Add parallel Print Page Options

Sa Tesalonica

17 Nang makaraan na sina Pablo at Silas[a] sa Amfipolis at sa Apolonia ay nakarating sila sa Tesalonica, kung saan ay may isang sinagoga ng mga Judio.

At si Pablo ay pumasok ayon sa kanyang kaugalian, at sa loob ng tatlong Sabbath ay nangatuwiran sa kanila mula sa mga kasulatan,

na ipinapaliwanag at pinatutunayan na kailangang magdusa ang Cristo at muling mabuhay mula sa mga patay; at sinasabi, “Itong Jesus na aking ipinangangaral sa inyo ay siyang Cristo.”

Nahikayat ang ilan sa kanila at sumama kina Pablo at kay Silas, gayundin ang napakaraming mga Griyegong masisipag sa kabanalan, at hindi kakaunting mga pangunahing babae.

Subalit dahil sa inggit, ang mga Judio ay nagsama ng ilang masasamang tao mula sa pamilihan at nang makapagtipon sila ng maraming tao ay ginulo nila ang lunsod. Nilusob nila ang bahay ni Jason, sa kagustuhang maiharap sina Pablo at Silas[b] sa mga tao.

Nang sila'y hindi nila natagpuan, kanilang kinaladkad si Jason at ang ilang kapatid sa harap ng mga pinuno ng lunsod, na ipinagsisigawan, “Ang mga taong ito na nanggugulo[c] ay dumating din dito;

at tinanggap sila ni Jason. Lahat sila ay kumikilos laban sa mga utos ni Cesar, at sinasabi nilang may ibang hari na ang pangalan ay Jesus.”

Ang napakaraming tao at ang mga pinuno ng lunsod ay naligalig nang kanilang marinig ang mga bagay na ito.

Nang sila'y makakuha ng piyansa mula kay Jason at sa iba pa, ay kanilang pinakawalan sila.

Sa Berea

10 Nang gabing iyon ay agad na pinaalis ng mga kapatid sina Pablo at Silas patungo sa Berea. Nang dumating sila roon, pumasok sila sa sinagoga ng mga Judio.

11 Ngayon ang mga ito ay higit na mararangal kaysa mga taga-Tesalonica, sapagkat tinanggap nila ang salita ng buong pananabik na sinisiyasat araw-araw ang mga kasulatan kung tunay nga ang mga bagay na ito.

12 Kaya marami sa kanila ang nanampalataya, kasama ang maraming babaing Griyego at mga pangunahing lalaki.

13 Subalit nang malaman ng mga Judiong taga-Tesalonica na ang salita ng Diyos ay ipinangaral din ni Pablo sa Berea, sila ay nagpunta rin doon upang guluhin at sulsulan ang maraming tao.

14 At agad na isinugo ng mga kapatid si Pablo paalis hanggang sa dagat, ngunit nanatili roon sina Silas at Timoteo.

15 Si Pablo ay dinala ng mga naghatid sa kanya hanggang sa Atenas; at nang matanggap na nila ang utos upang sina Silas at Timoteo ay sumama sa kanya sa lalong madaling panahon, siya'y kanila nang iniwan.

Sa Atenas

16 Samantalang sila'y hinihintay ni Pablo sa Atenas, siya ay labis na nanlumo nang makita niya na ang lunsod ay punô ng mga diyus-diyosan.

17 Kaya't sa sinagoga ay nakipagtalo siya sa mga Judio at sa mga taong masisipag sa kabanalan, at sa pamilihan sa araw-araw sa mga nagkataong naroroon.

18 Ilan sa mga pilosopong Epicureo at Estoico ay nakipagtalo rin sa kanya. At sinabi ng ilan, “Anong nais sabihin ng madaldal na ito?” Sinabi ng iba, “Parang siya'y isang tagapagbalita ng mga ibang diyos”—sapagkat ipinangangaral niya si Jesus at ang pagkabuhay.

19 Siya'y kinuha nila at dinala sa Areopago, at tinanong, “Maaari ba naming malaman kung ano itong bagong aral na sinasabi mo?

20 Sapagkat naghahatid ka ng mga kakaibang bagay sa aming mga tainga; kaya't ibig naming malaman kung ano ang kahulugan ng mga bagay na ito.”

21 Lahat ng mga taga-Atenas at ang mga dayuhang naninirahan doon ay walang pinaggugulan ng panahon kundi ang mag-usap o makinig ng mga bagong bagay.

22 Kaya't tumindig si Pablo sa gitna ng Areopago, at sinabi, “Mga lalaking taga-Atenas, napapansin ko na sa lahat ng bagay kayo'y lubhang relihiyoso.

23 Sapagkat sa aking pagdaraan, at sa pagmamasid ng mga bagay na inyong sinasamba, ay nakatagpo din naman ako ng isang dambana na may sulat na ganito, ‘SA ISANG DI-KILALANG DIYOS.’ Kaya't ang sinasamba ninyo na hindi kilala ay siyang ipahahayag ko sa inyo.

24 Ang(A) Diyos na gumawa ng sanlibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya na Panginoon ng langit at ng lupa, ay hindi tumitira sa mga templong ginawa ng tao;

25 ni hindi rin naman siya pinaglilingkuran ng mga kamay ng tao, na para bang mayroon siyang kailangan, yamang siya ang nagbibigay sa lahat ng tao ng buhay at ng hininga, at ng lahat ng bagay na ito.

26 Nilikha niya mula sa isa[d] ang bawat bansa ng mga tao upang manirahan sa ibabaw ng buong lupa. Itinakda niya ang mga panahon at mga hangganan ng kanilang titirhan,

27 upang kanilang hanapin ang Diyos, baka sakaling siya'y mahagilap nila at siya'y matagpuan, bagaman hindi siya malayo sa bawat isa sa atin.

28 Sapagkat sa kanya tayo'y nabubuhay, at kumikilos, at nasa kanya ang ating pagkatao; tulad ng sinabi ng ilan sa inyong mga makata,

    ‘Sapagkat tayo rin ay kanyang supling.’

29 Yamang tayo'y supling ng Diyos, hindi marapat na ating isipin na ang pagka-Diyos ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inanyuan ng husay at kaisipan ng tao.

30 Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalampas na nga ng Diyos; ngunit ngayo'y ipinag-uutos niya sa lahat ng tao sa lahat ng dako na magsisi,

31 sapagkat itinakda niya ang isang araw kung kailan niya hahatulan ang sanlibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kanyang itinalaga, at tungkol dito'y binigyan niya ng katiyakan ang lahat ng tao, nang kanyang muling buhayin siya mula sa mga patay.”

32 Nang kanilang marinig ang tungkol sa pagkabuhay ng mga patay, ay nangutya ang ilan; ngunit sinabi ng iba, “Pakikinggan ka naming muli tungkol dito.”

33 Sa gayo'y umalis si Pablo sa gitna nila.

34 Subalit sumama sa kanya ang ilang mga tao at nanampalataya. Isa sa kanila si Dionisio na taga-Areopago, at ang isang babaing ang pangalan ay Damaris at iba pang mga kasama nila.

Footnotes

  1. Mga Gawa 17:1 Sa Griyego ay sila .
  2. Mga Gawa 17:5 Sa Griyego ay sila .
  3. Mga Gawa 17:6 Sa Griyego ay binabaligtad ang mundo .
  4. Mga Gawa 17:26 Sa ibang matandang kasulatan ay mula sa isang dugo .

17 Pagkatahak nga nila sa Amfipolis at sa Apolonia, ay nagsirating sila sa (A)Tesalonica, na kinaroroonan ng isang sinagoga ng mga Judio.

At si Pablo, ayon sa ugali niya (B)ay pumasok sa kanila, at sa tatlong sabbath ay nangatuwiran sa kanila (C)sa mga kasulatan,

Na binubuksan at pinatunayan (D)na kinakailangang si Cristo ay maghirap, at muling mabuhay sa mga patay; at itong si Jesus, aniya, na aking ipinangangaral sa inyo, ay siyang Cristo.

At nangahikayat ang ilan sa kanila, at nakikampi kay Pablo at kay Silas; at gayon din ang lubhang maraming mga (E)Griegong masisipag sa kabanalan, at hindi kakaunting mga babaing mararangal.

Datapuwa't ang mga Judio, palibhasa'y nangaudyokan ng inggit, ay nangagsama ng ilang masasamang tao sa pamilihan, at pagkatipon ng isang karamihan, ay ginulo ang bayan; at pagkalusob sa bahay ni Jason, ay pinagsikapan nilang sila'y iharap sa mga tao.

At nang hindi sila mangasumpungan, ay kanilang kinaladkad si Jason at ang ilang (F)kapatid sa harap ng mga punong bayan, na ipinagsisigawan, (G)Itong mga nagsisipagtiwarik ng sanglibutan, ay nagsiparito rin naman;

Na tinanggap sila ni Jason: at ang lahat ng mga ito ay nagsisigawa ng laban sa mga utos ni Cesar, na nagsasabing may ibang hari, si Jesus.

At kanilang ginulo ang karamihan at ang mga punong bayan, nang kanilang marinig ang mga bagay na ito.

At nang matanggap na nila ang pinakaako kay Jason at sa mga iba, ay kanilang pinawalan sila.

10 At pagdaka'y (H)pinayaon sa gabi ng mga kapatid si Pablo at si Silas sa Berea: na nang dumating sila doon ay nagsipasok sa sinagoga ng mga Judio.

11 Ngayon lalong naging mararangal ang mga ito kay sa mga taga Tesalonica, sapagka't tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap, at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito.

12 Kaya nga marami sa kanila ang mga nagsisampalataya; gayon din sa mga babaing Griega (I)na may mga kalagayang mahal, at sa mga lalake, ay hindi kakaunti.

13 Datapuwa't nang maunawa ng mga Judiong taga Tesalonica na sa Berea ay ipinangangaral din ni Pablo ang salita ng Dios, ay nagsiparoon din naman, na ginulo at binagabag ang mga karamihan.

14 At nang magkagayo'y pagdaka'y pinayaon (J)ng mga kapatid si Pablo na pumaroon hanggang sa dagat: at nangatira pa roon si Silas at si (K)Timoteo.

15 Datapuwa't silang mga nagsipaghatid kay Pablo ay (L)dinala siya hanggang sa Atenas: at nang matanggap na nila ang pautos kay Silas at kay Timoteo na madalingmadali silang magsiparoon sa kaniya, ay nagsialis sila.

16 Samantala ngang sila'y hinihintay ni Pablo sa Atenas, ay namuhi ang kaniyang espiritu sa loob niya sa pagkamasid niya sa bayan na puno ng diosdiosan.

17 Kaya't (M)sa sinagoga'y nakipagmatuwiran siya sa (N)mga Judio at sa mga taong (O)masisipag sa kabanalan, at sa araw-araw sa pamilihan sa mga nakikipagkita sa kaniya.

18 At ilan naman sa mga pilosopong Epicureo at Estoico ay nakipagtalo sa kaniya. At sinabi ng ilan, Anong ibig sabihin ng masalitang ito? binagabag ang mga iba, Parang siya'y tagapagbalita ng mga ibang dios: sapagka't ipinangangaral niya si Jesus at ang (P)pagkabuhay na maguli.

19 At siya'y tinangnan nila, at dinala siya sa Areopago, na sinasabi, Mangyayari bagang maalaman namin kung ano itong bagong aral, na sinasalita mo?

20 Sapagka't naghahatid ka ng mga kakaibang bagay sa aming mga tainga: ibig nga naming maalaman kung ano ang kahulugan ng mga bagay na ito.

21 (Lahat nga ng mga Ateniense at ang mga taga ibang bayang nakikipamayan doon ay walang ibang ginagawa, kundi ang magsipagsaysay o mangakinig ng anomang bagay na bago.)

22 At tumindig si Pablo sa gitna ng Areopago, at sinabi,

Kayong mga lalaking taga Atenas, sa lahat ng mga bagay ay napapansin kong kayo'y lubhang relihioso.

23 Sapagka't sa aking pagdaraan, at sa pagmamasid ng mga bagay na inyong sinasamba, ay nakasumpong din naman ako ng isang dambana na may sulat na ganito, SA ISANG DIOS NA HINDI KILALA. Yaon ngang inyong sinasamba sa hindi pagkakilala, siya ang sa inyo'y ibinabalita ko.

24 (Q)Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasa'y Panginoon ng langit at ng lupa, (R)ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay;

25 Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga kamay ng mga tao, (S)na para bagang siya'y nangangailangan ng anomang bagay, yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng (T)buhay, at ng hininga, at ng lahat ng mga bagay;

26 At ginawa niya sa isa ang bawa't bansa ng mga tao upang magsipanahan sa balat ng buong lupa, na itinakda ang kanilang talagang ayos ng mga kapanahunan at (U)ang mga hangganan ng kanilang tahanan;

27 Upang kanilang hanapin ang Dios baka sakaling maapuhap nila siya at siya'y masumpungan, bagaman (V)hindi siya malayo sa bawa't isa sa atin:

28 Sapagka't (W)sa kaniya tayo'y nangabubuhay, at nagsisikilos, at mayroon tayong pagkatao: (X)na gaya naman ng sinabi ng ilan sa inyong sariling mga manunula,

Sapagka't tayo nama'y sa kaniyang lahi.

29 Yamang tayo nga'y lahi ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao.

30 Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalipas na nga ng (Y)Dios; datapuwa't ngayo'y (Z)ipinag-uutos niya sa mga tao na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako:

31 Sapagka't siya'y nagtakda ng isang araw na kaniyang (AA)ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga; na ito'y pinatunayan niya sa lahat ng mga tao, (AB)nang siya'y buhayin niyang maguli sa mga patay.

32 At nang kanilang marinig ang tungkol sa pagkabuhay na maguli, ay nanglibak ang ilan; datapuwa't sinabi ng mga iba, Pakikinggan ka naming muli tungkol dito.

33 Sa gayo'y umalis si Pablo sa gitna nila.

34 Datapuwa't nakisama sa kanya ang ilang mga tao, at nagsisampalataya: na sa mga yao'y isa si Dionisio na (AC)Areopagita, at ang isang babaing nagngangalang Damaris, at mga iba pang kasama nila.

Pál és Szilász Thesszalonikában

17 Pál és Szilász Amfipolisz és Apollónia érintésével Thesszalonikába érkeztek. Ebben a városban zsinagógájuk is volt az ott élő zsidóknak. Pál — szokása szerint — itt is elment a zsinagógába. Három héten keresztül minden szombaton vitatkozott a zsidókkal az Írásokról. Magyarázta és be is bizonyította nekik az Írások alapján, hogy a Messiásnak szenvednie kellett, és azután fel kellett támadnia a halálból. Azt mondta nekik: „Az a Jézus a Messiás, akit én hirdetek nektek.” Néhányan elfogadták ezt, és csatlakoztak Pálhoz és Szilászhoz.

Ebbe a zsinagógába azonban nem csak zsidók, hanem olyan görögök is jártak, akik az igaz Istent imádták, meg gazdag és előkelő asszonyok is. Közülük is sokan csatlakoztak Pálékhoz. Ezt látva, azok a zsidók, akik nem hittek Jézusban, féltékenységgel teltek meg. Maguk mellé vettek néhány lézengő, hitvány embert a piactérről, akiknek segítségével csődületet támasztottak, és fellármázták az egész várost. A feldühödött tömeget azután Jázon házához vezették, hogy Pált és Szilászt erőszakkal kihozzák onnan, és a városi népgyűlés elé állítsák.

Pálékat azonban nem találták ott, ezért Jázont ragadták meg, és néhány másik testvérrel együtt a város vezetői elé hurcolták őket. A vezetők előtt ezt kiabálták: „Ezek a bajkeverők, akik az egész világot felforgatták, most itt is megjelentek, és Jázon befogadta őket! Szembeszállnak a császár parancsával, mert mást tartanak királynak: egy bizonyos Jézust!”

A tömeg és a város vezetői ezen nagyon felháborodtak. A vezetők kötelezték Jázont és a testvéreket, hogy egy bizonyos összeget helyezzenek letétbe, s azután szabadon engedték őket.

Pál és Szilász Béreában

10 Ezután a testvérek még azon az éjszakán útnak indították Pált és Szilászt, akik továbbmentek Bérea városába. Amikor megérkeztek, ott is elmentek a zsinagógába. 11 Az ottani zsidó közösség tagjai nemesebb lelkűek voltak, mint a thesszalonikabeliek. Nyitott szívvel és örömmel fogadták az üzenetet, amelyet Pál hirdetett. Naponta tanulmányozták az Írásokat, és gondosan megvizsgálták, hogy valóban igaz-e, amit Páltól hallottak. 12 Ennek az lett az eredménye, hogy sokan hittek Jézusban. De nemcsak a zsidók közül, hanem a gazdag és előkelő görög asszonyok és férfiak közül is sokan hívőkké lettek.

13 Amikor azonban a thesszalonikai zsidók megtudták, hogy Pál Béreában is hirdeti Isten üzenetét, oda is utánamentek, és Pál ellen uszították a helybelieket. 14 Ekkor a testvérek azonnal továbbküldték Pált a tengerhez, míg Szilász és Timóteus a városban maradtak. 15 Azok a testvérek, akik elkísérték Pált, egészen Athén városáig mentek vele, majd visszatértek Béreába. Pál azt üzente velük Szilásznak és Timóteusnak, hogy ők is minél hamarabb menjenek utána Athénbe.

Pál Athénben

16 Pál tehát Athénben várta Szilászt és Timóteust. Nagyon felháborodott, amikor látta, hogy a város tele van bálványszobrokkal. 17 Itt is elment a zsinagógába, és vitatkozott a zsidókkal és az istenfélő görögökkel. Naponta beszélgetett azokkal is, akiket éppen a város főterén talált. 18 Vitába is keveredett néhány filozófussal, akik az epikureusokhoz, illetve a sztoikusokhoz tartoztak.

Néhányan ezek közül azt mondták: „Ez az ember össze-vissza beszél! Mit akarhat mondani?” Mások meg azt mondták: „Úgy látszik, valami idegen isteneket hirdet” — Pál ugyanis Jézusról és a feltámadásról beszélt nekik.

19 Azután magukkal vitték Pált, hogy az Areopágosz elé állítsák. Azt mondták neki: „Magyarázd el nekünk ezt az új dolgot, amiről beszélsz, mert nem értjük! 20 Furcsa, amit mondasz, de szeretnénk megérteni.” 21 Az athéniek és az ott tartózkodó idegenek ugyanis mind azzal töltötték az idejüket, hogy új elméleteket hirdettek, vagy azokat hallgatták.

22 Pál tehát felállt az Areopágosz tanácsa előtt, és beszédet tartott: „Athéni férfiak, úgy látom, ti valóban nagyon vallásosak vagytok! 23 Amikor a városotokban jártam, megnéztem a szentélyeiteket. Találtam egy olyan oltárt is, amelyre ez volt írva: » az ismeretlen istennek«. Éppen ő az, akiről én beszélek — akit ti nem ismertek, mégis tiszteltek.

24 Ő az Isten, aki teremtette az egész világot és mindent, ami benne van. Ő a Menny és a Föld Ura, aki nem kézzel készített templomokban lakik, 25 és nincs szüksége rá, hogy az emberek szolgálják őt, mintha valamiben hiányt szenvedne. Éppen ellenkezőleg: ő ad mindenkinek életet, leheletet, és minden mást is, ami szükséges. 26 Ő teremtette az első embert, és annak az utódaiból az összes nemzetet, és azt akarta, hogy az emberek az egész Földön mindenhol elterjedjenek. Ő határozta meg a népek lakóhelyének határait, és azt is, hogy meddig lakhatnak ott.

27 Mindezt azért tette, hogy az emberek keressék Istent, kinyújtsák a kezüket utána, és talán meg is találják. Pedig nincs messze egyikünktől sem, 28 mert benne élünk, mozgunk, és vagyunk. Költőitek közül az egyik ezt mondta: »Az ő gyermekei vagyunk.«

29 S mivel valóban Isten gyermekei vagyunk, hogyan is gondolhatnánk, hogy Isten hasonló lenne az aranyból, ezüstből vagy kőből készült dolgokhoz, amelyeket az emberi képzelet és művészet formált?

30 Mindeddig Isten türelmesen elnézte, hogy az emberek nem ismerik és nem értik őt. Most azonban parancsolja az egész világon mindenkinek, hogy változtassák meg a gondolkodásukat és térjenek vissza őhozzá. 31 Mert Isten már kijelölte azt a napot, amelyen majd igazságos ítéletet tart az összes ember fölött. Ezt az ítéletet egy olyan férfira bízta, akit erre a célra már régen kiválasztott, és ezt azzal bizonyította mindenki számára, hogy feltámasztotta a halálból!”

32 Amikor azonban Pál a halottak feltámadását említette, egyesek csúfolódni kezdtek, mások meg azt mondták: „Majd később még meghallgatunk erről.” 33 Pál ezután otthagyta őket. 34 Néhányan azonban hittek Jézusban, és csatlakoztak Pálhoz. Ezek között volt Dioniziosz, az Areopágosz tanácsának egyik tagja, egy Damarisz nevű asszony és még néhányan mások.