Add parallel Print Page Options

42 Datapuwa't tumalikod ang Dios, at (A)sila'y pinabayaang magsisamba sa hukbo ng langit; gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta,

(B)Hinandugan baga ninyo ako ng mga hayop na pinatay at mga hain
Na apat na pung taon sa ilang, Oh angkan ni Israel?
43 At dinala ninyo ang tabernakulo ni (C)Moloc,
At ang bituin ng dios Refan,
Ang mga larawang ginawa ninyo upang inyong sambahin:
At dadalhin ko kayo sa dako pa roon ng Babilonia.

44 Sumaating mga magulang sa ilang (D)ang tabernakulo ng patotoo, ayon sa itinakda ng nagsalita kay (E)Moises, na kaniyang gawin yaon alinsunod sa anyong kaniyang nakita.

Read full chapter