Font Size
Mga Gawa 24:24-26
Ang Biblia, 2001
Mga Gawa 24:24-26
Ang Biblia, 2001
Iniharap si Pablo kina Felix at Drusila
24 Pagkaraan ng ilang mga araw, si Felix ay dumating na kasama si Drusila na kanyang asawa, na isang Judio, at ipinatawag si Pablo, at siya'y pinakinggang magsalita tungkol sa pananampalataya kay Cristo Jesus.
25 Samantalang tinatalakay niya ang tungkol sa katuwiran, pagpipigil sa sarili, at sa paghuhukom na darating, nangilabot si Felix at sumagot, “Umalis ka muna ngayon at kapag nagkaroon ako ng pagkakataon ay ipatatawag kita.”
26 Kanyang inaasahan din na siya'y bibigyan ni Pablo ng salapi. Kaya't madalas niyang ipinapatawag si Pablo,[a] at sa kanya'y nakikipag-usap.
Read full chapterFootnotes
- Mga Gawa 24:26 Sa Griyego ay siya .