyos.

Upang maitatag niya ang ikalawa, inalis niya ang una.

10 Sa pamamagitan ng kaniyang kalooban, ginagawa tayong banal sa pamamagitan ng paghandog ng katawan ni Jesucristo minsan at magpakailanman.

11 At sa bawat araw ang bawat saserdote ay tumatayo at naglilingkod. Siya ay palaging naghahandog ng gayunding mga handog na kailanman ay hindi makapag-aalis ng mga kasalanan. 12 Ngunit pagkatapos niyang maghandog ng isang hain para sa mga kasalanan magpakailanaman, siya ay umupo sa kanang dako ng Diyos. 13 Mula sa panahong iyon, siya ay naghihintay hanggang mailagay na ang tuntungan ng kaniyang mga paa ang kaniyang mga kaaway. 14 Sapagkat sa pamama­gitan ng paghahandog ng isang hain, ginawa niyang ganap magpakailanman ang mga pinapaging-banal.

15 At ang Banal na Espiritu rin ang nagpatotoo sa atin, una, sinabi niya:

16 Akong Panginoon ay nagsasabi: Ito ang tipan na gagawin ko sa kanila, pagkatapos ng mga araw na iyon. Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang mga puso. At isusulat ko rin ang mga ito sa kanilang mga kaisipan.

17 Pagkatapos nito ay sinabi niya:

Hindi ko na kailanman aalalahanin pa ang kani­lang mga kasalanan at ang kanilang mga hindi pagkilala sa kautusan ng Diyos.

18 Ngunit kung saan mayroong kapatawaran sa mga ito, hindi na kailangan pang maghandog ng mga hain para sa kasalanan.

Isang Panawagan sa Atin na Tayo ay Magtiyaga

19 Mga kapatid, yamang tayo nga ay mayroon katiyakan sa pamamagitan ng dugo ni Jesus, makakapasok na tayo sa kabanal-banalang dako.

20 Siya ay nagtatag ng isang bago at buhay na daan para sa atin sa pamamagitan ng tabing na kaniyang katawan. 21 At mayroon tayong dakilang saserdote na namu­muno sa bahay ng Diyos. 22 Tayo ay lumapit na may tapat na puso at lubos na pagtitiwala ng pananampalataya dahil winisikan na Diyos ang ating mga puso upang malinis ang ating masamang budhi at gayundin hinugasan ang ating mga katawan ng dalisay na tubig. 23 Manangan tayong matibay sa pag-asang ipina­hahayag natin na walang pag-aalinlangan sapagkat siya na nangako ay matapat. 24 Isaalang-alang natin na magpalakasan tayo ng loob sa isa’t isa patungo sa pag-ibig at mga mabubuting gawa. 25 Huwag nating pabayaan ang ating pagtitipun-tipon katulad ng iba na may ganyang kaugalian. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa’t isa, lalo na, na inyong nakikita na nalalapit na ang araw.

26 Sapagkat tinanggap na natin ang kaalaman ng katoto­hanan at kung sinasadya natin ang pagkakasala, wala nang natitira pang handog para sa mga kasalanan. 27 Ang natitira na lamang ay ang kakila-kilabot na paghihintay para sa paghu­hukom at nagngangalit na apoy na siyang lalamon sa mga kaaway. 28 Kung tumatanggi ang isang tao sa kautusan ni Moises, mamamatay siya na walang kaawaan ayon sa patotoo ng dalawang o tatlong saksi. 29 Ang isang tao na tumatanggi sa Anak ng Diyos at itinuring na marumi ang dugo ng tipan na naglinis sa kaniya at tumatanggi sa Espiritu na nagbibigay ng biyaya, kung ginagawa niya ang mga ito, gaanong bigat na parusa sa palagay ninyo ang tatanggapin niya? 30 Sapagkat kilala natin siya na nagsabi: Akin ang paghihiganti. Ako ang gaganti, sabi ng Panginoon. At muli, sinabi niya: Ang Pangi­noon ang hahatol sa kaniyang mga tao. 31 Kung ang isa ay mahulog sa mga kamay ng buhay na Diyos, ito ay kakila-kilabot na bagay.

32 Ngunit alalahanin ninyo ang mga araw na nagdaan. Pagkatapos ninyong tanggapin ang liwanag, nagbata kayo ng mahigpit na pakikibaka sa mga paghihirap. 33 Sa isang dako, hayagan kayong inalipusta at inusig. Sa kabilang dako naman, nakasama kayo ng mga nakaranas ng gayong paghihirap. 34 Sapagkat dinamayan ninyo ako nang ako ay nasa kulungan. At nang kamkamin nila ang inyong ari-arian, tinanggap ninyo ito na may kagalakan, yamang nalalaman ninyo na mayroon kayong higit na mabuti at walang hanggang pag-aari sa langit.

35 Kaya nga, huwag ninyong itakwil ang inyong pagtitiwala na may dakilang gantimpala. 36 Sapagkat kailangan ninyo ang pagtitiis upang pagkatapos maisagawa ang kalooban ng Diyos ay matanggap ninyo ang kaniyang pangako. 37 Sapagkat sa napa­ikling panahon na lamang:

Siya na paparito ay darating na at hindi siya magtatagal.

38 Ngunit ang matuwid ay mabu­buhay sa pamamagitan ng pananampalataya. At kung siya ay tumalikod, hindi malulugod ang aking kaluluwa sa kaniya.

39 Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumalikod patungo sa pagkawasak. Sa halip tayo ay kabilang sa mga sumasam­palataya sa ikaliligtas ng kaluluwa.

10 Sapagka't ang kautusan na may isang anino ng mabubuting bagay na darating, hindi ang tunay na larawan ng mga bagay, kailan pa man ay di maaaring magpasakdal sa mga nagsisilapit sa pamamagitan ng mga hain na laging inihahandog sa taon-taon.

Sa ibang paraan ay hindi kaya baga nagsipaglikat sila ng paghahandog? sapagka't ang mga nagsisisamba, yamang nalinis na minsan, ay hindi na sana nagkaroon pa ng budhi sa mga kasalanan.

Nguni't sa mga hain yaon ginagawa ang pagaalaala sa mga kasalanan taon-taon.

Sapagka't di maaari na ang dugo ng mga baka at ng mga kambing ay makapagalis ng mga kasalanan.

Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo;

Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod.

Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.) Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban.

Sa itaas ay sinasabi, Mga hain at mga handog at mga handog na susunuging buo at mga haing patungkol sa kasalanan ay hindi mo ibig, at di mo rin kinalulugdan (mga bagay na inihahandog ayon sa kautusan),

Saka sinabi niya, Narito, ako'y pumarito upang gawin ang iyong kalooban. Inaalis niya ang una, upang maitatag ang ikalawa.

10 Sa kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man.

11 At katotohanang ang bawa't saserdote na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kailan pa man ng mga kasalanan:

12 Nguni't siya, nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios;

13 Buhat noon ay naghihintay hanggang sa ang kaniyang mga kaaway ay maging tungtungan ng kaniyang mga paa.

14 Sapagka't sa pamamagitan ng isang paghahandog ay kaniyang pinasakdal magpakailan man ang mga pinapagiging-banal.

15 At ang Espiritu Santo ay nagbibigay patotoo rin naman sa atin; sapagka't pagkasabi niya na,

16 Ito ang tipang gagawin ko sa kanila Pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang puso, At isusulat ko rin naman sa kanilang pagiisip;

17 At ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa.

18 At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan.

19 Mga kapatid, yamang may kalayaan ngang makapasok sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus,

20 Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin, sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga'y sa kaniyang laman;

21 At yamang may isang Dakilang Saserdote na pangulo sa bahay ng Dios;

22 Tayo'y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi: at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig,

23 Na ating ingatang matibay ang pagkakilala ng ating pagasa upang huwag magalinlangan: sapagka't tapat ang nangako:

24 At tayo'y mangagtinginan upang tayo'y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa;

25 Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw.

26 Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,

27 Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.

28 Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang awa:

29 Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, ang ihahatol na nauukol doon sa yumurak sa Anak ng Dios, at umaring di banal sa dugo ng tipan na nagpabanal sa kaniya, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya?

30 Sapagka't ating nakikilala yaong nagsabi, Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman ng Panginoon ang kaniyang bayan.

31 Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay.

32 Datapuwa't alalahanin ang mga nakaraang araw, na sa mga yaon, pagkatapos na kayo'y maliwanagan, ay nangagtiis kayo ng malaking pakikilaban ng mga pagbabata;

33 Na una una ay naging isang katawatawa dahil sa mga pagkasiphayo at gayon din sa mga kahirapan; at sa ikalawa, ay naging kasama niyaong mga inaring gayon.

34 Sapagka't kayo'y nangahabag sa mga may tanikala, at tinanggap ninyo ng buong galak ang pagkaagaw ng inyong pag-aari, palibhasa'y inyong nalalamang mayroon kayo sa inyong sarili ng isang pag-aaring lalong mabuti at tumatagal.

35 Huwag nga ninyong itakuwil ang inyong pagkakatiwala, na may dakilang ganting-pala.

36 Sapagka't kayo'y nangangailangan ng pagtitiis, upang kung inyong magawa ang kalooban ng Dios, ay magsitanggap kayo ng pangako.

37 Sapagka't sa madaling panahon, Siyang pumaparito ay darating, at hindi magluluwat.

38 Nguni't ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya: At kung siya ay umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa.

39 Nguni't tayo'y hindi doon sa mga nagsisibalik sa kapahamakan; kundi doon sa mga may pananampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa.

Christ’s Sacrifice Once for All

10 The law is only a shadow(A) of the good things(B) that are coming—not the realities themselves.(C) For this reason it can never, by the same sacrifices repeated endlessly year after year, make perfect(D) those who draw near to worship.(E) Otherwise, would they not have stopped being offered? For the worshipers would have been cleansed once for all, and would no longer have felt guilty for their sins.(F) But those sacrifices are an annual reminder of sins.(G) It is impossible for the blood of bulls and goats(H) to take away sins.(I)

Therefore, when Christ came into the world,(J) he said:

“Sacrifice and offering you did not desire,
    but a body you prepared for me;(K)
with burnt offerings and sin offerings
    you were not pleased.
Then I said, ‘Here I am—it is written about me in the scroll(L)
    I have come to do your will, my God.’”[a](M)

First he said, “Sacrifices and offerings, burnt offerings and sin offerings you did not desire, nor were you pleased with them”(N)—though they were offered in accordance with the law. Then he said, “Here I am, I have come to do your will.”(O) He sets aside the first to establish the second. 10 And by that will, we have been made holy(P) through the sacrifice of the body(Q) of Jesus Christ once for all.(R)

11 Day after day every priest stands and performs his religious duties; again and again he offers the same sacrifices,(S) which can never take away sins.(T) 12 But when this priest had offered for all time one sacrifice for sins,(U) he sat down at the right hand of God,(V) 13 and since that time he waits for his enemies to be made his footstool.(W) 14 For by one sacrifice he has made perfect(X) forever those who are being made holy.(Y)

15 The Holy Spirit also testifies(Z) to us about this. First he says:

16 “This is the covenant I will make with them
    after that time, says the Lord.
I will put my laws in their hearts,
    and I will write them on their minds.”[b](AA)

17 Then he adds:

“Their sins and lawless acts
    I will remember no more.”[c](AB)

18 And where these have been forgiven, sacrifice for sin is no longer necessary.

A Call to Persevere in Faith

19 Therefore, brothers and sisters, since we have confidence(AC) to enter the Most Holy Place(AD) by the blood of Jesus, 20 by a new and living way(AE) opened for us through the curtain,(AF) that is, his body, 21 and since we have a great priest(AG) over the house of God,(AH) 22 let us draw near to God(AI) with a sincere heart and with the full assurance that faith brings,(AJ) having our hearts sprinkled to cleanse us from a guilty conscience(AK) and having our bodies washed with pure water.(AL) 23 Let us hold unswervingly to the hope(AM) we profess,(AN) for he who promised is faithful.(AO) 24 And let us consider how we may spur one another on toward love and good deeds,(AP) 25 not giving up meeting together,(AQ) as some are in the habit of doing, but encouraging one another(AR)—and all the more as you see the Day approaching.(AS)

26 If we deliberately keep on sinning(AT) after we have received the knowledge of the truth,(AU) no sacrifice for sins is left, 27 but only a fearful expectation of judgment and of raging fire(AV) that will consume the enemies of God. 28 Anyone who rejected the law of Moses died without mercy on the testimony of two or three witnesses.(AW) 29 How much more severely do you think someone deserves to be punished who has trampled the Son of God(AX) underfoot,(AY) who has treated as an unholy thing the blood of the covenant(AZ) that sanctified them,(BA) and who has insulted the Spirit(BB) of grace?(BC) 30 For we know him who said, “It is mine to avenge; I will repay,”[d](BD) and again, “The Lord will judge his people.”[e](BE) 31 It is a dreadful thing(BF) to fall into the hands(BG) of the living God.(BH)

32 Remember those earlier days after you had received the light,(BI) when you endured in a great conflict full of suffering.(BJ) 33 Sometimes you were publicly exposed to insult and persecution;(BK) at other times you stood side by side with those who were so treated.(BL) 34 You suffered along with those in prison(BM) and joyfully accepted the confiscation of your property, because you knew that you yourselves had better and lasting possessions.(BN) 35 So do not throw away your confidence;(BO) it will be richly rewarded.

36 You need to persevere(BP) so that when you have done the will of God, you will receive what he has promised.(BQ) 37 For,

“In just a little while,
    he who is coming(BR) will come
    and will not delay.”[f](BS)

38 And,

“But my righteous[g] one will live by faith.(BT)
    And I take no pleasure
    in the one who shrinks back.”[h](BU)

39 But we do not belong to those who shrink back and are destroyed, but to those who have faith and are saved.

Footnotes

  1. Hebrews 10:7 Psalm 40:6-8 (see Septuagint)
  2. Hebrews 10:16 Jer. 31:33
  3. Hebrews 10:17 Jer. 31:34
  4. Hebrews 10:30 Deut. 32:35
  5. Hebrews 10:30 Deut. 32:36; Psalm 135:14
  6. Hebrews 10:37 Isaiah 26:20; Hab. 2:3
  7. Hebrews 10:38 Some early manuscripts But the righteous
  8. Hebrews 10:38 Hab. 2:4 (see Septuagint)

10 For the law having a shadow of good things to come, and not the very image of the things, can never with those sacrifices which they offered year by year continually make the comers thereunto perfect.

For then would they not have ceased to be offered? because that the worshippers once purged should have had no more conscience of sins.

But in those sacrifices there is a remembrance again made of sins every year.

For it is not possible that the blood of bulls and of goats should take away sins.

Wherefore when he cometh into the world, he saith, Sacrifice and offering thou wouldest not, but a body hast thou prepared me:

In burnt offerings and sacrifices for sin thou hast had no pleasure.

Then said I, Lo, I come (in the volume of the book it is written of me,) to do thy will, O God.

Above when he said, Sacrifice and offering and burnt offerings and offering for sin thou wouldest not, neither hadst pleasure therein; which are offered by the law;

Then said he, Lo, I come to do thy will, O God. He taketh away the first, that he may establish the second.

10 By the which will we are sanctified through the offering of the body of Jesus Christ once for all.

11 And every priest standeth daily ministering and offering oftentimes the same sacrifices, which can never take away sins:

12 But this man, after he had offered one sacrifice for sins for ever, sat down on the right hand of God;

13 From henceforth expecting till his enemies be made his footstool.

14 For by one offering he hath perfected for ever them that are sanctified.

15 Whereof the Holy Ghost also is a witness to us: for after that he had said before,

16 This is the covenant that I will make with them after those days, saith the Lord, I will put my laws into their hearts, and in their minds will I write them;

17 And their sins and iniquities will I remember no more.

18 Now where remission of these is, there is no more offering for sin.

19 Having therefore, brethren, boldness to enter into the holiest by the blood of Jesus,

20 By a new and living way, which he hath consecrated for us, through the veil, that is to say, his flesh;

21 And having an high priest over the house of God;

22 Let us draw near with a true heart in full assurance of faith, having our hearts sprinkled from an evil conscience, and our bodies washed with pure water.

23 Let us hold fast the profession of our faith without wavering; (for he is faithful that promised;)

24 And let us consider one another to provoke unto love and to good works:

25 Not forsaking the assembling of ourselves together, as the manner of some is; but exhorting one another: and so much the more, as ye see the day approaching.

26 For if we sin wilfully after that we have received the knowledge of the truth, there remaineth no more sacrifice for sins,

27 But a certain fearful looking for of judgment and fiery indignation, which shall devour the adversaries.

28 He that despised Moses' law died without mercy under two or three witnesses:

29 Of how much sorer punishment, suppose ye, shall he be thought worthy, who hath trodden under foot the Son of God, and hath counted the blood of the covenant, wherewith he was sanctified, an unholy thing, and hath done despite unto the Spirit of grace?

30 For we know him that hath said, Vengeance belongeth unto me, I will recompense, saith the Lord. And again, The Lord shall judge his people.

31 It is a fearful thing to fall into the hands of the living God.

32 But call to remembrance the former days, in which, after ye were illuminated, ye endured a great fight of afflictions;

33 Partly, whilst ye were made a gazingstock both by reproaches and afflictions; and partly, whilst ye became companions of them that were so used.

34 For ye had compassion of me in my bonds, and took joyfully the spoiling of your goods, knowing in yourselves that ye have in heaven a better and an enduring substance.

35 Cast not away therefore your confidence, which hath great recompence of reward.

36 For ye have need of patience, that, after ye have done the will of God, ye might receive the promise.

37 For yet a little while, and he that shall come will come, and will not tarry.

38 Now the just shall live by faith: but if any man draw back, my soul shall have no pleasure in him.

39 But we are not of them who draw back unto perdition; but of them that believe to the saving of the soul.