Add parallel Print Page Options

Patuloy na lumaganap ang salita ng Diyos at dumami ang mga alagad sa Jerusalem. At maraming paring Judio ang naniwala sa Magandang Balita.

Ang Pagdakip kay Esteban

Pinagpala ng Diyos si Esteban at pinagkalooban ng kapangyarihan, kaya't nakakagawa siya ng maraming kababalaghan at himala sa harapan ng madla. Minsan, nakipagtalo sa kanya ang ilang kasapi sa sinagoga ng mga Pinalaya[a], na binubuo ng mga Judiong taga-Cirene, Alejandria, Cilicia, at Asia[b].

Read full chapter

Footnotes

  1. 9 PINALAYA: Mga Judiong dating mga alipin .
  2. 9 ASIA: Nang panahong iyon, ang “Asia” ay tumutukoy sa isang lalawigan na sakop ng Imperyong Romano. Malaking bahagi ng lugar na ito ay sakop ngayon ng bansang Turkey.