Font Size
Mga Gawa 7:58-60
Ang Biblia, 2001
Mga Gawa 7:58-60
Ang Biblia, 2001
58 Siya'y kanilang kinaladkad sa labas ng lunsod at pinagbabato; at inilagay ng mga saksi ang kanilang mga damit sa paanan ng isang binata na ang pangalan ay Saulo.
59 Habang binabato nila si Esteban ay nananalangin siya, “Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu.”
60 Siya'y lumuhod at sumigaw nang malakas, “Panginoon, huwag mo silang papanagutin sa kasalanang ito.” At pagkasabi niya nito ay namatay[a] siya.
Read full chapterFootnotes
- Mga Gawa 7:60 Sa Griyego ay nakatulog .