Add parallel Print Page Options

27 Ginawa(A) niya iyon upang hanapin nila ang Diyos; baka sakaling sa kanilang paghahanap, siya ay matagpuan nila. Ang totoo, hindi naman siya talagang malayo sa bawat isa sa atin; 28 sapagkat,

‘Nakasalalay sa kanya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao.’

Tulad ng sinabi ng ilan sa inyong mga makata,

‘Tayo nga'y mga anak niya.’

29 Sapagkat tayo'y mga anak ng Diyos, huwag nating akalain na ang kanyang pagka-Diyos ay mailalarawan ng ginto, pilak, o bato na pawang likha ng isip at gawa ng kamay ng tao.

Read full chapter