Add parallel Print Page Options

27 Sapagkat hindi mo hahayaan ang kaluluwa ko sa Hades,
    ni ipahihintulot man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.
28 Ipinaalam mo sa akin ang mga daan ng buhay;
    pupuspusin mo ako ng kagalakan sa iyong harapan.’

29 “Mga kapatid, may tiwalang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriyarkang si David. Siya rin ay namatay at inilibing, at nasa atin ang kanyang libingan hanggang sa araw na ito.

30 Yamang(A) siya'y isang propeta at nalalaman niyang nangako ang Diyos sa kanya na ang isa sa kanyang mga inapo ay iluluklok niya sa kanyang trono.

31 Yamang nakita niya ito bago pa mangyari, nagsalita si David tungkol sa muling pagkabuhay ng Cristo:

‘Hindi siya pinabayaan sa Hades,
    ni ang kanya mang katawan ay nakakita ng kabulukan.’

Read full chapter