Add parallel Print Page Options

Sina Pedro at Juan sa Harap ng Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio

Nagsasalita pa sina Pedro at Juan sa mga taong bayan nang dumating ang mga paring Judio,[a] ang kapitan ng mga bantay sa Templo at ang mga Saduseo. Galit na galit sila sa dalawang apostol dahil itinuturo ng mga ito sa mga tao na si Jesus ay muling nabuhay, at iyon ang katibayan na muling mabubuhay ang mga patay. Kaya't dinakip nila ang dalawa, at ikinulong muna hanggang kinabukasan sapagkat gabi na noon. Gayunman, marami sa nakarinig ng kanilang pangangaral ang sumampalataya kay Jesus, kaya't umabot sa limanlibo ang bilang ng mga lalaki.

Kinabukasan, nagtipon sa Jerusalem ang mga pinuno ng mga Judio, ang mga matatandang namumuno sa bayan at ang mga tagapagturo ng Kautusan. Kasama nila si Anas, ang pinakapunong pari, si Caifas, si Juan, si Alejandro, at ang iba pang mga kamag-anak ng pinakapunong pari. Pinatayo nila sa harap ang mga apostol at tinanong, “Sa anong kapangyarihan o sa kaninong pangalan ninyo ginagawa ang bagay na ito?”

Sumagot si Pedro na puspos ng Espiritu Santo, “Mga tagapanguna at mga pinuno ng bayan, kung sinisiyasat ninyo kami ngayon tungkol sa kabutihang ginawa namin sa lumpong ito at kung paano siya gumaling, 10 nais kong malaman ninyong lahat at ng buong Israel na ang taong ito ay nakatayo sa inyong harapan at lubusang gumaling dahil sa kapangyarihan ng pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, na inyong ipinako sa krus ngunit muling binuhay ng Diyos. 11 Ang(A) Jesus na ito

‘Ang batong itinakwil ninyong mga tagapagtayo ng bahay,
    ang siyang naging batong-panulukan.’

12 Sa kanya lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat walang ibang pangalan sa buong daigdig na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayo ay maligtas.”

13 Nagtaka ang buong Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio sa katapangang ipinakita nina Pedro at Juan, lalo na nang malaman nilang mga karaniwang tao lamang ang mga ito at hindi nakapag-aral. Nabatid nilang dating kasamahan ni Jesus ang mga ito. 14 Ngunit dahil kaharap nila ang taong pinagaling, na nakatayo sa tabi nina Pedro at Juan, wala silang masabi laban sa dalawa. 15 Kaya't ang dalawa ay pinalabas muna ng Kapulungan, at saka sila nag-usap. 16 “Ano ang gagawin natin sa mga taong ito?” tanong nila. “Hayag na sa buong Jerusalem na isang pambihirang himala ang naganap sa pamamagitan nila at hindi natin ito maikakaila. 17 Upang huwag nang kumalat ang balita tungkol dito, pagsabihan na lamang natin sila na huwag nang magsalita kaninuman sa pangalan ni Jesus.” 18 Kaya't muli nilang ipinatawag sina Pedro at pinagsabihang huwag nang magsalita o magturo pang muli sa pangalan ni Jesus.

19 Subalit sumagot sina Pedro at Juan, “Kayo na ang humatol kung alin ang tama sa paningin ng Diyos, ang sumunod sa inyo o ang sumunod sa Diyos. 20 Hindi maaaring di namin ipahayag ang aming nakita at narinig.”

21 Wala silang makitang paraan upang parusahan ang dalawa, sapagkat ang mga tao'y nagpupuri sa Diyos dahil sa nangyari. Kaya't binalaan nila ang dalawa nang lalo pang mahigpit, at saka pinalaya. 22 Ang lalaking pinagaling ay mahigit nang apatnapung taong gulang.

Panalangin Upang Magkaroon ng Katapangan

23 Nang palayain na sina Pedro at Juan, pumunta sila sa mga kasamahan nila at ibinalita ang sinabi ng mga punong pari at ng mga pinuno ng bayan. 24 Nang(B) marinig ito ng mga mananampalataya, sama-sama silang nanalangin sa Diyos, “Panginoon, kayo po ang lumikha ng langit at ng lupa, ng dagat at ng lahat ng nasa mga ito! 25 Kayo(C) po ang nagsalita sa pamamagitan ng aming ninunong si David na inyong lingkod nang sabihin niya sa patnubay ng Espiritu Santo,

‘Bakit galit na galit ang mga Hentil,
    at ang mga tao'y nagbalak ng mga bagay na walang kabuluhan?
26 Naghanda para sa digmaan ang mga hari sa lupa,
    at nagtipon ang mga pinuno
    laban sa Panginoon at sa kanyang Hinirang[b].’

27 Nagkatipon(D) nga sa lungsod na ito sina Herodes at Poncio Pilato, kasama ang mga Hentil at ang buong Israel, laban sa inyong banal na Lingkod na si Jesus, ang inyong Hinirang. 28 Nagkatipon sila upang isagawa ang lahat ng bagay na inyong itinakda noong una pa man ayon sa inyong kapangyarihan at kalooban. 29 At ngayon, Panginoon, tingnan ninyo, pinagbabantaan nila kami. Bigyan ninyo ng katapangan ang inyong mga alipin upang ipangaral ang inyong salita. 30 Iunat ninyo ang inyong kamay upang magpagaling, at loobin ninyo na sa pangalan ng inyong banal na Lingkod[c] na si Jesus ay makagawa kami ng mga himala.”

31 Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang kanilang pinagtitipunan. Silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at buong tapang na nangaral ng salita ng Diyos.

Ang Pagtutulungan ng mga Mananampalataya

32 Nagkaisa(E) ang damdamin at isipan ng lahat ng mananampalataya, at di itinuring ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat. 33 Taglay ang dakilang kapangyarihan, ang mga apostol ay patuloy na nagpapatotoo tungkol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus.[d] At ang masaganang pagpapala ay tinaglay nilang lahat. 34 Walang kinakapos sa kanila sapagkat ipinagbibili nila ang kani-kanilang lupa o bahay, at ang pinagbilhan 35 ay ipinagkakatiwala nila sa mga apostol. Ipinamamahagi naman iyon ayon sa pangangailangan ng bawat isa.

36 Ganoon ang ginawa ni Jose, isang Levitang taga-Cyprus, na tinawag ng mga apostol na Bernabe, na ang ibig sabihi'y “Anak ng Pagpapalakas-loob.” 37 Ipinagbili niya ang kanyang bukid at ipinagkatiwala sa mga apostol ang pinagbilhan.

Footnotes

  1. Mga Gawa 4:1 paring Judio: Sa ibang manuskrito'y mga punong pari.
  2. Mga Gawa 4:26 Hinirang: Sa Griego ay Cristo .
  3. Mga Gawa 4:30 Lingkod: o kaya'y Anak .
  4. Mga Gawa 4:33 Panginoong Jesus: Sa ibang manuskrito'y Panginoong Jesu-Cristo .

Peter and John Before the Sanhedrin

As they spoke to the people, the priests, the captain of the temple, and the Sadducees came upon them, being greatly troubled because they taught the people and preached through Jesus the resurrection from the dead. And they seized them and put them in custody until the next day, for it was already evening. But many of those who heard the word believed, and the number of the men grew to about five thousand.

On the next day their rulers and elders and scribes were assembled at Jerusalem with Annas the high priest, and Caiaphas, and John and Alexander, and all who were of the family of the high priest. When they had stood them in the midst, they asked, “By what power or by what name have you done this?”

Then Peter, filled with the Holy Spirit, said to them, “Rulers of the people and elders of Israel: If we today are being examined concerning a good deed done to a crippled man, how this man has been healed, 10 be it known to you all, and to all the people of Israel, that by the name of Jesus Christ of Nazareth, whom you crucified, whom God raised from the dead, by Him this man stands before you whole. 11 He is

‘the stone you builders rejected,
    which has become the cornerstone.’[a]

12 There is no salvation in any other, for there is no other name under heaven given among men by which we must be saved.”

13 When they saw the boldness of Peter and John and perceived that they were illiterate and uneducated men, they marveled. And they recognized that they had been with Jesus. 14 But seeing the man who was healed standing with them, they had nothing to say against it. 15 So when they had commanded them to go outside of the Sanhedrin, they conferred among themselves, 16 saying, “What shall we do to these men? For, indeed, that an acknowledged miracle has been done through them is revealed to all who dwell in Jerusalem, and we cannot deny it. 17 But lest it spread further among the people, let us threaten them that they no longer speak to anyone in this name.”

18 Then they called them and commanded them not to speak or teach at all in the name of Jesus. 19 But Peter and John answered them, “Whether it is right in the sight of God to listen to you more than to God, you judge. 20 For we cannot help but declare what we have seen and heard.”

21 When they had further threatened them, they let them go, finding no way to punish them, because of the people. For all glorified God for what was done, 22 for the man on whom this miracle of healing was performed was over forty years old.

The Believers Pray for Boldness

23 On being released, they went to their own people and reported what the chief priests and elders had said to them. 24 When they heard this, they lifted their voices in unity to God and prayed, “Lord, You are God, who has made the heaven and the earth and the sea and everything in them, 25 and who by the mouth of Your servant David said:

‘Why did the nations rage,
    and the people devise vain things?
26 The kings of the earth came,
    and the rulers were assembled together
against the Lord
    and against His Christ.’[b]

27 Indeed, both Herod and Pontius Pilate, with the Gentiles and the people of Israel, were assembled together against Your holy Son Jesus whom You have anointed, 28 to do what Your hand and Your counsel had foreordained to be done. 29 Now, Lord, look on their threats and grant that Your servants may speak Your word with great boldness, 30 by stretching out Your hand to heal and that signs and wonders may be performed in the name of Your holy Son Jesus.”

31 When they had prayed, the place where they were assembled together was shaken. And they were all filled with the Holy Spirit and spoke the word of God with boldness.

All Things in Common

32 All the believers were of one heart and one soul, and no one said that what he possessed was his own. But to them all things were in common. 33 With great power the apostles testified to the resurrection of the Lord Jesus, and great grace was on them all. 34 There was no one among them who lacked, for all those who were owners of land or houses sold them, and brought the income from what was sold, 35 and placed it at the apostles’ feet. And it was distributed to each according to his need.

36 Joseph, whom the apostles called Barnabas (which means, Son of Encouragement), a Levite from the land of Cyprus, 37 sold a field he owned, and brought the money and placed it at the apostles’ feet.