Add parallel Print Page Options

Si Ananias at si Safira

Subalit mayroong mag-asawa na nagbenta ng kanilang ari-arian; Ananias ang pangalan ng lalaki at Safira naman ang babae. Hindi ibinigay ni Ananias sa mga apostol ang buong pinagbilhan na sinang-ayunan naman ng kanyang asawa. Isang bahagi lamang ang kanyang ipinagkatiwala sa mga apostol. Kaya't sinabi ni Pedro, “Ananias, bakit ka nagpadala kay Satanas at nagsinungaling ka sa Espiritu Santo? Bakit mo binawasan ang pinagbilhan mo ng lupa? Bago mo ipinagbili ang lupa, hindi ba iyo iyon? At nang maipagbili na, hindi ba iyo rin ang pinagbilhan? Bakit mo naisipang gawin iyon? Hindi ka sa tao nagsinungaling kundi sa Diyos.”

Nang(A) marinig ito ni Ananias, siya'y nalagutan ng hininga at bumagsak, at lahat ng nakabalita sa pangyayaring iyon ay pinagharian ng matinding takot. Lumapit ang ilang binata, binalot ang bangkay, at siya'y inilibing.

Pagkaraan ng may tatlong oras, dumating naman ang kanyang asawa na walang kamalay-malay sa nangyari. Kinausap siya ni Pedro, “Sabihin mo sa akin, ito nga ba lamang ang kabuuang halagang pinagbilhan ninyo ng inyong lupa?”

“Opo, iyan lamang,” sagot ng babae.

Kaya't sinabi sa kanya ni Pedro, “Bakit nagkaisa kayong subukin ang Espiritu ng Panginoon? Hayan! Kadarating pa lamang ng mga naglibing sa iyong asawa, at ikaw naman ngayon ang isusunod nila!”

10 Noon di'y nabuwal si Safira sa paanan ni Pedro at namatay. Pagpasok ng mga binata, nakita nilang patay na siya kaya't inilibing siya sa tabi ng kanyang asawa. 11 Nakadama ng matinding takot ang buong iglesya at ang lahat ng nakabalita nito.

Ang Pagpapagaling sa mga Maysakit

12 Maraming himalang ginawa ang mga apostol, na pawang nasaksihan ng mga tao. Sa Portiko ni Solomon nagtitipon ang mga mananampalataya, 13 ngunit natatakot sumama sa kanila ang mga di mananampalataya, kahit na pinupuri sila ng mga ito. 14 Samantala, parami nang parami ang mga lalaki at babaing sumasampalataya sa Panginoon. 15 Dinadala sa mga lansangan ang mga maysakit at inilalagay sa mga papag at banig upang pagdaan ni Pedro ay matamaan man lamang ng kanyang anino ang ilan sa kanila. 16 Dumating din ang maraming tao mula sa mga karatig-bayan ng Jerusalem, dala ang kanilang mga maysakit at mga pinapahirapan ng masasamang espiritu; at gumaling silang lahat.

Ang Pag-uusig sa mga Apostol

17 Labis na nainggit sa mga apostol ang pinakapunong pari at ang mga kasamahan niyang Saduseo, kaya't kumilos sila. 18 Dinakip nila ang mga apostol at ibinilanggo. 19 Ngunit kinagabiha'y binuksan ng isang anghel ng Panginoon ang bilangguan at inilabas ang mga apostol. Sinabi nito sa kanila, 20 “Pumunta kayo sa Templo at ipahayag sa mga tao ang lahat ng bagay tungkol sa bagong pamumuhay na ito.” 21 Kaya nang mag-uumaga na, pumasok sa Templo ang mga apostol at nagturo sa mga tao.

Nagtipon naman ang pinakapunong pari at ang kanyang mga kasamahan, at tumawag ng pangkalahatang pulong ng Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio at ng pamunuan ng Israel. Ipinakuha nila sa bilangguan ang mga apostol, 22 ngunit ang mga ito ay wala na nang dumating doon ang mga kawal kaya't nagbalik sila sa Kapulungan at nag-ulat, 23 “Nakita po namin na nakasusing mabuti ang pintuan ng bilangguan at nakatayo roon ang mga bantay. Ngunit nang buksan namin, wala kaming nakitang tao sa loob!” 24 Nang marinig ito, nabahala ang mga punong pari at ang kapitan ng mga bantay sa Templo. Hindi nila maubos-maisip kung ano ang nangyari sa mga apostol.

25 Siya namang pagdating ng isang taong ganito ang sabi, “Tingnan po ninyo, ang mga lalaking ipinakulong ninyo ay naroon sa Templo at nagtuturo sa mga tao.”

26 Kaya't pumunta sa Templo ang kapitan, kasama ang kanyang mga tauhan. Kinuha nila ang mga apostol, ngunit hindi sila gumamit ng dahas sa pangambang baka pagbabatuhin sila ng mga tao.

27 Iniharap nila sa Kapulungan ang mga apostol at ang mga ito'y tinanong ng pinakapunong pari. 28 “Hindi ba't mahigpit namin kayong pinagbawalang mangaral sa pangalan ng taong iyan?” sinabi(B) niya. “Ngunit tingnan ninyo ang inyong ginawa! Laganap na sa Jerusalem ang inyong itinuturo at nais pa ninyo kaming papanagutin sa pagkamatay ng taong iyan!” 29 Sumagot si Pedro at ang ibang mga apostol, “Sa Diyos kami dapat sumunod, at hindi sa tao. 30 Ang Diyos ng ating mga ninuno ang muling bumuhay kay Jesus na pinatay ninyo nang siya'y inyong ipinako sa krus.[a] 31 Iniakyat siya ng Diyos sa kanyang kanan bilang Tagapanguna at Tagapagligtas, upang bigyan ang mga Israelita ng pagkakataong magsisi at tumalikod sa kasalanan, at nang sa gayon ay magkamit sila ng kapatawaran. 32 Saksi kami sa mga bagay na ito, kami at ang Espiritu Santo na ipinagkaloob ng Diyos sa mga sumusunod sa kanya.”

33 Nagngitngit sa galit ang mga bumubuo ng Kapulungan nang marinig ito, at nais nilang ipapatay ang mga apostol. 34 Ngunit tumayo ang isa sa kanila na ang pangalan ay Gamaliel, isang Pariseong guro ng Kautusan at iginagalang ng buong bayan. Iniutos niyang ilabas muna ang mga apostol, 35 at pagkatapos ay nagsalita, “Mga kababayan, isipin ninyong mabuti ang gagawin ninyo sa mga taong ito. 36 Hindi pa nagtatagal mula nang lumitaw si Teudas na nagpanggap na isang dakilang pinuno, at nakaakit ng may apatnaraang tagasunod. Ngunit nang mapatay siya, nagkahiwa-hiwalay ang kanyang mga tauhan at nauwi sa wala ang kanilang kilusan. 37 Pagkatapos, lumitaw naman si Judas na taga-Galilea noong panahon ng pagpapatala ng mga mamamayan, at nakaakit din ito ng maraming tauhan. Nang mapatay siya, nagkawatak-watak din ang mga tagasunod niya. 38 Kaya't ganito ang payo ko: huwag ninyong pakialaman ang mga taong ito; hayaan ninyo sila. Kung ang kanilang plano o kilusan ay mula sa tao, ito'y kusang maglalaho. 39 Ngunit(C) kung ito'y mula sa Diyos, hindi ninyo ito mahahadlangan, at lilitaw pang kayo'y lumalaban sa Diyos!”

Sinunod nga nila ang payo ni Gamaliel. 40 Pinapasok nilang muli ang mga apostol, at matapos ipahagupit at pagbawalang mangaral sa pangalan ni Jesus, ang mga ito'y pinalaya. 41 Nilisan ng mga apostol ang Kapulungan at sila'y galak na galak sapagkat minarapat ng Diyos na sila'y magdanas ng kahihiyan alang-alang sa pangalan ni Jesus. 42 At araw-araw, sa Templo at sa mga bahay-bahay, walang tigil silang nagturo at nangaral ng magandang balita tungkol kay Jesus, ang Cristo.

Footnotes

  1. Mga Gawa 5:30 ipinako sa krus: Sa Griego ay ibinitin sa puno .

Ananias and Sapphira

Now a man named Ananias, with his wife Sapphira, sold a piece of property. He kept back part of the proceeds with his wife’s knowledge, and brought a part of it and placed it at the apostles’ feet.

Then Peter said, “Ananias, why has Satan filled your heart to deceive the Holy Spirit and keep back part of the proceeds of the land? While it remained unsold, was it not your own? And when it was sold, was it not under your authority? Why have you conceived this deed in your heart? You did not lie to men, but to God.”

On hearing these words, Ananias fell down and died. And great fear came on all those who heard these things. The young men rose and wrapped him up and carried him out and buried him.

About three hours later his wife came in, not knowing what had happened. Peter said to her, “Tell me whether you sold the land for this amount?”

She said, “Yes, for that much.”

Peter said to her, “How is it that you have agreed together to test the Spirit of the Lord? Look! The feet of those who have buried your husband are at the door, and they will carry you out.”

10 At once she fell down at his feet and died. Upon entering, the young men found her dead and carried her out and buried her beside her husband. 11 Great fear came on the entire church and on all those who heard these things.

Signs and Wonders

12 Many signs and wonders were performed among the people by the hands of the apostles. And they were all together in Solomon’s Porch. 13 No one else dared join them, but the people respected them. 14 Believers were increasingly added to the Lord, crowds of both men and women, 15 so that they even brought the sick out into the streets and placed them on beds and mats, that at least the shadow of Peter passing by might touch some of them. 16 Crowds also came out of the cities surrounding Jerusalem, bringing the sick and those who were afflicted by evil spirits, and they were all healed.

Persecution of the Apostles

17 Then the high priest and all those who were with him (that is, the sect of the Sadducees) rose up and were filled with jealousy. 18 They seized the apostles and put them in the common prison. 19 But during the night an angel of the Lord opened the prison doors and led them out, and said, 20 “Go, stand and speak in the temple to the people all the words of this life.”

21 Having heard this, they entered the temple at dawn and taught.

But the high priest and those who were with him came and called together the Sanhedrin and the senate of all the sons of Israel, and sent to the prison to have them brought out. 22 But when the officers came and did not find them in the prison, they returned and reported, 23 “We found the prison securely shut and the guards standing outside before the doors. But when we opened it, we found no one inside.” 24 Now when the high priest, the captain of the temple, and the chief priests heard these things, they were in doubt of what might become of this.

25 Then one came and told them, “Look, the men whom you put in prison are standing in the temple and teaching the people.” 26 Then the captain with his escorts went and brought them, without force lest they should be stoned, for they feared the people.

27 When they had brought them, they stood them before the Sanhedrin. And the high priest questioned them, 28 saying, “Did we not strictly command you not to teach in this name? Yet now you have filled Jerusalem with your teaching, and you intend to bring on us this Man’s blood.”

29 Peter and the other apostles answered, “We must obey God rather than men. 30 The God of our fathers raised Jesus, whom you killed by hanging on a tree. 31 God exalted this Man to His right hand to be a Ruler and a Savior, to give repentance to Israel and forgiveness of sins. 32 We are His witnesses to these words, as is the Holy Spirit whom God has given to those who obey Him.”

33 When they heard this, they were cut to the heart and took counsel to kill them. 34 But a Pharisee in the Sanhedrin named Gamaliel, a teacher of the law honored by all the people, stood and ordered the apostles to be put outside for a little while. 35 Then he said to them, “Men of Israel, take heed to yourselves what you intend to do concerning these men. 36 For in previous days Theudas rose up, boasting to be somebody, to whom a number of about four hundred men joined themselves. He was killed, and all who obeyed him were dispersed and came to nothing. 37 After Theudas, Judas the Galilean rose up in the days of the census and drew away many people after him. This man also perished, and all who obeyed him were scattered. 38 Now I tell you, keep away from these men and leave them alone, because if this intention or this activity is of men, it will come to nothing. 39 But if it is of God, you will not be able to overthrow them, lest perhaps you be found even fighting against God.”

40 They agreed with him. When they had called in the apostles, they beat them, and commanded them not to speak in the name of Jesus, and released them.

41 Then they departed from the presence of the Sanhedrin, rejoicing that they were counted worthy to suffer shame for His name. 42 Daily, in the temple and from house to house, they did not cease to teach and preach Jesus Christ.