Font Size
Mga Hebreo 1:6-8
Magandang Balita Biblia
Mga Hebreo 1:6-8
Magandang Balita Biblia
6 At(A) nang isusugo na ng Diyos ang kanyang panganay na Anak sa sanlibutan ay sinabi niya,
“Dapat siyang sambahin ng lahat ng mga
anghel ng Diyos.”
7 Tungkol(B) naman sa mga anghel ay sinabi niya,
“Ginawa niyang hangin ang kanyang mga anghel,
at ningas ng apoy ang kanyang mga lingkod.”
8 Ngunit(C) tungkol sa Anak ay sinabi niya,
“Ang iyong trono, O Diyos,[a] ay magpakailan pa man,
ikaw ay maghaharing may katarungan.
Footnotes
- Mga Hebreo 1:8 Ang iyong trono, O Diyos: o kaya’y Ang Diyos ang iyong trono .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.