Add parallel Print Page Options

Nagtungo si Pablo sa Jerusalem

21 Nang kami'y humiwalay sa kanila at naglakbay, tuluy-tuloy na tinungo namin ang Cos at nang sumunod na araw ay ang Rodas, at buhat doon ay ang Patara.

Nang aming matagpuan ang isang barko na daraan sa Fenicia, sumakay kami at naglakbay.

Natanaw namin ang Cyprus sa dakong kaliwa; at naglakbay kami hanggang sa Siria at dumaong sa Tiro, sapagkat ibinaba roon ng barko ang mga karga nito.

Hinanap namin doon ang mga alagad at tumigil kami roon ng pitong araw. Sa pamamagitan ng Espiritu ay sinabi nila kay Pablo na huwag siyang pumunta sa Jerusalem.

At nang matapos na ang aming mga araw doon, umalis kami at nagpatuloy sa aming paglalakbay, at silang lahat, kasama ang mga asawa at mga anak, ay inihatid kami sa aming patutunguhan hanggang sa labas ng bayan. Pagkatapos naming lumuhod sa baybayin at nanalangin,

kami ay nagpaalam sa isa't isa. Pagkatapos, lumulan na kami sa barko at sila'y umuwi na sa kanilang mga bahay.

Nang aming matapos na ang paglalakbay buhat sa Tiro, dumating kami sa Tolemaida; at binati namin ang mga kapatid at kami'y nanatiling kasama nila ng isang araw.

Kinabukasan,(A) lumabas kami at dumating sa Cesarea; at pumasok kami sa bahay ni Felipe na ebanghelista, na isa sa pito, at nanatili kaming kasama niya.

Siya ay may apat na anak na dalaga[a] na nagsasalita ng propesiya.

10 Habang(B) naroon kami ng ilang araw, isang propeta na ang pangalan ay Agabo ang dumating mula sa Judea.

11 Paglapit sa amin, kinuha niya ang sinturon ni Pablo, at ginapos niya ang kanyang sariling mga paa't kamay, at sinabi, “Ganito ang sinasabi ng Espiritu Santo, ‘Ganito gagapusin ng mga Judio sa Jerusalem ang lalaking may-ari ng sinturong ito, at siya'y kanilang ibibigay sa mga kamay ng mga Hentil.’”

12 Nang marinig namin ang mga bagay na ito, kami at pati ang mga tagaroon ay nakiusap sa kanya na huwag nang umahon patungo sa Jerusalem.

13 Kaya't sumagot si Pablo, “Anong ginagawa ninyo, nag-iiyakan kayo at dinudurog ang aking puso? Handa ako na hindi lamang gapusin, kundi mamatay rin naman sa Jerusalem dahil sa pangalan ng Panginoong Jesus.”

14 Nang hindi siya mahimok, tumigil kami, na nagsasabi, “Hayaang mangyari ang kalooban ng Panginoon.”

15 At pagkaraan ng mga araw na ito, naghanda kami at umahon patungo sa Jerusalem.

16 Sumama sa amin ang ilang alagad mula sa Cesarea at dinala kami sa bahay ni Mnason, na taga-Cyprus, isa sa mga naunang alagad, na sa kanya kami manunuluyan.

Ang Pagdalaw ni Pablo kay Santiago

17 Nang makarating kami sa Jerusalem, masaya kaming tinanggap ng mga kapatid.

18 Nang sumunod na araw, sumama si Pablo sa amin kay Santiago; at ang lahat ng matatanda ay naroroon.

19 Pagkatapos niyang batiin sila, isa-isang isinalaysay niya sa kanila ang mga bagay na ginawa ng Diyos sa mga Hentil sa pamamagitan ng kanyang ministeryo.

20 Nang kanilang marinig iyon, pinuri nila ang Diyos. At sinabi nila sa kanya, “Nakikita mo, kapatid, kung ilang libo sa mga Judio ang sumampalataya; at silang lahat ay pawang masisigasig sa kautusan.

21 Nabalitaan nila ang tungkol sa iyo na itinuturo mo raw sa lahat ng mga Judio na kasama ng mga Hentil na talikdan si Moises, at sinasabi sa kanila na huwag tuliin ang kanilang mga anak ni sumunod sa mga kaugalian.

22 Ano nga ba ang dapat gawin? Tiyak na kanilang mababalitaang dumating ka.

23 Kaya't(C) gawin mo ang sinasabi namin sa iyo. Mayroon kaming apat na lalaki na may panata sa kanilang sarili.

24 Sumama ka sa mga lalaking ito, isagawa ninyo ang seremonya ng paglilinis at ipagbayad mo sila para maahit ang kanilang mga ulo. At malalaman ng lahat na walang katotohanan ang mga bagay na kanilang nabalitaan tungkol sa iyo kundi ikaw mismo ay sumasang-ayon sa pagtupad sa kautusan.

25 Ngunit(D) tungkol sa mga Hentil na naging mga mananampalataya na, kami ay nagpadala na ng liham na aming ipinasiyang umiwas sila sa mga inihandog sa mga diyus-diyosan, sa dugo, sa hayop na binigti,[b] at sa pakikiapid.”

26 Nang magkagayo'y isinama ni Pablo ang mga lalaking iyon. Nang sumunod na araw, pagkatapos malinis ang kanyang sarili, pumasok siya sa templo upang ipahayag kung kailan magaganap ang mga araw ng paglilinis, at ang pag-aalay ng handog para sa bawat isa sa kanila.

Dinakip si Pablo

27 Nang halos matapos na ang pitong araw, ang mga Judiong taga-Asia, nang makita siya sa templo, ay inudyukan ang maraming tao at siya'y kanilang dinakip,

28 na isinisigaw, “Mga lalaking taga-Israel, tumulong kayo! Ito ang taong nagtuturo sa mga tao sa lahat ng dako laban sa sambayanan, sa kautusan, at sa dakong ito; at bukod pa rito'y nagdala rin siya ng mga Griyego sa templo, at dinungisan ang banal na lugar na ito.”

29 Sapagkat(E) nakita nila noong una na kasama niya sa lunsod si Trofimo na taga-Efeso, at iniisip nilang ipinasok siya ni Pablo sa templo.

30 At ang buong lunsod ay nagkagulo at ang mga tao'y sama-samang nagtakbuhan. Kanilang hinuli si Pablo, siya'y kinaladkad palabas sa templo at agad isinara ang mga pinto.

31 Samantalang sinisikap nilang patayin siya, dumating ang balita sa pinunong kapitan ng mga kawal na ang buong Jerusalem ay nagkakagulo.

32 Nagsama siya kaagad ng mga kawal at mga senturion, at tumakbo sa kanila. Nang kanilang makita ang pinunong kapitan at ang mga kawal ay tumigil sila sa pagbugbog kay Pablo.

33 Pagkatapos nito, lumapit ang pinunong kapitan, dinakip siya at ipinagapos ng dalawang tanikala. Itinanong kung sino siya, at kung ano ang ginawa niya.

34 Ang ilan sa maraming tao ay sumigaw ng isang bagay, ang ilan ay iba naman; at nang hindi niya maunawaan ang totoong nangyari dahil sa kaguluhan, ay iniutos niyang dalhin siya sa himpilan.

35 Nang dumating si Pablo[c] sa hagdanan, siya'y binuhat na ng mga kawal dahil sa karahasan ng napakaraming tao.

36 Ang maraming tao na sumunod sa kanya ay patuloy na sumisigaw, “Alisin siya!”

Ipinagtanggol ni Pablo ang Sarili

37 Nang ipapasok na si Pablo sa himpilan, ay sinabi niya sa pinunong kapitan, “Maaari ba akong makipag-usap sa iyo?”

At sinabi ng pinunong kapitan,[d] “Marunong ka ba ng Griyego?

38 Kung gayon, hindi ikaw ang Ehipcio, na nag-udyok ng paghihimagsik nang mga nakaraang araw at nagdala sa apat na libong mamamatay-tao sa ilang?”

39 Sumagot si Pablo, “Ako'y Judio, na taga-Tarso sa Cilicia, isang mamamayan ng isang hindi karaniwang lunsod. Nakikiusap ako, pahintulutan mo akong magsalita sa mga taong-bayan.”

40 Nang siya'y mapahintulutan na niya, si Pablo ay tumayo sa mga baytang at isinenyas ang kamay sa mga tao, at nang magkaroon ng malaking katahimikan, nagsalita siya sa wikang Hebreo, na sinasabi:

Footnotes

  1. Mga Gawa 21:9 o birhen .
  2. Mga Gawa 21:25 Sa ibang mga kasulatan ay walang sa hayop na binigti .
  3. Mga Gawa 21:35 Sa Griyego ay siya .
  4. Mga Gawa 21:37 Sa Griyego ay niya .

21 And when we had torn ourselves away from them and withdrawn, we set sail and made a straight run to Cos, and on the following [day came] to Rhodes and from there to Patara.

There we found a ship crossing over to Phoenicia; so we went aboard and sailed away.

After we had sighted Cyprus, leaving it on our left we sailed on to Syria and put in at Tyre, for there the ship was to unload her cargo.

And having looked up the disciples there, we remained with them for seven days. Prompted by the [Holy] Spirit, they kept telling Paul not to set foot in Jerusalem.

But when our time there was ended, we left and proceeded on our journey; and all of them with their wives and children accompanied us on our way till we were outside the city. There we knelt down on the beach and prayed.

Then when we had told one another farewell, we went on board the ship, and they returned to their own homes.

When we had completed the voyage from Tyre, we landed at Ptolemais, where we paid our respects to the brethren and remained with them for one day.

On the morrow we left there and came to Caesarea; and we went into the house of Philip the evangelist, who was one of the Seven [first deacons], and stayed with him.(A)

And he had four maiden daughters who had the gift of prophecy.

10 While we were remaining there for some time, a prophet named Agabus came down from Judea.

11 And coming to [see] us, he took Paul’s belt and with it bound his own feet and hands and said, Thus says the Holy Spirit: The Jews at Jerusalem shall bind like this the man who owns this belt, and they shall deliver him into the hands of the Gentiles (heathen).

12 When we heard this, both we and the residents of that place pleaded with him not to go up to Jerusalem.

13 Then Paul replied, What do you mean by weeping and breaking my heart like this? For I hold myself in readiness not only to be arrested and bound and imprisoned at Jerusalem, but also [even] to die for the name of the Lord Jesus.

14 And when he would not yield to [our] persuading, we stopped [urging and imploring him], saying, The Lord’s will be done!

15 After these days we packed our baggage and went up to Jerusalem.

16 And some of the disciples from Caesarea came with us, conducting us to the house of Mnason, a man from Cyprus, one of the disciples of long standing, with whom we were to lodge.

17 When we arrived in Jerusalem, the brethren received and welcomed us gladly.

18 On the next day Paul went in with us to [see] James, and all the elders of the church were present [also].

19 After saluting them, Paul gave a detailed account of the things God had done among the Gentiles through his ministry.

20 And upon hearing it, they adored and exalted and praised and thanked God. And they said to [Paul], You see, brother, how many thousands of believers there are among the Jews, and all of them are enthusiastic upholders of the [Mosaic] Law.

21 Now they have been informed about you that you continually teach all the Jews who live among the Gentiles to turn back from and forsake Moses, advising them not to circumcise their children or pay any attention to the observance of the [Mosaic] customs.

22 What then [is best that] should be done? A multitude will come together, for they will surely hear that you have arrived.

23 Therefore do just what we tell you. With us are four men who have taken a vow upon themselves.

24 Take these men and purify yourself along with them and pay their expenses [for the temple offering], so that they may have their heads shaved. Thus everybody will know that there is no truth in what they have been told about you, but that you yourself walk in observance of the Law.

25 But with regard to the Gentiles who have believed (adhered to, trusted in, and relied on Christ), we have sent them a letter with our decision that they should keep themselves free from anything that has been sacrificed to idols and from [tasting] blood and [eating the meat of animals] which have been strangled and from all impurity and sexual immorality.

26 Then Paul took the [four] men with him and the following day [he went through the rites of] purifying himself along with them. And they entered the temple to give notice when the days of purification (the ending of each vow) would be fulfilled and the usual offering could be presented on behalf of each of them.

27 When the seven days were drawing to a close, some of the Jews from [the province of] Asia, who had caught sight of Paul in the temple, incited all the rabble and laid hands on him,

28 Shouting, Men of Israel, help! [Help!] This is the man who is teaching everybody everywhere against the people and the Law and this place! Moreover, he has also [actually] brought Greeks into the temple; he has desecrated and polluted this holy place!

29 For they had previously seen Trophimus the Ephesian in the city with Paul and they supposed that he had brought the man into the temple [into the inner court forbidden to Gentiles].

30 Then the whole city was aroused and thrown into confusion, and the people rushed together; they laid hands on Paul and dragged him outside the temple, and immediately the gates were closed.

31 Now while they were trying to kill him, word came to the commandant of the regular Roman garrison that the whole of Jerusalem was in a state of ferment.

32 So immediately he took soldiers and centurions and hurried down among them; and when the people saw the commandant and the troops, they stopped beating Paul.

33 Then the commandant approached and arrested Paul and ordered that he be secured with two chains. He then inquired who he was and what he had done.

34 Some in the crowd kept shouting back one thing and others something else, and since he could not ascertain the facts because of the furor, he ordered that Paul be removed to the barracks.

35 And when [Paul] came to mount the steps, he was actually being carried by the soldiers because of the violence of the mob;

36 For the mass of the people kept following them, shouting, Away with him! [Kill him!]

37 Just as Paul was about to be taken into the barracks, he asked the commandant, May I say something to you? And the man replied, Can you speak Greek?

38 Are you not then [as I supposed] the Egyptian who not long ago stirred up a rebellion and led those 4,000 men who were cutthroats out into the wilderness (desert)?

39 Paul answered, I am a Jew, from Tarsus in Cilicia, a citizen of no insignificant or undistinguished city. I beg you, allow me to address the people.

40 And when the man had granted him permission, Paul, standing on the steps, gestured with his hand to the people; and there was a great hush. Then he spoke to them in the Hebrew dialect, saying: